00:00Pabor ang mga senador sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-lifestyle check ang mga opisyal ng gobyerno.
00:06Sa gitna pa rin niya ng issue sa flood control projects, gitna mga senador,
00:10mahalaga yan para maibalik ang tiwala ng publiko.
00:13Si Daniel Manalasta sa report.
00:17Supportado ng ilang senador ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lifestyle check sa mga opisyal ng gobyerno.
00:25Ito'y para masilip kung sangkot sa katiwalian ang mga government official.
00:30Sa gitna yan ang kontrobersiya sa maanumalyang flood control projects.
00:34Si senadora ay ni Marcos may target kung sino dapat ang manguna sa lifestyle check.
00:40Okay na, kailangan talaga magpaka-good example naman ng mga mambabatas.
00:46Kasi kami ang tumatayong liderato ng bansa, dapat leader din kami sa anumang lifestyle at iba pang check.
00:53Wala rin problema sa direktiba ng presidente, sina Sen. J. V. Ejercito at Sen. Risa Conteveros.
01:01Ay okay lang po para makita ng lahat yung anking middle class lifestyle.
01:04Ah, I think it's about time.
01:07Actually, noon pa yun eh.
01:09Talagang meron naman dapat na sinusunod na lifestyle.
01:13May etiquette dapat sa gobyerno na hindi dapat maging mag-arbo.
01:17May komento rin ang mga senador kay DPWH, Sekretary Manuel Bonoan, sa harap ng mga kontrobersiya sa flood control.
01:26Kung biguman yung kanyang liderato or talagang hindi niya alam, pero nauna na yung ilang mga kasama ko dito sa Senado.
01:35At the very least, kung heads of agencies po sila, may command responsibility sa ginagawa ng kanilang mga kawani.
01:44Kaya nga sabi ko, it will be prudent for Sekretary Bonoan to take a leave of absence para na rin while the investigation is ongoing, at least hindi siya maka-influence sa department.
01:57Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, marapat lang nakasama lahat ng public officials sa lifestyle check.
02:05Hinalal man o appointed.
02:07At dapat daw periodic ang pagsasagawa ng lifestyle check.
02:11Para kay Sen. Sherwin Gatchalian, magandang hakbang ito para maibalik ang tiwala ng publiko.
02:17Git pa niya na dahil sa tindi ng anomalya sa flood control projects, dapat siryosohin ang paglaban sa korupsyon.
02:24Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.