- 3 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Saksik!
00:02Saksik!
00:04Sama-sama tayong magiging
00:08Saksik!
00:10Saksik!
00:12Saksik!
00:14Saksik!
00:16Saksik!
00:18Maygit kalahat ng milyon pisong halaga ng pera, gamit at alahas
00:20ang ninakaw sa isang senior citizen
00:22sa Silang, Cavite.
00:24Suspect ang kapatid ng kanyang dating katiwala.
00:26Saksik!
00:28Exclusive.
00:58Sila na lang lumagapak, hindi pa rin ako bumangon. Pag ano, dito na sa tabi ko, sabi sa akin eh, huwag kayong mag-iingay, sasaksakin ko kayo.
01:07Sinubukan pa raw siyang pagsamantalahan.
01:09Sabi niya sa akin, pwede pong makakis, ay may taklog pa ako. Sabi kay Iho, ang tanda-tanda ko na, mahawa ka naman sa akin, may nanay ka rin.
01:18Kinuha raw ng sospek ang pera ng biktima na ayon sa silang polis ay aabot sa 120,000 pesos. Tinangay rin ang mga alas at gamit na aabot sa halos kalahating milyong piso.
01:29Sa gate na ito, tumalon yung sospek para makapasok dito sa bakura ng biktima. Saka nagpunta at naglakad diretso dito sa may tindahan kung saan natutulog ang biktima.
01:43At para makapasok dito sa tindahan, ay sinira itong fiber cement cord na ito at tinanggal sa lakang pinto at saka ginawa ang krimen.
01:52Pero nabuking ang sospek. Nahulog kasi ang kanyang PhilHealth ID sa tapat ng pinto ng tindahan kung saan siya pumasok.
01:59Makikita rin sa CCTV kung saan umuwi ang sospek. Ang bahay na inuwihan niya, ang bahay ng dating katiwala ng biktima sa kanyang tindahan.
02:06Ang sospek, kapatid daw ng katiwala ng biktima. Nang puntahan ng pulis sa bahay, wala na raw ng sospek.
02:27Pero nandun ang dating katiwala ng biktima na siyang inaresto ng mga pulis.
02:31We were able to establish na talagang matagal ng pinagtanuhan ng mga pagkapatid na pagnakawan si Lola.
02:38Ayon sa naarestong dating katiwala, wala siyang kinalaman sa ginawa ng kapatid. Hindi raw siya kasabuat sa pagnanakaw.
02:45Aminado itong kakaibang kinikilos ng kapatid noong madaling araw ng Sabado na ayon sa kanya ay dati na rin may kaso ng karnaping.
02:52Nung dumating po siya sa bahay, halos gumagapang po siya dahil syempre, nagano siya, parang may tinataguan.
02:59At nang aming tanongin, anong suot ng kanyang kapatid?
03:03Naka-jacket po siyang itim, tapos naka-shirt, pantalon, naka-wood lang po siya.
03:11Opo, naka-wood.
03:13Kundi pula or itim.
03:15Sakto sa suot ng lalaking nakita sa CCTV. Panawagan niya sa kapatid?
03:20Toll, sumuko ka na lang. Huwag mo kami idami, David.
03:23Dahil kami yan.
03:25Uy, maawa ka na ba sa amin?
03:29Hindi ko na ba itong ginasta eh.
03:33Sumuko ka na lang para makalabas ako rito.
03:36Para sa GMA Integrated News, ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
03:42Sasampahan po ng reklamo bukas ang 1st District Engineer ng Patangas
03:46dahil sa tangkang panunuhol umano kay Congressman Leandro Leviste.
03:50Magyatatlong milyong pisang na-recover sa suspect na gusto umano ipahinto
03:54ang imbisigasyon sa mga proyekto ng DPWH sa lalawigan.
03:58Sa isang entrapment operation, nareson ng pulisya sa Talbatangas,
04:07si Batangas 1st District Engineer, Abelardo Calalo ng DPWH.
04:12Ang dahilan, tinangkaumanong suhula ni Calalo,
04:16si Batangas 1st District Representative, Leandro Leviste,
04:20para ipahinto ang imbisigasyon sa mga DPWH project sa 1st District ng lalawigan.
04:26Si Kong Leandro, may tinawagan po siyang tao na nag-inform sa akin ng mga detalye.
04:33Kaya pumunta po kami doon, maabutan namin si DE na may hawak na ecobag at may lamang pera.
04:39Ayon sa pulisya, na-recover kay Calalo ang bundle-bundle na pera na aabot sa mahigit 3.1 million pesos.
04:47Isa sa inimbisigahan ng tanggapan ni Congressman Leviste,
04:49ang diking ito sa Binambang River sa Barangay Santol sa Bayan ng Balayan.
04:55Ayon sa Kapitan ng Barangay, 2023 lang daw ito natapos,
04:59pero nawasak ang maraming bahagi ng Manala-Sambagyong Christine no October 2024.
05:06Gamit ang bako, binunot ang ilang sheet pile sa nasirang dike para malaman kung sapat ang haba nito.
05:13Para nga masukat yung haba nung ibinaong sheet pile dito sa nasirang dike,
05:19ang ginagawa ngayon ay bumubunot ng sampol gamit itong bako
05:24at nais nga nilang malaman kung gaano talaga kahaba itong sheet pile na ito
05:28para malaman kung sapat na ba yung habang yan para protektahan ang ilog na ito kapag may malakas na bagyo o ulan.
05:37Dapat 15 meters, 15, 1,5 ang sheet pile.
05:43At ang unang sinukat ay 3.96, ang pangalawa ay 5.5.
05:50Kung sabihin po natin, sabihin mo na kalahati ng ginastos sa proyektong ito na 338 M o mahigit ay sa sheet pile.
06:00At sabihin po natin, one third lang pala ang haba ng sheet piles na actually na inilagay.
06:06Yung 150 million pesos worth of sheet piles ay 50 million pesos worth lang pala ang inilagay.
06:17Sa isang panayam ng mga mamamahayag, sinabi ng konggesisa na tuloy ang paghahain niya ng reklamo bukas
06:22laban sa district engineer sa tanggapan ng piskalya.
06:26We should not tolerate any corruption in DPWH.
06:30We should demand projects at better quality and lower cost
06:32and obligate contractors to correct any deficiencies immediately without additional cost to government.
06:39Beyond this case, we will push for broader reforms to address systemic problems of DPWH.
06:44Sinikap ng GMA Integrated News sa makuwang panig ni Engineer Kalalo na nakadetain sa Taal Police Station.
06:49Baka makuha lang po namin panig niyo?
06:53Lawyer na lang, sir. Lawyer na lang?
06:56Ah, opo. Engineer, tanong lang namin yung 3 million para saan po ba yun?
07:01Sir, sa lawyer na lang po.
07:03Papatawan din ng preventive suspension ng DPWH si Engineer Kalalo.
07:08Buti na sa kanya at nagsinulong. Kung yun ang ginawa niya, hindi ho tama yan.
07:12And we don't tolerate that kind of action.
07:14Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
07:20Nalubog sa baha ang mga bahay, kalsada, maging mga taniman ng strawberry dahil sa flash flood sa Benguet.
07:27Tubig na may kasamang putik naman ang rumagasa sa Albay.
07:30Saksi, si CJ Turida ng GMA Regional TV.
07:38Bumubulwak pa ang rumaragasang tubig sa bahaging ito ng Ginubatan Albay, kasunod ng malakas na ulan kanina.
07:46Kasamang bumalot sa kalsada ang bakapal na putik at debris mula sa Bulkang Mayon.
07:52Ayon sa MDRRMO, walang naiulat na nasaktan sa nangyaring mudflow pero istranded ang ilang residente.
08:00May mga pinalikas na.
08:01Sa Mountain Province, nagpuna ng aktual na pagbuho ng malalaking tipak ng bato mula sa bundok kanin ang tanghali.
08:12Hindi muna madaanan ang bahagi ng Bar League na Tonin Road.
08:15Malakas din ang ragasan ng tubig pababa ng kalsada sa barangay Pico, La Trinidad Benguet, bandang alas 5 ng hapon kahapon.
08:25Sa akuhan ng CCTV sa tapat ng tindahan ito, kita ang pagmamadali ng mga tauhan ng tindahan na maglagay ng mga sandbag bilang panangga sa ragasan ng tubig.
08:37Nalubog sa baha ang ilang kalsada at mga bahay.
08:40Hindi rin nakaligtas ang mga strawberry farm at taniman ng lettuce at tripolyo nang umapaw ang katabing ilog.
08:46Bagong tanim pa naman ang mga prutas at kulay na aanihin sana sa Desyembre.
08:51Inihahanda na rao ng lokal na pamahalaan ang malaking proyekto para maiwasan na ang baha sa kanilang lugar.
08:57Baha rin sa iba't ibang bahagi ng Mangaldan, Pangasinan.
09:01Umapaw na ang tubig sa mga kanal sa low-lying barangays.
09:04Sa lakas ng ulan at hangin, naputol ang sanga ng ilang puno.
09:08Doon sa volume ng tubig na bumagsak sa atin, yung mga dating may tubig na, so natagdagat ulit.
09:16Mga reported po tayo na nagpapatulong sa mga barangay na napagsangan nga ng mga puno dahil nga sa lakas ng hangin.
09:24Sa barangay Tumaga, Zamboanga City, naiyak ang isang ginang ng pasukin ng abot bewang na tubig ang kanilang bahay kaninang umaga.
09:32Sa bilis ng pagbaha, wala raw silang naisalbang gamit.
09:36Nalubog din ang mga sasakyan sa lamas.
09:39Ayon sa Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office, bumigay ang isang pader ng subdivision.
09:46Kaya rumagasa ang tubig mula sa ilog at inabot pati isa pang subdivision.
09:51May mga inilikas.
09:52Apektado ang may git tatlong daang pamilya, ayon sa City Social Welfare and Development Office.
09:58There was a section of the wall that divided yung subdivision na bridge ng tubig, malakas na tubig, so pumasok sa subdivision.
10:10We're also going to see what can remedy be done immediately in the area.
10:15Wala pang pahayag ang pamunuan ng subdivision.
10:17Sa Cagayan de Oro City, dali-daling tinawid na mga residente ang tulay na nagdurugtong sa dalawang barangay habang rumaragasa ang ilog noong biyernes.
10:30Maya-maya pa umapaw na ang tubig sa tulay na pansamantalang itinayo habang ginagawa pa ang flood control project sa lugar.
10:36Ayaw na!
10:38Ayon sa City RRMO, umapaw ang Bigaan River dahil sa pagulan sa bulubunduking bahagi ng Libona Bukitnon na katabilang ng Cagayan de Oro City.
10:50Sa Governor Generoso Dabao Oriental, may mga inilikas dahil sa abod pewang na baha.
10:56Noong Sabado naman, umapaw ang tubig sa isang spillway sa Lebak Sultan Kaudarat.
11:01Sa Bulwan, Maguindanao del Sur, hindi pa man humuhu pa ang bahang nagsimula noong August 20.
11:07Muling tumaas ang tubig nitong weekend.
11:10Pinasok ang mga bahay kaya ang ilang residente, natutulog muna sa kanilang sasakyan.
11:16Para sa GMA Integrated News, ako si CJ Torida ng GMA Regional TV.
11:21Ang inyong saksi!
11:22Patay ang siyem na taong gulang na lalaki matapos anurin nang rumaragas ang tubig sa Bansalan Davao del Sur noong viernes.
11:31At sa report ng Bansalan Police, batay sa Salaysay ng 12-anyo sa saksi,
11:35naglalaro noon ang bata at ang kanyang kaibigan sa tabi ng kanal sa harap ng isang paaralan,
11:40nang tumaas ang tubig.
11:42Sinubukan pa rao ng 12-anyos na iligtas ang biktima at kasama nito pero tinangay rin siya.
11:48Nasagip ang 12-anyos at ang kaibigan ng biktima na 9-anyos naman.
11:54Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima.
11:59Suspendida po ang klases sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Metro Manila bukas, August 26.
12:07Dahil pa rin niyang sa epekto ng habagat at low pressure area na inaasahan magpapaulan sa bansa.
12:12Wala rin pasok sa mga lalawigan na Aurora, Bulacan, Huevecija, Pampanga, Quezon, Rizal, Laguna, Batangas, Cavite,
12:22gayon din sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Northern at Eastern Samar, Leyte at Southern Leyte.
12:34Suspendido rin ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno maliba na lang kung ang mga tanggapan ay kailangan sa basic and health services at pagtugon sa kalamidad.
12:45Walang lusot ang sangkot sa anomalya sa mga proyekto ng gobyerno.
12:50Git po yan ni Pangulong Bobo Marcos sa kanyang talumpati ngayong National Heroes Day.
12:54At ang DPWH naman, hindi lang daw mga district engineer ang ipasususpindi o kakasuhan sakaling may matibay na ebidensya na anomalya sa mga flood control project.
13:05Saksi si Ivan Mayrina.
13:06Ang iila na pinipili ang sariling interes kaysa kapakanan ng bayan, ang pinatamaan ni Pangulong Bongbong Marcos sa talumpati niya ngayong National Heroes Day.
13:18Hindi lang pagpapalakas ng ating depensa ang kailangan natin tutukan upang maaalagaan ating kalayaan.
13:25Kailangan din natin labanan ang banta ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng ating lipunan.
13:33Panahon na raw para gabayan ng kabataan, para maging mas mapanuri at pangako ng Pangulo, mananagot ang sangkot sa anomalya at katiwalian.
13:42Ilalabas natin ang buo at pawang katotohanan at titiyakin natin hindi na mauulit ang kawalan ng respeto at malasakit sa taong bayan.
13:53Nito mga nakaralinggo, ang inspeksyon ng Pangulong Anipal Pakta Flood Control Project sa Bulacan at rock netting at rock shed sa Cannon Road sa Benguet.
14:01Isa sa pinunan ng Pangulo, hindi umanotin trabaho ng DPWH ang slope protection at protection wall sa pundasyon ng rock shed.
14:10Wala silang tinayo, wala silang linagay na wall, wala silang linagay na riprap, wala silang linagay na slope protection.
14:16Kaya ang valor ng kanyang trabaho is zero, complete zero.
14:22This is 260 million project. Useless. Parang tinapon mo yung pera sa ilog. Useless.
14:33How can you tell me that it's not economic sabotage?
14:35Kanina, pinuntahan din ni DPWH Sekretary Manuel Bonoan ang proyektong sinita ng Pangulo sa Benguet.
14:42Ayon sa DPWH, isusumiti nila agad sa Pangulo ang resulta ng imbestigasyon.
14:47Kaugnay naman sa Flood Control Project sa Bulacan,
14:50nauna nang nilagay sa floating status sa nadating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
14:55OIC District Engineer Bryce Erickson Hernandez at wala pang miyembro ng 1st District Engineering Office ng Lalawigan.
15:03Inihintay pa rin ni Bonoan ang paliwanag ng mga sangkod,
15:06pero nakaumang na raw ang posibilidad ng preventive suspension laban sa kanila.
15:10Because of the risk on yung perceived anomalous implementation of projects,
15:14yung sinasabi nating course project, yan ang pinakagarapal na siguro gagawin mo yan.
15:19We're validating it and I think in a few days, siguro, baka dapat hindi lang floating status yan.
15:26I have to nag-issue na po ako ng show cause order sa kanila lahat, yung mga import yan.
15:32And in a few days, pagka hindi satisfactory yung ano nila,
15:35then I'll have to issue again yung preventive suspension po nila.
15:40Without prejudice, of course, to filing additional cases ko parang din.
15:43Tinatayang nasa apataraang proyekto mula 2022 hanggang 2025 ang bineveripika ng DPWH,
15:51kabila ang ilang proyekto mula sa nakarang administrasyon.
15:54Nasunod ng pag-areso kay Batangas 1st District Engineer Abilardo Calalo,
15:58babala ni Bonoan sa iba pang district engineer.
16:00This is already a warning to everybody. Kailangan po lahat ng mga tagpapatapat ng mga projects.
16:08At as the president is calling, dadawain lang gusto mga proyekto at dapat iwasan yung mga corruption.
16:16Hindi lang daw hanggang district engineer ay pasususpindi o kakasuhan.
16:20Sakaling may matibay na ebidensya.
16:22Wala raw sasantuhin kahit mataas opisya ng local o national government.
16:26Para sa GMA Integrated News, ako si Ivan Mayrina ang inyong saksi.
16:31Sugatan na isang bata matapos malaglag sa umaanda na sasakyan sa Rojas Boulevard sa Pasay City.
16:37Ang nahulikam na insidente sa pagsaksi ni Darlene Kai.
16:45Viral ang video na ito nakuha sa Rojas Boulevard sa Pasay.
16:50Biglang bubukas ang pinto ng isang sasakyan at nalaglag ang isang bata.
16:54Naka ilang metro pang andarang sasakyan bago ito tumigil at may mga lumabas para puntahan ang bata.
17:05Ayon sa mga nakakitang motorista, dumurugo ang braso ng bata.
17:09Sinisikap ng GMA Integrated News sa makuha ang panig ng kanyang pamilya.
17:14Ayon sa safety expert na si Louis Domingo, lubhang delikado ang nangyari.
17:18Hindi lang para sa bata kung hindi para sa ibang sasakyan.
17:21Talagang napakaraming factor. Yung pumigil ka lang doon na walang early warning, medyo delikado na rin.
17:27Isa rin katanungan ay kung may child restraint system o car seat at booster seat ba ang sasakyan.
17:32Sa ilalim ng batas, mandatory ito para sa mga sanggol at batang edad labindalawa pa baba na walang 150 centimeters ang taas.
17:40Maywasan din sana ang insidente kung gumagana ang child lock ng pintuan ng sasakyan.
17:44So kung may double lock yun, secure mabuti yung lock. If ever sa ganong edad, pwede na rin turuan na huwag hawakan to, may lock yan dito.
17:54Diba na ino-orient sila kung paano yung safety nung sasakyan na huwag gagawin.
18:00Para sa GMA Integrated News, ako si Darlie Inkay, ang inyong saksi.
18:04Nahuli na ang kasabot umano sa pagtakas ng suspect na namaril at nakapatay sa isang polis sa Pasay.
18:11Saksi, si June Veneresion.
18:14Parang pilikula ang nahuli kam na barilan sa Pasay City nitong Sabado ng gabi.
18:21Ang nakasando ay si Police Staff Sergeant Jomar Caligiran habang kabarilan ang isang hinihinalang hold-upper.
18:27Napuruhan kaya binawian ng buhay ang polis.
18:30Tumakas naman ang sospek, sakay ang motorsiklong, dala ng kasama.
18:34Nakikita ang motibo ang takang pagdanakaw sa kwintas ng biktima na hindi nila akalang polis pala.
18:40Ay, ayun yung bumarilis sa rimbaba.
18:42Di bumaba sa motoro.
18:43Sa follow-up operation sa Cavite, nahuli ang rider ng motorsiklong sinake ng sospek, batay sa positibong pagkilala ng isang testigo.
18:51Ito naman si *** patakas na rin kasama ang pamilya.
18:56Mabilis lang yung tropa na hold.
18:57Pero nakatakas ang shooter.
18:59Ito yung sospek natin sa shooter.
19:03Ito yung nagkita natin na bumarilis.
19:07Ayon sa Pasay City Police, matagal lang magkatandem sa iba't ibang karimen ang dalawa na naharap na noon sa mga kasong car napping at raid threat.
19:16Yung modus nila pare-parehas.
19:18Pag hindi nila makuha, babariling ka.
19:22Hiwala ang PNP na mahuhuli nila ang sospek na nakapatay sa polis na naka-assign sa Manila Police District.
19:29Arm-endangers talaga ito.
19:31So, ang instruction ko naman sa mga tao natin na talagang mag-ingat.
19:34Para sa GMA Integrated News,
19:37June venerasyon ng inyong saksi.
19:41Mapapakinabangan na ng mga miyembro ng PhilHealth ang libreng gamot kada taon na nagkakahalaga ng hanggang 20,000 piso.
19:49Kung paano po yan makukuha, alamin.
19:52Sa pagsaksi ni Darlene Cai.
19:54Dahil limang buwan ang walang patrabaho kay MacJerry bilang tilesetter,
20:02wala rin siyang pambili ng maintenance sa alta presyon na isa hanggang dalawang piso kada buwan din.
20:08Ngayon, ang prices ng commodities natin, pataas ng pataas.
20:13Ang pagkain, pero ang salary natin, sa amin, hindi naman kami regular.
20:18Kung ano yung nandyan lang, nandyan lang yan.
20:20Kaya malaking tulong daw sa tulad niya ang libreng gamot sa PhilHealth Gamot Program,
20:25kung saan hanggang 20,000 pesos na halaga ng gamot ang maaring makuha ng bawat PhilHealth member kada taon.
20:32Malaki talaga yan, ma'am. Malaki talaga yan ang tulong sa amin, lalo na sa financial.
20:38Malaking bagay, miska sa gamot nga lang. Malaking bagay na hindi na kami bibili.
20:41Ang 52 taong gulang na si Jose Manuel,
20:44natutuwa rin na malilibre na ang kanyang maintenance para sa hypertension.
20:48It's very nice.
20:49Napakalang bagay yun kasi yung maintenance,
20:52sa libo hanggang 2,000 per month.
20:56Epektibo noong August 21,
20:58ang PhilHealth Gamot o Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment
21:02ay isang drug benefit package para sa lahat ng PhilHealth member.
21:06Saklaw nito ang 75 klase ng gamot na nire-reseta para sa hika, ubo, diabetes,
21:13mataas na kolesterol, altapresyon, sakit sa puso, nervous system disorders at iba pa.
21:18Kasama rin ang antibiotics.
21:20Paano ba mag-avail?
21:22Gamit ang eGovPH app sa inyong computer o mobile device,
21:26magrehistro muna sa PhilHealth member portal sa napiling Yakap Clinic.
21:30Makikita ang kumpletong listahan ng Yakap Clinic sa website at official social media pages ng PhilHealth.
21:35Pero kung hirap na gumamit ng mobile device o may problema sa connection,
21:39pwede rin pumunta sa anumang PhilHealth office.
21:42Sa Yakap Clinic, may mga form na kailangang i-fill out.
21:45Kailangan ding magpatingin sa doktor at kumuha ng reseta.
21:48Kung may lumang reseta, pwede rin ipakita sa doktor.
21:52Pagkatapos nito, pwede rin ang pumunta sa kahit saang accredited gamot provider o butika
21:57para ipakita ang ibibigay na code para makakuha ng mga gamot.
22:01Long weekend po ngayon, Sabado, pero susubukan natin kung totoo ba itong yakap na ito at yung gamot.
22:10Ako po mismo, kahit sa DOH tayo, hindi rin ako makapaniwala pero sige, tingnan natin ngayon kung talagang meron.
22:18Sinubukan mismo ni Assistant Health Secretary at DOH Spokesperson Albert Domingo
22:23ang pagkuhan ng libre gamot.
22:25Inaabot siya ng isang oras mula pagpila hanggang sa pagkuhan ng reseta sa isang yakap clinic sa Alabang.
22:32Meron lang issues ng konti daw dun sa gamot app na sinasabi.
22:35Pero nabigyan pa rin po ako ng reseta.
22:37Okay po yung pagbigay ng PhilHealth gamot.
22:40Aminado si Domingo na pwede pang pagandahin at pabilisin ang sistema.
22:44Nung ako nga nagsusulat sa loob-loob ko, pwede natin paikliin ito.
22:48Pero ang mahalaga dito ay may simula na.
22:50Sa Metro Manila palang ipinatutupad ang programa pero dati nang sinabi ng PhilHealth
22:54na palalawakin pa rin nila ang programang ito sa ibang bahagi ng bansa.
22:59Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
23:05Sumadsad sa gitna ng paglalayag ang isang barko na may sakay
23:08na halos tatlong daang pasahero at crew na biyahing Cebu City.
23:12At sa Abra, sugatan ang 18-anyos na esudyanteng na damay sa pamamaril
23:17sa labas ng isang unibensida.
23:18Ating saksihan.
23:24Ambulansya at mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang sumalubong
23:27sa mahigit 200 pasahero at 55 crew ng MB Filipina Surigao del Norte
23:31nang dumaong ito sa Pier 1 sa Cebu City.
23:34Agad silang sinuri matapos masaktan habang naglalayag.
23:37Papasok pala ako sa banyo.
23:40May parang pumutok na.
23:42Tapos yung parang sumadsad yung barko.
23:44So pag-anyan ako.
23:46Tapos na-totally blackout ako.
23:47Hindi ko na alam kung saan ito baka sa hamba ng door.
23:52Pag-saka na ako, ningon ko nga doon sa'y nahitabo kaya kung doon ka nagtingog sa ilaw.
23:58Ayon sa PCG, dalawang oras nang naglalayag ang barko mula mas bate nang biglang sumadsad.
24:03Inabisuan daw silang bumalik pero nagpatuloy pa rin ng kapitan sa pagbiyahe.
24:07Sinundan sila ng PCG para masigurong ligtas sa mga pasahero.
24:11Ayon sa pamunuan ng barko, iniwasan nila ang mga manging isdang nasa kanilang dadaanan kaya nagkaaberya ang biyahe.
24:18Ligtas din daw kung magpapatuloy.
24:20We have the perfect history of track record sa mga company.
24:24Never do we undertake with mga risgong venture.
24:28Makikipagtulungan daw sila sa investigasyon.
24:30Hindi mo na pinahintulutan ng PCG na mag-operate ang sumadsad na barko.
24:34Hinihintay rin nila ang marine protest o sinumpang saraysay ng kapitan ng barko hinggil sa insidente.
24:39Mag-iimbestiga rin daw ang Maritime Industry Authority o Marina 7.
24:43Sa Lagangilang Abra, sugatan ang 18-anyos na estudyante matapos madamay sa pamamaril sa labas ng isang universidad noong biyernes.
24:52Ayon sa pulisya, dalawang estudyante na edad 24 at 17 ang itinuturong responsable sa insidente.
24:58Kasalubong ulit ang mga suspect na allegedly lasing at ang nakaalita niya sa labas ng compound ng school.
25:06Doon na pinaputukan ng tatlong beses ng suspect sakay ng motorsiklo yung kaalita niya before.
25:12Pero ang natamaan doon sa pangatlong utok niya ay itong biktima natin.
25:17Agad tumakas ang dalawang suspect sakay ng motorsiklo pero ang isa, isinukuraw ng kaanak at nai-turnover na ng pulisya sa MSWD.
25:26Nakatakdang operahan ang biktima. Patuloy ang imbisigasyon.
25:29Sinisikap ang makuha na ng payag ang kaanak ng biktima at iba pang sangkot.
25:34Nasa bat naman sa airport sa General Santos City ang halos 2,000 gagamba o wild spider na nakasilid sa mga malaliit na plastic.
25:42Nakatanggap ang mga otoridad ng sumbong na may nais mag-ship ng mga gagamba patungong iluilo.
25:47Hinahanap na ang mga nagpa-ship sa mga ito.
25:50Ayon sa pulisya, ipinagbabawal ang pag-transport ng nasabing wildlife na walang pahintulot
25:54at may kaakibat na parusa sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
26:00Nasa kustudya na ng DNR Sendro ang mga gagamba.
26:02Para sa GMA Integrated News, ako si Rafi Timang, inyong Saksi.
26:09Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang ilang Chinese national na nagsabuatan umano sa Peking carnapping
26:15para makakuha ng benepisyo sa insurance.
26:18Saksi si Emil Sumangit.
26:23Nakunan ng CCTV ng carnapping ng SUV na ito sa Valenzuela noong isang linggo.
26:28Ang may-ari na isang Chinese tumawag sa 911 para i-report ang insidente.
26:33Ang allegasyon ng biktima ay pumarada lang sila doon sa tapat ng James Subdivision.
26:41Pagbalik nila, wala na yung kanilang sasakyan.
26:44Agad na nakakuha ng lead ang pulisya at sa talyer na ito sa Kaloocan,
26:50na-recover ng Valenzuela Police ang SUV.
26:53Sa investigasyon, lumabas na ang lalaking nakunan ng CCTV na tumangay ng SUV
26:58ay ang may-ari ng talyer kung saan na-recover ang sasakyan.
27:01Isa rin siyang Chinese.
27:04Nakita po na may bumaba, lumapit sa sinasabing nakarnap na sasakyan.
27:08Nung paglapit niya, umilaw.
27:10Kita po sa CCTV puti Jess na umilaw yung sasakyan.
27:13In our theory, mayroon siyang remote kasi napagana niya yung ilaw.
27:19Sabihin, lock or unlock, iilaw siya.
27:22Sa talyer, na-recover ng pulisya ang ilampang piraso ng mga plate number,
27:26kabilang na ang plaka na para sa isang kaparehong model at kulay na SUV
27:30na nasangkot naman sa aksidente sa Bulacan noong isang taon.
27:35Ang SUV na ito natuntun din ng pulisya sa Valenzuela.
27:38Total wreck na.
27:40Kalaunan, umamin-umano ang Chinese na may-ari ng talyer
27:43na gawa-gawa lang ang karnaping incident na ito.
27:46Kakunchaba raw niya ang kapwa niya Chinese na may-ari ng SUV na tumawag sa 911.
27:52Kapwa, inaresto ng pulisya ang mga suspect na ayon sa pulisya isangkot sa modus
27:56na pinapalabas na na karnap ang sasakyan para makapag-claim sa insurance.
28:01Nag-file po kami ng fair jury for doon sa kanyang pagsisinungaling
28:05na allegedly idiniklara niya na karnap pero in fact, hindi naman pala totoo.
28:11Nag-file din po kami ng violation for Republic Act 4136, yung illegal transfer of plate
28:16and idinagdag na rin po namin dito yung insurance fraud.
28:20Mayroong mga ganitong nangyayari na dinediklara na karnap ang sasakyan para makakuha ng insurance.
28:26Kakasuhan din sila sa paggamit ng 911 sa kanilang kalokohan.
28:29Ito palang paggamit nila ng 911, hindi pala tama, imbebentong kaso, hindi naman pala totoo.
28:36Kaya ito po ay isang matisilbing leksyon sa ating mga paggagawa ng kalokohan, gagawitin pa ang 911.
28:43Patuloy namin sinusubukang makunin ang panigang mga suspect.
28:46Para sa GMA Integrated News, Emil Samangil, ang inyo, saksi!
28:51Para sa mga nagaanap ng trabaho bilang hotel worker, may good news ang bansang Croatia.
28:56Ikinakasang government-to-government na programa na wala raw placement fee.
29:01Saksi si JP Suryal.
29:06Cashier sa isang hardware chain sa Pilipinas si Jessa.
29:10At masaya naman daw sa kanyang trabaho.
29:13Pero dahil lumalaki na ang kanyang mga anak, panahon na raw para maghanap ng trabaho may mas malaking sahot.
29:19So gusto ko saan na maka-experience ng international.
29:24So kahit yung mga sa hotel, mga housekeeper po.
29:29Ang target na trabaho ni Jessa, swak sa oportunidad na binubuo ngayon ng Department of Migrant Workers at ng bansang Croatia.
29:38Mga ngailangan kasi ang Croatia ng libon-libong hotel workers gaya ng housekeepers, front desk at office staff.
29:45At ang target, government-to-government o G2G.
29:49Wala itong placement fee at direkta sa DMW ang aplikasyon.
29:54At hindi daraan sa anumang agency.
29:57Pero dahil binubuo pa lang, paalala ng DMW.
30:01Abangan lang po yung kaukulang announcement.
30:04Magpapatul sa illegal recruiter.
30:05Ang Public Employment Service Office o Peso ng Maynila, kaisa ang TESDA, DOLE at DMW, pinangunahan ang Mega Jobs Fair na itinaon ngayong National Heroes Day.
30:17Kabilang sa mga kumpanya at employers na lumahok, ay nakabase sa Japan, Norway, Lithuania, Saudi Arabia at Ireland.
30:25Ayon sa peso, daan-daang Pilipinong manggagawa gaya ng driver, welders at farmers o magsasaka ang kailangan ng Japan.
30:33Decimated po, converted po sa peso is around 70 to 90,000 po.
30:39And ang maganda po dyan, sagot na po ng employer lahat, yung accommodation, pati yung food po nila.
30:46Pero kwalifikado man sa skills sa trabahong inaalok sa Japan,
30:50ang kadalasang problema ay hindi marunong ng salitang ni Hongo o Japanese ang aplikante.
30:56Dito papasok ang Language Skills Institute ng TESDA na siyang tutulong para magbigay ng language training skills.
31:03Kung trabaho naman sa Pilipinas, ang mga in-demand na trabaho ngayon.
31:07Kapalapit na yung Vermont.
31:09So meron po tayong mga store crew, mga sales representatives.
31:13Nandyan din po yung mga housekeeping.
31:16So syempre yung mga hotels po kasi natin, medyo maraming ngayon ang...
31:19Medyo nagbuboom sila ngayon.
31:21Kung na-miss nyo po ang Mega Jobs Fair ngayong National Heroes Day,
31:24e pwede pa naman po kayong mag-apply parate sa mga local employment office sa mga lunsod at munisipyo sa buong Pilipinas.
31:30Maaaring tignan ang pinakamalapit na peso sa inyong lugar sa website ng peso at fill job net ng dole.
31:37Muling paalala ng DMW, huwag kakagati.
31:40At huwag na huwag mag-a-apply sa mga trabahong inaalok sa social media.
31:44Pati na rin sa cross-platform instant messaging apps para hindi mabiktima ng illegal recruiters at maging biktima ng human trafficking.
31:54Kahit pa inaalok ng isang otorizadong ahensya ang mga trabaho abroad,
31:58tignan muna kung aprobado ang job orders at kung lisensyado ang recruitment agencies sa website ng DMW.
32:06Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
32:12Lumabas sa isang survey na 74% ng mga Pilipino ang naniniwala ang China ang pinakamalaking banta sa Pilipinas.
32:22Ayon naman sa Philippine Navy, nakahanda ang Pilipinas sa susunod na hakbang ng China,
32:26lalo't hindi pa umaalis ang kanila mabarko sa Iyungin Shoal.
32:31Saksi, si Chino Gaston.
32:36Isang linggo mula ng palibutan at ang kainilang lapitan ang BRP Sierra Madre,
32:41nananatili ang labing walong mga barko ng China sa palibot ng pinag-aagawang bahura.
32:47Ayon sa Philippine Navy, handa sila sa anumang sunod na hakbang ng China sa pinag-aagawang bahura.
32:53They have always been ready every city with deployed.
32:56Sa mas malayo pa na banda ng Sierra Madre, but still within Iyungin Shoal,
33:00andun pa naman sila, yung tumaas na number ng mga Madre milisya,
33:03yung course guard, yung mga ribs at yung mga speedboats nila.
33:06Ayong Gay Defense Secretary Gilberto Tudoro Jr.,
33:09posibleng may kinalaman ang paglapit ng Chinese speedboats at rubberboats
33:14noong nakaraang linggo sa military exercise sa Palawan kasama ang Australia.
33:19We have monitored increased presence, hindi lang naman sa Iyungin,
33:24baka dahil din kakatapos lang ng exercise sa alon na pinakamalaki na ginanap sa Palawan.
33:30Noong nakarang linggo, sinabi ni AFP Chief General Romeo Bronner Jr.
33:50na hindi pa naman nalalabag ang itinuturing na red lines o pamantayan ng Administrasyong Marcos
33:56bago kailangang gumamit ng puwersa ang Armed Forces of the Philippines.
34:00Sakaling maulit ang paglapit ng mga Chinese ships sa BRP Sierra Madre,
34:05may paghahanda na ang AFP.
34:07Ang unang-una dito ay hindi natin palalapitin, that's one.
34:12And secondly, whatever happens, it will always be based on sa pinaka-serioso or worst case scenario, if I may say it.
34:23Ayon sa AFP, kasama sa mga red lines ng Pilipinas,
34:27ang puwersahang pag-alis, pag-atake o pag-sampah sa BRP Sierra Madre,
34:32pag-extract ng langis sa EEZ na walang pahintulot ng Pilipinas,
34:36pag-sagawa ng reklamasyon sa Scarborough Shoal,
34:40pagkamatay ng isang Pilipino sa West Philippine Sea dahil sa China,
34:44at pagpigil sa resupply mission sa siyam na military outpost sa Kalayaan Island Group.
34:49Bago pa ang mga mundikang pagpangga sa BRP Suluan at mga pagpapalipad ng fighter jet ng China,
34:57lumitaw sa survey ng Okta Research na 85% ng mga Pilipino ay walang tiwala sa China.
35:04Lumitaw din sa survey na 74% ng mga Pilipino ay tinuturing na pinakamalaking banta sa bansa ang China
35:11dahil sa mga panggigipit sa West Philippine Sea,
35:14pagpasok ng mga smuggled na produkto mula at China,
35:17pagtaas ng mga krimen kung saan sangkot ang mga Chinese nationals
35:21at kompetisyon sa Chinese workers para sa mga lokal na trabaho.
35:25Talagaya, I think it's built in ever since.
35:28Nakita yan, first na-observe yan,
35:30noong after noong Mischief Reef, 1990s.
35:34Then nakita, consistent yan.
35:36Laging mababa or negative trust rating ng mga Pilipino sa China.
35:41So, that's not surprising.
35:44Bilang protesta sa panggigipit sa mga barko ng Pilipinas,
35:47nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Filipinos do not yield sa tapat ng Chinese embassy.
35:54Wala pang tugon ang Chinese embassy tungkol sa ikinasang kilos protesta.
35:59Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
36:05Tatlong daan at tatlong biktima umano ng madugong kampanya kontradroga
36:08ang nakapasa para makibahagi sa pre-trial proceedings
36:12ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
36:18Ayon sa ulat ng Victims Participation and Reparation Section o VPRS,
36:23kabilang sa kriteria, ang kumpirmasyon ng kanilang pagkakakilanlaan.
36:26Kumpirmasyong nakaranas sila ng pinsala,
36:30at kumpirmasyong ang mga ito ay ininulot ng mga krimeng ibiribintang laban kay Duterte.
36:35Kabilang sa magiging testimonya ng ilang saksi,
36:38ang kawalanan nila ng dignidad sa kamatayan ng kanilang kaanak,
36:42at kung paano nilang ito ipinapon na parang baboy.
36:44Sa confirmation of charges hearing sa September 23,
36:49dedesisyonan kung tutuloy ang kaso sa trial o ibang basura ito.
36:53At sa ICC-accredited counsel na si Atty. Joel Butuyan,
36:57malaking bagay ang mga testimonya para malaman kung mananatiling crimes against humanity of murder
37:03ang kaharapin ni Duterte o kung palalawin nito para sakupin ang iba pang krimen.
37:10Inipo bababa sa 6 mga patay at 80 siyang masugatan sa airstrike ng Israel sa Sana, Yemen.
37:18Ang sa Israeli military, ganti nila ito sa mga naonaraw na pag-atake ng Houthi.
37:24Isang ospital din sa Gaza ang tinamaan ng misal galing sa Israel.
37:28Sa video, makikita pa ang mga rescue worker at mga mamamahayag sa nasirang gusali matapos ang unang pag-atake.
37:35Pero makalipas ng ilang minuto, tinamaan ulit ito ng misal.
37:40Labing-limang na sa wika bilang ang apat na mamamahayag at isang rescuer.
37:46Wala pang pahayag ang Israel dito.
37:55Pinarangalaan ng iba't ibang programa at personalidad ng Kapuso Network sa 37th PNPC Star Awards.
38:02Kabila na po ang best TV station para sa GMA Network.
38:07Narito, ang Showbiz 6C ni Aubrey Carampel.
38:10Back to back win para sa 24 oras nang muli itong hirangin bilang best news program sa 37th PNPC Star Awards for Television.
38:22Ang GMA Network, itinanghal na best TV station.
38:26Sabay sa iba't ibang paranghal na iginawad sa mga Kapuso programs at personalities.
38:31Gaya ng unang hirit na best morning show at best morning show hosts para sa UH Barkada.
38:38This award is dedicated to all the loyal unang hirit viewers.
38:43Pinatutuloy po kami sa kanilang mga tahanan for the past 25 years.
38:48Mainit na pinag-uusapan ngayon.
38:50Ang Kapuso mo, Jessica Soho, ang best magazine show.
38:54Best public service program, ang wish ko lang.
38:58Best lifestyle travel show, ang pinasarap sa GTV.
39:01At ang host nito na si Cara David, ang best lifestyle travel show host.
39:05Pinarangalan din si Cara kasama si Sandra Aguinaldo, Howie Severino, Atom Araulio, Mav Gonzalez at John Consulta bilang best documentary show hosts para sa eyewitness.
39:16Ito po ay alay namin sa lahat po ng mga Pilipino na pinagkakatiwalaan po kami sa kanilang mga storya.
39:24Best documentary program naman ang The Atom Araulio Specials.
39:28Best celebrity talk show, ang Fast Talk with Boy Abunda.
39:32At si Tito Boy, ang best celebrity talk show host.
39:35Maraming maraming salamat.
39:37Nais ko lang ang po sabihin, nagagawa ho namin ang aming ginagawa dahil sa inyo.
39:41Dahil sa inyong mga artista, dahil sa ipinagkakatiwalaan po ang inyong mga kwento sa amin.
39:47Best game show host naman, si Ding Dong Dantes para sa Family Feud.
39:51Best comedy show, ang Pipito Manaloto.
39:53At best new male TV personality, ang isa sa mga cast na si John Clifford.
39:59Best child performer, si Ewan Mikael.
40:02At best drama anthology, ang Magpakailanman.
40:06Big winners naman ang ilang kapuso star sa larangan ng acting.
40:10Best single performance by an actor, si Alden Richards, para sa Magpakailanman episode na sa Puso at Isipan, The Cantillana Family Story.
40:19I dedicate this to all the people who's undergoing something in their lives right now.
40:26To everyone who has these kinds of problems right now, I hear you, we hear you, and we are here to support and help you the most we can.
40:36Huwagi naman si Rochelle Pangilina ng best single performance by an actress para sa magpakailanman episode na The Abused Teacher.
40:43Best primetime TV series, ang Maria Clara at Ibarra.
40:48Habang ang abot kamay na pangarap, best daytime drama series.
40:53Best miniseries ang walang matigas na pulis sa matinik na misis.
40:57Best drama actor, si Joshua Garcia, para sa Unbreak My Heart, na collaboration project ng GMA, ABS-CBN at VIEW Philippines.
41:06Best drama actress, si Infinite star Rian Ramos, para sa kanyang paganap as Margaret Royales sa Royal Blood.
41:12Thank you so much GMA for always entrusting me with such beautiful roles and this just encourages me na I want to give this network my very best.
41:23Best comedy actress, si Charisse Solomon.
41:26Dinedicate naman ni Paolo Contes ang kanyang best comedy actor win sa kanyang namayapang manager na si Lolit Solis.
41:33Best variety show, ang It's Showtime.
41:34At Herman Moreno Power Tandem Award naman, ang iginawad sa Bar the Love Team ni na Barbie Forteza at David Licauco.
41:44Para sa GMA Integrated News, Aubrey Carambelle ang inyong saksi.
41:48Sizzling hot ang transformation ni Sangre Perena Glyza de Castro, matapos tuloy mabawi ang brilyante ng apoy.
42:02Sa episode kanina ng Encantage Chronicles Sangre, iniligtas ni Perena si Tera na ginagampana ni Bianca O'Malley mula kay Olgana.
42:11At matapos ang naglalagab na fight scene, doon na nautusan ni Perena ang brilyante na bumalik sa tunay nitong Panginoon.
42:22Si Tera naman, nahaharap sa matinding pagsubok, matapos sisihin sa pagkamatay ng mga tao.
42:30At speaking of Tera, si Bianca O'Malley nagtungo sa Bali, Indonesia.
42:35Para sa isang wellness trip, ibinahagi niya sa social media ang ilan sa ginawong aktibidad doon.
42:45Mga kapuso, salamat sa inyong pagsaksi.
42:48Ako po si Pierre Canghel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
42:54Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
42:58Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging.
43:02Saksi!
43:05Mga kapuso, maging una sa saksi.
43:11Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
43:15Mag-subscribe sa GMA Integrated News, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News Authority, ang News
Recommended
44:44
|
Up next
27:25
35:00
29:54
40:19
29:40
19:54
44:29
27:40
31:58
39:20
26:03
22:21
34:50
15:21
23:46
28:38
23:08
23:59
25:52
30:17
29:27
26:47
30:25
24:11
Be the first to comment