Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinisin ni Las Piñas Representative Mark Anthony Santos
00:03sa kalsadang proyekto ng mga villar
00:06ang mabilis na pagbaha sa ilang lugar sa lungsod.
00:09Ang giit ni Santos, kumipot ang ilog dahil sa itinayong kalsada.
00:14Pero ang sabi ni dating Sen. Cynthia Villar,
00:16pang matagalang solusyon sa pagbaha ang proyekto
00:19at tugundin niya sa problema ng traffic.
00:23Saksi, si Mackie Polido.
00:24Noon pa man, sabi ni Claudia, problema na ang paha
00:31dito sa barangay Zapote 2, Las Piñas City.
00:34Umaabot po ito dito, tapos hanggang pumapasok po siya sa loob
00:38hanggang may hagdan, hanggang dito po.
00:43Nitong Hulyo lang dahil sa ulang dala ng habagat,
00:46binaha ang maraming lugar sa lungsod.
00:50May pinuponduhan namang flood control para sa Zapote River,
00:53isa sa pinakamalaking daluyan ng tubig sa Las Piñas,
00:57ayon kay Las Piñas representative Mark Anthony Santos.
01:00Pero sabi niya, sa halip na magsagawa ng dredging
01:03at linisin ng DPWH ang Zapote River para lumalim
01:06at dumaloy ang tubig,
01:08nagtayo pa ito ng kalsada sa gilid ng ilog.
01:11Kumipot tuloyan niya ang ilog at mabilis ng umapaw,
01:14kaya mabilis bumaha sa syudad.
01:16Malaki po ang inoccupy nito doon sa Zapote River,
01:20na kung saan makikita natin ngayon
01:23na talagang medyo nabawasan
01:27yung puwang o yung luwang ng river
01:31na nagdudulot ngayon ng problema dito sa Las Piñas.
01:36Kasi nung araw na mas malapad ito,
01:39mas maraming tubig ang dumadaloy dito.
01:43May gumuho na rin bahagi ng reprap.
01:45Ang bahaging ito ang kasalukuyang kinukumpuni ng DPWH.
01:49Itong river na ito,
01:51hindi dapat tinayo po ito para gawing kalsada.
01:55Ito po ay para linisin lang ang river.
01:58Pero kitang-kita niyo po,
01:59ang mga nag-initiate ng mga predecessors ko po dito.
02:03Conflict of interest po, very clear dito.
02:06Kasi po lahat po ng kalsadang dinaanan,
02:09dito papunta po doon sa mga lupa nila,
02:11ng mga villiar.
02:13Kasi nagpagawa po mga bridge dito,
02:15papunta lahat dyan sa mga properties nila.
02:17Ang dulo po nito ay isang malaking mall na pag-aari din ang pamilya villiar.
02:21Ayon kay Congressman Santos,
02:23noon pang 2012 sinimula ng kalsada na may haba na ngayong
02:26hindi bababa sa 10 kilometro.
02:29Habang binabaybay namin ang Las Piñas-Zapote River Road,
02:32may mga poster na nagsasabing proyekto ito
02:35ng magkapatid na Sen. Mark at Camille Villiar
02:37at kanilang inang si dating Sen. Cynthia Villiar.
02:41Si Santos ang nakalaban at nakatalo kay Cynthia Villiar
02:44sa pagka-Congressman noong nakaraang eleksyon.
02:47Wala naman pong question.
02:48Sino naman pong magbe-benefit dito?
02:51E nagre-reklamo po ang mga kababayan ko sa baha ngayon.
02:54Maging mga creek, tinayuan na rin ang kalsada.
02:57Tulad dito sa Talong Creek, Barangay Pulang Dos.
03:00Ang bahaging ito ng creek,
03:01nagbuka ng kanal sa Kipot dahil sa itinayong kalsada.
03:04Noong September 2024, ayon sa mga residente,
03:08gumuho ang retaining wall da sa dami ng tubig
03:11at naipong mga basura sa creek.
03:13Sa unang pagkakataon, binaha ang kanilang subdivision.
03:17Gumiba. Gumiba siya.
03:19Nag-bridge yung aming wall.
03:21Pinasok kami ng tubig.
03:22Ang tinakatakot namin, papasok na naman ang tag-ulan.
03:25Wala na tutulog dito.
03:27Sa pahayag ni dating Sen. Cynthia Villiar,
03:29sinabi niya na ang Las Piñas-Zapote River Drive
03:32ay isang flood control at traffic decongestion project
03:35upang ma-rehabilitate ang Las Piñas River
03:37at makapagbigay ng pangmatagalang solusyon
03:40laban sa pagbaha sa lungsod.
03:42Bukod sa pagkontrol sa baha at rehabilitasyon ng ilog,
03:45kasama rin daw sa layunin ng proyekto
03:47ang pagluwag ng trapiko at pagkonekta ng mga komunidad.
03:51Patunay daw ang River Drive na prioridad nila
03:53mga proyektong makakatulong sa pagkontrol ng baha,
03:56paglilinis at pagunlad ng kanilang lungsod.
03:58Gidney Villiar,
04:00ang paratang na ginawa ito para palabasing pabor lamang
04:03sa ilang pribadong ari-arian
04:04ay isang paninilang politikal na wala umanong basihan.
04:08Para sa GMA Integrated News,
04:10makipulido ang inyong saksi.
04:14Mga kapuso,
04:15maging una sa saksi.
04:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
04:19para sa ibat-ibang balita.

Recommended