00:00At sa punto pong ito, ating talakay ng mga update tungkol sa mga programa ng kasalukwing administrasyon dito sa Mr. President on the Go.
00:20Una nga po dyan mga kababayan, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dumalo sa pagbubukas ng Manila Tech Summit 2025. Sa kanya pong tanong pati sa Manila Tech Summit 2025, sinabi po ng ating Pangulong Marcos Jr. na palalakasin ang digital infrastructure ng bansa para sa isang Pilipinas na mas digitally empowered, inklusibo at handa sa hinaharap.
00:42Binigyan din ang ating Pangulo ang mahalagang papel ng digital technology sa pagpapabuti ng pamahalaan at pagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga Pilipino.
00:52Anya, inaasam natin ang isang Pilipinas kung saan bawat Pilipino ay may pagkakataong maabot ang kanilang buong potensyal at kung saan ang mga makabagong teknolohiya ay nagbubukas ng mas malawak na or oportunidad para sa lahat.
01:07Sa bahagi naman ano yan ng gobyerno, titiyaki na maitatayo ang mga infrastruktura na magpapalakas at mga pulisiya upang makasabay po ang ating bansa sa bilis po ng pagbabago ng mundo.
01:18Ayon pa po sa ating Pangulo, noong 2024, kalahati ng mga transaksyong pinansyal sa bansa ay naisagawa sa digital na paraan.
01:25Binanggit niyang naging mas ligtas at mas convenient ang pagbabayad ng mga bayarin at pagpapadala po ng pera dahil sa financial technologies.
01:33Nagdagpan niya kung babot sa 2.25 trillion pesos ang halaga ng digital economy noong 2024, nakatumbas ng 8.5% ng GDP ng bansa, tumikha po ng mahigit 11 million jobs.
01:45Bagamat malaking tagumpay ito, naniniwala po ang ating Pangulong Marcos Jr. na marami pang kuhang para sa higit pang pagunlad at innovation.
01:53Kabilang po sa mga pamunayang initiatives na binanggit ng ating Pangulo, ang patuloy na construction ng National Fiber Backbone na inaasal matatapos sa 2028
02:02at pinapalawak din ang mga programang Free Wi-Fi for All bilang bahagi ng suporta sa digitalization.
02:08At yan po muna ang ating update ngayong umaga.
02:11Apangan ang susunod na ating tatrakain patungkol sa mga aktibidad at programa ng kasalukuyang administrasyon dito lamang sa Mr. President on the go.