Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kinuli at tinanggalan ng plaka ang ilang pampublikong sasakyan na Sinitama Otoridad
00:03dahil sa iba't ibang paglabag sa Batas Trafico sa Maynila.
00:07May unang balita live si John Mer Ampesto. John Mer?
00:14Susan, good morning. Tuloy-tuloy ang ginagawang panguhuli ng mga tauhan ng SAIC at LTFRB
00:19sa mga pampublikong sasakyan na itinuturing ng mga hindi roadworthy dito sa Tondo, Maynila.
00:25Pasado alasayis ng umaga na magsimula ang operasyon sa bahagi ng One Luna Street.
00:29Sunod-sunod agad na mga pampasaheron jeepney ang pinara ng motoridad.
00:33Karamihan sa kanila, mga pudpud ang gulong.
00:36Ayon kay Reison de la Torre, ang jefe ng Special Operations Group ng SAIC,
00:40bawat mahuhuling PUV ay tinatanggalan na nila ng plaka.
00:43Pagkatapos ay kinakailangan na nilang dumaan sa Actual Inspection of Unit sa Land Transportation Office o LTO.
00:49Bukod sa mga PUV, mayroon din mga motorcycle rider ang kanilang pinara at tinikitan.
00:54Karamihan dito ay mga substandard ang suot na helmet.
00:56Habang sinita naman ang ibang rider na nakasot lang ng chinelas o shorts.
01:01Binigyan din ang SAIC na bawal ito dahil hindi ligtas para sa mga motorista.
01:05Dahil sa operasyon, maraming pasahero rin ang bahagyang naabala tulad ng 71 years old na si Lola Letty.
01:11Nagmamadali raw siya dahil kailangan niya pang magpalaboratory.
01:14Sa kabila nito, naiintindihan naman daw niya na para sa kanila mga pasahero rin naman ang ginagawang operasyon.
01:19Sa tingin niyo po ba, hassle ba yung ginagawa ng gobyerno?
01:24Hindi naman po, okay lang po. Kasi nakakatakot po din yung gulong na punpon.
01:32Nakukumpiskahin na po yung kanilang mga plaka at yung pong mga jeep o kung ano man pong mga pampublikong sasakyan,
01:39itong ating mahuhuli ay subject for actual inspection sa LTO Central Office.
01:43Ayon, patuloy pa rin po namin hinihingi ang pag-unawa ng ating mga kababayan,
01:48lalot higit po yung mga commuters na naaapektuhan po dito sa ating ginagawang inspection.
01:54Ito naman po ay mabilis lang yung ating ginagawa.
01:58Kaya nga lang po, medyo magkakaroon lang ng konting abala dun sa inyong pong paglalakbay.
02:03Pero ito naman po ay pagsisiguro po natin na magiging diktas yung inyong pong pang-araw-araw na pagbiyahe dito po sa ating mga lansangan.
02:13Susan, sabi ng Saik mula lunes ay nasa mahigit dalawampung pampublikong sasakyan na ang kanilang natanggalan ng plaka at kinakailangang sumailalim sa inspeksyon ng LTO.
02:25Bukod pa dyan ang mahigit sampung sasakyan na natikitan dito ngayong araw.
02:30Live mula dito sa Tondo Maynila, ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:35Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:39Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment