00:00Nakakuha po ng mataas na markang Office of the President at iba pang ahensyo ng gobyerno
00:04sa isinagawang Agency Performance Review ng Department of Budget and Management o DBM
00:10para sa nakaraang taon, si Harley Valbuena sa report.
00:15Sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:19nakakuha ng very satisfactory rating ang Office of the President
00:24sa 2024 Agency Performance Review ng Department of Budget and Management.
00:30Ito ang grado na ibinibigay sa bawat ahensya batay sa paggamit ng kanilang pondo noong 2024
00:36sa APR report na tinatawag ding Budget ng Bayan Monitor
00:41na markahan ng OP ng 4.53% rating, malapit na sa perfect score na 5%.
00:49Umabot sa 97% ang kanilang disbursement rate o nailabas na pondo
00:55o katumbas ng 9.4 billion pesos mula sa kabuha ang 2024 budget na 12.4 billion pesos.
01:04Nasa 78.2% naman ang total obligated funds o mga pondong nailaan sa mga programa at proyekto
01:11habang 21.8% ang unobligated.
01:15The budget ng Bayan Monitor stands as a reflection of the government's collective commitment
01:22to ensure that every peso entrusted to the government is spent not only with care but with purpose
01:32so that it truly transforms the lives of our people.
01:37Very satisfactory rating din ang grado ng Presidential Communications Office
01:42na may 2.5 billion pesos o 92.2% obligated funds.
01:49Ang Office of the Vice President nakakuha rin ng very satisfactory rating.
01:54Sa harap naman ng anomalya sa flood control projects,
01:58satisfactory o pasado pa rin ang grado ng Department of Public Works and Highways
02:04sa budget na 1.402 trillion pesos,
02:0860.7% o 750 billion pesos ang nai-disburse.
02:131.236 trillion pesos ang obligated
02:17habang 165 billion pesos ang unobligated o walang alokasyon at hindi nagastos.
02:25May pinakamababa namang unobligated funds by percentage.
02:29Ang Department of Social Welfare and Development,
02:32sumunod ang Department of the Interior and Local Government,
02:36Department of Energy,
02:37Department of Science and Technology,
02:40at Department of Education.
02:42Para maiwasan ang mga anomalya at irregularidad,
02:45ipagpapatuloy ni Budget Secretary Amen na pangandaman
02:48ang personal na pagbabantay sa malalaking proyekto ng gobyerno,
02:53lalo na sa flood control at sa transportasyon.
02:57Personal na din po natin na in-inspeksyon
03:00dahil hindi naman nakikita lang sa papel
03:02ang tunay na nangyayari sa ating mga proyekto.
03:06At nais po talaga natin sa DBM na bawat budget
03:09ay mauwi sa inaasahang risulta
03:12at mag-atibito ng maginhawang buhay para sa ating mga kababayan.
03:17Harley Valvena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.