Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kaya sabi ni Laxon, madaling nasisira ang mga proyektong lumulobo ang budget dahil sa katiwalian.
00:06Mas malala pa raw ang ilang proyekto sa Bulacan dahil pawang mga ghost o guni-guni lamang daw.
00:12Ang detalya sa balitang hatid ni Mark Salazar.
00:17Flooded Gates of Corruption, ang titulo ng privileged speech ni Sen. Panfilo Laxon
00:23tungkol sa pangungupit sa flood control projects.
00:26Wala pa raw sa kalahati ng pondo ang napupunta mismo sa pagpapatayo ng proyekto.
00:32Pagkatapos magpartihan ang mga nangungupit at ang pinakamalaki raw na cut sa politiko na nagsulong sa proyekto.
00:40Lo and behold, Mr. President, 20 to 25% ang karaniwang napupunta sa funder o project proponent na politiko.
00:51Mr. President, ang matitirang pondo para sa pagpapatayo ng proyekto ay napakaswerte ng umabot sa 40% o 40 milyon pesos
01:02alisunod sa ating halimbawang 100 milyong pisong pondo para sa proyekto.
01:09Tinukoy ni Laxon ng isang kongresista sa Oriental Mindoro na nakakuha daw para sa kanyang distrito ng 10 milyon pesos
01:18o mahigit kalahati ng flood control project ng kanyang probinsya.
01:22Puro hinugot-umano sa unprogrammed funds.
01:24Pero sira-sira na raw ang mga estruktura, halimbawa itong Sanauhan, Oriental Mindoro na pinuntahan ang kanyang team.
01:32Mula sa aming sariling footage, kitang-kita ang mga bahagi ng road dike na ginawa noong 2024 na gumuho.
01:43Ang nakikita niyong flood control project ay nagkakahalaga ng 204.8 milyon pesos
01:50na base sa official record ng DPWH ay completed project na.
01:57Nito lamang, Pebrero 2025.
02:01Halos tatlong buwan pa lamang ang lumipas, Mr. President.
02:05Hindi man binanggit ni Laxon ang pangalan ng kongresista, pero nakalagay ito sa kanyang presentation.
02:11Si Oriental Mindoro, First District Representative, Arnan Panaligan.
02:15Tinukoy din ni Laxon ang mga proyekto sa kandating Araya at Pampanga.
02:19Ang isa pinunduhan noong 2023 ng 91 milyon pesos.
02:24Pero makalipas ang isang taon, kailangan na itong i-repair at pinunduhan ng dalawang ulit na 91 milyon pesos.
02:32Ehemplo daw ito ng double insertion na ginagawa ng mga mambabatas.
02:35Aba, at nawili na ang funder ng Edmar Reconstruction na siyang palaging nananalong contractor sa kandating Araya at Pampanga.
02:47Naglagay pa ulit ng 100 milyon pesos ngayong taon.
02:51Buti na lang, pinigil ng Malacanang ang pag-release ng pondo.
02:56Grabe rin daw ang pork barrel insertion sa Bawan River Basin sa La Union dahil halos isang bilyon ang nakuha ng nagilyan.
03:05Habang 623 milyon ang sa Bawan na pareho namang binabaha pa rin.
03:10Sa aming masinsing pagkalkal, ay natuklasan naming i-isang kontraktor ang naawardan ng lahat ng packages na ito.
03:20Ang Silver Wolves Construction Corporation.
03:24Distinct pa rin, distinguished colleagues.
03:28Ito ang nabanggit kong pork barrel insertions, Mr. President.
03:32Pero sa Bulacan daw ang pinakamalalang nakawan.
03:35Puro kasi ghost project daw doon.
03:37Sa Malolos, dalawang proyekto sa dalawang barangay na tig-77 milyon ang halaga ay guni-guni lang.
03:45Sa Hagonoy, apat na proyekto na tig-77 milyon din ang hindi talaga ginawa.
03:51Dalawang kontratista raw ang kumuha ng mga proyektong ito.
03:54Ang Wawaw Builders at Darcy and Anna Builders.
03:58My office is willing and ready to provide the names of the members of this well-organized syndicate
04:05inside the Bulacan 1st District Engineering Office,
04:09including probable witnesses to testify against them
04:13if and when the appropriate authorities will open a formal investigation
04:18into these morally wicked schemes to defraud our people of their hard-earned taxpayers' money.
04:27Sinusubok pa namin kunan ang pahayagang Wawaw Builders at Darcy and Anna Builders,
04:32pati ang Bulacan 1st District Engineering Office.
04:36Pinabulaan na naman ni Congressman Panaligan na may kinalaman siya sa kwestyonabling proyekto.
04:42Hindi raw siya nag-propose ng mga proyekto at nakita lang niyang nakalista ito sa National Expenditure Program.
04:49Hindi rin daw siya kinunsulta ng DPWH.
04:51Katunayan, may mga proyekto siyang pinapabago pero hindi raw pwede
04:56dahil DPWH Anya ang naglista.
04:59Ngayon, nasabihin tayo ang nag-finance.
05:02Technically, ay marisabihin Kongreso ang nag-finance
05:06kasi yung NEP na yun ay inaproban ng Kongreso
05:09at naging General Appropriations Act nung mapirma ng Pangulo.
05:14Kaya parang Kongreso ang nag-finance niyan
05:18pero ang reality, ang actual practice na nangyayari
05:22ay ang listing, identification, and prioritization ng flood control projects
05:27ay nanggagaling sa DPWH.
05:30Wala raw taga Mindoro sa mga kontratista na hindi rin niya kakilala.
05:35Noong July 2024, sumulat pa siya sa DPWH para i-reklamo ang nasirang proyekto
05:41at siguruhin ang DPWH na pasok ito sa standard.
05:44Ay in the sense na nasira, ay pwede tiyasabihin na anomalous nga
05:48kasi nasira eh ang mga proyekto nga yan.
05:53Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended