Iniharap ni Senadora Risa Hontiveros sa Senado ang ilang dokumentong patunay umano na Chinese citizen ang isang mining executive na ayon sa immigration ay nameke umano ng pagka-Pilipino. Kabilang diyan ang tugmang fingerprints at mga litrato sa pasaporte ni Joseph Sy at sa alien certificate ng isang Chinese.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Iniharap ni Sen. Riza Ontiveros sa Senado ang ilang dokumentong patunay umano na Chinese citizen ng isang mining executive na ayon sa immigration ay nameki umano ng pagka-Pilipino.
00:11Kabilang dyan ang tugmang fingerprints at mga litrato sa pasaporte ni Joseph C. at sa alien certificate ng isang Chinese.
00:19Nakatutok si Ravi Tima.
00:20Malinang sa mga dokumentong ito ayon kay Sen. Riza Ontiveros, Chinese national at hindi Pilipino, ang mining executive na si Joseph C. na inaresto ng Bureau of Immigration noong nakaraang linggo.
00:35Sa kanyang privilege speech, ipinakita ng Senadora ang kopya ng alien certificate of registration na isang Zong Jian Chen na may alias na Joseph C.
00:43Makikita dito ang kanyang fingerprint. Ikinumpara raw ito ng Bureau of Immigration sa fingerprint ni Joseph C. sa kanyang Philippine passport.
00:49Kumpirmado yan. Hindi haka-haka. Hindi madadaya ng AI.
00:57At kahit hindi tayo mga fingerprints experts, hindi naman siguro madideny pag pinagtabi ang photo niya dito sa ACR at ng kanyang passport na ang Chinese na si Chen Zhongzhen at ang diomanong Pilipino na si Joseph C.
01:16ay one and the same.
01:20Nakababahala ayon sa Senadora na tulad ni Alice Go, tila nalusutan ang mga ahensya ng gobyerno para makakuha siya ng Philippine passport at magpakilalang Pilipino.
01:29Bukod sa naging honorary member siya ng Philippine Coast Guard Auxiliary, honorary chairman din siya ng Philippine Silk Road International Chamber of Commerce.
01:36Bakit nakakabahala? Dahil ang organisasyong ito ay may malalim na ugnayan sa Communist Party of China at sa One Belt, One Road Initiative nito.
01:49Sa photo na naka-flash ay ipinapakita ang isang online summit kung saan nandoon ang kanilang grupo.
01:59Ipinakita rin ang Senadora ang isang online article sa China kung saan ipiniture ang isang Xi Jianzong na ipinanganak sa Dongwa Village sa Xinjiang City, Fujian Province sa China.
02:08Bagamat inanunsyo ng PCG na tinanggal na si Joseph C.B. ng auxiliary ng PCG, nakababahala mo nung paano siya nakapasok dito.
02:15Ito ay tahasang pag-atake at paglapastangan sa ating pambansang interes at siguridad.
02:24Pinaglalaroan na tayo ni Mr. Joseph C. aka Chen Zhong Zhen, aka Xi Jianzong.
02:34Dapat may managot. Ngayon, kailangan natin itanong who is responsible for the registration of birth of Joseph C.
02:42Nagsampanan ng resolusyon sa Senador Ontiveros para imbestiga ng Senado ang kaso ni Joseph C.
02:48Nauna ng nanawagan ng kumpanya ni Xi na Global Ferronica Holdings na palayain ng kanilang chairman.
02:53Gate nila, valid umano ang Philippine passport ni Xi, hindi siya sangkot sa kahit anong kriminal na aktibidad
02:58at malaki ang kontribusyon sa ekonomiya dahil sa mga buwis at regulatory fees na ibinayad nito sa gobyerno.
03:06Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment