00:00Matapos makatamo ng injury, handa ng sumalang ang team captain ng Alas Pilipinas Men's National Team na si Mark Espejo sa 2025 FIVB Volleyball Men's World Championships.
00:12Ilang linggo bago ang world meet, nakarecover na ang Ateneo standout tulad ni Brian Bangunas na kasama niya sa national team sa Three-Country European Camp bilang paghahanda sa torneo.
00:23Unang makakatapat ng pambansang koponan ang Tunisia sa September 12 sa Mall of Asia Arena, kaya para kay Espejo, handa silang ibukos ang kanilang husay sa pagpalo sa harap ng Pinoy fans.
00:35Bukod sa Tunisia, makatunggalin rin ang national team ang world number 23 na Egypt sa September 16 at world number 13 ng Iran sa September 18.
00:45Tatagal naman ang kompetisyon hanggang September 28 sa Pasay at Araneta Coliseum sa Quezon City.