00:00Patuloy ang pagrevisan ng Energy Regulatory Commission sa mga proseso ng ahensya para ma-streamline o mas mapadali pa ang mga ito.
00:09Tinutukan din ng bagong talagang chairperson ng ahensya na si Attorney Francis Saturnino Juan
00:14ang mga backlogs sa ERC na dapat ma-actionan na, gaya na lang ng mga kaso na dapat ma-desisyonan na.
00:22Patuloy din ang pagtitiyak ng ERC na magkaroon ng transparency sa kanilang ahensya.
00:28Ayon kay Juan, kanilang binuksan sa publiko ang naging pagpupulong ng komisyon.
00:34At upang magbigay na rin ng edukasyon sa ating mga konsumidores kung paano talaga na itatakda ang singil ng kanilang kuryente o pagkonsumo
00:46at kung ano-ano yung mga bagay na tinitingnan o mga issue, hindi lang patungkol sa singil,
00:52kundi pati na rin sa pagkakaroon ng patuloy na supply ng kuryente.