Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Taong 2023 lang natapos pero sira na ngayon ang isang dikes sa Oriental Mindoro na pinondohan ng magit 300 milyong piso.
00:09At sa Tarlac naman, may mga butas at litaw ang bakal ng isang flood control project na nagkakahalaga ng magit 70 milyong piso.
00:18Saksi, si Ian Cruz.
00:2094.5 milyon pesos ang halaga ng slow protection project na ito sa Kamiling Tarlac.
00:31Pero nang puntahan namin kahapon, may mga butas ito sa ilalim, litaw ang bakal at mabilis masira kapag tinatapakan.
00:39Dalawang taon lamang ang lumipas matapos ng simulang gawin yung floodway dito sa lugar na ito.
00:44Pero makikita nga po natin, may mga uka na matapos yung malalakas na agos dahil nga sa sunod-sunod na mga bagyo.
00:52At ito, wala po tayong ka-effort-effort dyan.
00:55Natatanggal po yung konkreto na sinimento nila rito.
00:59At ayon nga sa mga residente, nangangamba sila na baka kapag tumagal pa at napabayaan ito, baka tuluyang gumuho yung proyektong ito.
01:07Sana, matignan naman itong islop dito sa barangay namin, dito sa Pindahan ng Sikan, Kamiling Tarlac.
01:15Para mapagtunan naman niya ng pansin, ang pinagagawa ng mga kontraktor.
01:19Kabado ang ilang residente, sakaling tuluyang masira ang proyekto.
01:23Malaking tulong pa naman daw ito dahil naibsa ng hanggang baywang o dibdib na baha na dati nilang nararanasan.
01:31Pagbalik namin kanina, may mga nagkukumpunin ng taga First District Engineering Office ng Tarlac.
01:38Ipapacheck po natin, sir, para kita po natin yung mga concern po nila, para maayos po natin.
01:43Patuloy namin hinihinga ng pahayag ang floorless construction na nakakuha sa proyekto.
01:49Sa Kamiling pa rin, may mga nakita rin kaming ilang bitak sa baba ng Kamiling Agno River Floodway Phase 3.
01:56Nagkakahalaga ito ng P289.5M, pinakamahal na flood control project na nasa sumbong sa Pangulo website.
02:06Sabi ng DPWH, maliit na bagay ang mga bitak.
02:10Nagkakrack daw ang simento kapag mainit ang panahon.
02:13Madali lang daw itong ayusin.
02:15Ang Phase 4 ng proyekto, halos pareho ang halaga sa Phase 3.
02:20Wala naman daw problema sa ngayon ayon sa mga opisyal ng barangay.
02:24Sa Sancho Doro Oriental Mindoro, sira na naman ang dike sa Subaan River.
02:30Ayon sa barangay, 2022 inumpisahan ang construction ng diking ito at nakumpleto noon lang 2023.
02:38Pero hindi raw nito kinaya ang malakas na agos at dami ng tubig na rumagasa sa ilog noong nakaraang buwan.
02:45Ni-report na raw ito dati ng barangay sa DPWH.
02:49Nagkakaroon na po ng bitak yung kanilang gawa.
02:52Tapos po, inano po namin sa taga DPWH po, sa mga engineer.
02:56Parang inayos po nila yung mga retax, retax po.
02:58Tapos nagkaroon po ng disaster po, nagkaroon ng baha.
03:02Doon po nagkaroon na ng lumaki na po yung gumuho na po.
03:06Tulad ng ibang flood control project sa Oriental Mindoro,
03:10wala rin daw koordinasyon sa lokal na pamahalaan ang proyektong ito.
03:13Nang mabitak nga raw ang dike, doon nila nakitang manipis na nga ang simento.
03:19Halos wala pang ginamit na bakal.
03:21Sa nakita ko kasi walang mga bakal itong dyke.
03:24Kung meron man ay medyo kakaunti.
03:28Malaki ho yung baha, talagang maapaw yung baha.
03:31Hindi kinaya ng kongkreto yung pagkaya nagcrack na siya.
03:35Sa tingin po namin, hindi po siya angkop doon sa lugar at saka doon sa volume at current po ng tubig na dumadaloy po dito.
03:44Siguro mas magiging matibay po ito kung mas malaki yung mga bakal.
03:48Maygit 380 milyon pesos ang kabuang halaga ng dike project na hinati sa tatlo at pinaghatian ng tatlong construction company,
03:59ang New Big 4J Construction Incorporated, Pacific Prime Marine and Industrial Services Corporation,
04:06at Road Edge Trading and Development Services.
04:10Inaalam pa sa ngayon ng GMA Integrated News kung alin sa tatlong kontraktor ang humawak sa bahaging na pinsala.
04:18Sinusubukan pa namin makuha ang kanilang mga pahayag, pati ang panig ng DPWH Mimaropa Regional Office.
04:25Batay sa listahan ng Construction Industry Authority of the Philippines na blacklist mula sa 2016 hanggang 2017
04:32ang New Big 4J Construction Incorporated dahil sa isang proyekto sa Quezon City.
04:38Nakatanggap na rin ito ng full rating sa Contractors Performance Evaluation System Report ng 2015 to 2018 para sa isang proyekto naman sa Laguna.
04:50Ang Road Edge Training naman nakakuha ng dalawang unsatisfactory ratings mula sa Contractors Performance Evaluation System noong 2014.
05:00Inumpisahan na naman ang San West Construction and Development Corporation ang rehabilitasyon sa mga sirang bahagi ng flood control project nito sa Oriental Mindoro.
05:11Isinagawa raw ito batay sa kanilang standard warranty commitments.
05:15Augusto pa raw sinimula ng repairs matapos ang malalakas na pagulan at target itong makompleto bago matapos ang buwan.
05:23Base sa pagsusuri ng San West, nasa limang porsyento ng mga ginawa nitong flood control project sa Oriental Mindoro ang nagka-pinsala.
05:32Binigyang din din ang San West ang mga dike project ay tinayo alinsunod sa specification ng DPWH
05:39at ang pagkukumpunin nila rito ay patunayan nila ng pagtupad sa kanilang pananagutan.
05:46Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
05:50Mga kapuso, maging una sa saksi.
05:54Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended