00:00Nagaanda na ang pamunuan ng North Luzon Expressway o NLEX sa inaasahang mabigat na trapiko ngayong paparating na long weekend.
00:09Iyan ang ulat ni Noel Talacay live. Noel?
00:16Audrey, nakausap po kanina si Robin Ignacio ng Vice President ng NLEX Corporation
00:23at inaasahan nila na dadagsa yung mga motorista ngayong gabi.
00:28Ito bago isang araw, bago nga magsimula ang long weekend.
00:32At kanina naman, Audrey, may naabutan naman ako dito sa May Balintawak 12 Plaza.
00:37Yung iba, tinake advantage na nandito na sila para magpare-install at magpaayos ng kanilang RFID
00:43para pag bumalik sila ng Metro Manila, tuloy-tuloy na ang kanilang mga biyahe.
00:50Matsagang nag-antay si Edward Ponsal, mare-install lang ang RFID ng kanyang sasakyan.
00:56Anya, dito niya nakita ang kahalagahan ng RFID ngayong long weekend,
01:01lalo na at marami na siyang kasabayang mga sasakyan.
01:05Siyempre, sir, hindi ka nahihinto o hindi ka na mag-open ang window.
01:09Seconds lang nakapastro ka na sa mga toll gate.
01:13Kwento pa ni Edward, tuwing may long weekend, maaga siyang nagbabiyahe pa Bulacan para iwas traffic.
01:20Pero dahil sumabay ang pagkasira ng kanyang RFID, wala siyang magagawa kundi magtiis na lang sa traffic.
01:27Probably pagkaganyan at maraming kasabay, madaling araw maalis mas maaga para iwas po sa traffic.
01:34Batay sa tala ng NLEX, as of 3 p.m. kanina, nasa 50 mga sasakyan na ang pumila sa RFID installation lanes
01:42sa May Balintawak, Toll Plaza, northbound.
01:45Naglabas naman ng paalala at gabay ang NLEX sa mga motorista kung saan ang mga installation sites ng kanilang easy trip.
01:54Ayon kay Robin Ignacio ng NLEX Corporation, Assistant Vice President, dinagdaga nila ng 60% ang kanilang deployment sa kabaan ng NLEX ngayong long weekend
02:05at nakahanda rin sila maglagay ng counterflow lane kung kinakailangan.
02:10Kasi dito po sa area ng magko-converse o magsasama-sama yung mga pumapasok, galing Balintawak, Mindanao at saka karuhatan,
02:19dyan usually nagkakaroon ng slowdown ng ating traffic.
02:21Sinabi rin ito na wala silang gagawing road repair sa kahabaan ng NLEX ngayong long weekend
02:28pero may gagawing enhancement sa mga RFID readers na hindi naman anya makakaabala sa mga motorista.
02:36Si one lane at a time at unclosure po natin ay between 8 p.m. to 4 a.m. lang naman
02:42at saka hindi po kasama yung ating mga critical classes like Balintawak, Bukaway, San Fernando at saka yung Dahu.
02:50Magsisimula bukas ang long weekend sa isang special non-working holiday dahil sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day.
02:58August 25 Monday matatapos ang long weekend kung saan ito naman ay isang regular holiday para sa National Heroes Day.
03:07Audrey, yung nakikita nyo ngayon, yan ay ang bahagi sa Balintawak Toll Plaza dito sa may southbound.
03:16Yan ang bahagi kung saan yan ang catch lane.
03:19Mabagal ang daloy ng trapiko at medyo may kahabaan na rin yung mga nakapilang sasakyan.
03:26Pero doon naman sa may kaliwang bahagi, sa may RFID lanes, nasa 150 meters vehicle yung haba ng queue para doon sa mga sasakyan na naka-RFID.
03:37Meron na rin build up yung traffic doon sa Mindanao Exit kung saan nasa 2.4 km na yung haba ng mga sasakyan.
03:46Kaya naman, Audrey, paalala ng NLEX management sa mga motorista na bayabiyahe ngayong long weekend na huwag kalimutan i-check yung kanilang mga sasakyan,
03:57pati na rin yung kanilang mga driver o kanilang mga sarili para makaiwas sa disgrasya ngayong pagbabiyahe ng long weekend na dadaan dito nga sa NLEX.
04:06Audrey?
04:07Okay, ingat sa ating mga kababayang babiyahe. Maraming salamat, Noel Talakay.