Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Guni-guning flood control project tulad ng nabanggit niya sa kanyang zona,
00:05ang inabutan ni Pangulong Bongbong Marcos nang mag-surprise inspection siya sa isang barangay sa Baliwag, Bulacan.
00:12At may ulot on the spot si JP Soriano. JP?
00:16Connie, napabuntong hininga na nga lang si Pangulong Bongbong Marcos dahil daw sa galit.
00:21Matapos niyang matuklasan ang isang ghost flood control project sa isang bahagi ng Purukpor, Barangay PL, sa Baliwag, Bulacan.
00:28Connie, ayon sa Pangulo, 220 meters na reinforced concrete river walls na nagkakahalaga ng mahigit 55 million pesos ang dapat na gawa na sa lugar na ito.
00:38Pero sa isang surprise inspection nga ng Pangulo, ngayong umaga, bit-bit pa niya ang kopya ng report kung saan nakasaad na 100% na tapos na dapat at full paid na ang proyekto.
00:49Pero ang tumambad sa Pangulo...
00:51Wala kaming makita na kahit isang ano ng simento, walang equipment dito.
01:00Lahat itong project na ito, ghost project.
01:05Walang ginawa na trabaho dito.
01:07Ang surprise inspection ng Pangulo ngayon sa umano'y ghost project, Connie, nagmula raw sa isang sumbong na natanggap nila sa isang kanilang website
01:18kung saan ipinarating na ngayon ng publiko ang mga sumbong sa mga umano'y maanumaliang proyekto ng gobyerno,
01:24kabilang na nga ang flood control project na ito.
01:27Sabi ng Pangulo, nakausap niya ang barangay chairman ng lugar at sinabi na may kumausap daw sa kanila noon
01:32at nagsabing may gagawing flood control project pero kalaunan ay naglaho na lang daw na parang bula.
01:39Dahil ghost flood control project na ito, Connie, aminado ang Pangulo na maaaring mas maapektuhan
01:44ang mga kalapit na residente sa epekto ng matinding pagbaha.
01:47Nangako siyang itutuloy ang proyekto at hahanapan ng paraan para magawa ito sa lalong madaling panahon.
01:52Pero higit daw sa lahat ay mapanagot dapat sa batas ang mga nasa likod ng ghost at maanumaliang flood control project na ayon sa Pangulo
02:00na ang modus daw ay pagpasapasahan sa mga subcontractor ang proyekto.
02:06Narito po ang payag ng Pangulo.
02:09Ang teknik kasi ginagawa ngayon eh, yung contractor makakakuha may award ng contract sa kanila.
02:15Tapos hindi nila ginagawa yung trabaho.
02:18Pinagbibili nila yung contract sa mga subcontractor.
02:24Bahala na kung yung subcontractor, kung tutuloy niya yung project.
02:27Bahala na sila kung maganda, kung nasa standard o substandard.
02:33Kahit napapabayaan.
02:34At yung iba, di nalang tinutuloy.
02:39Pinang Pangulo, mati pa siyang susuyuring ibang lugar.
02:43Base na rin sa mga sumbong sa kanya at kanya raw itong i-report sa mga susunod na araw.
02:47At inyo na ang latest, balik ko na sa iyo Connie.
Be the first to comment