00:00Dianning na magnitude 5.1 na lindol ang Calacabatangas pasado hating gabi kanina.
00:05Ang lindol naramdaman din sa ilang karating probinsya, pati na rito sa Metro Manila.
00:11May unang balita si Bam Alegre.
00:15Sa lakas po ng lindol, ito po nangyari sa aming kusena.
00:19Nagkalat ang mga bubog sa bahay na ito na magkabasag-basag ang mga baso.
00:23Nahulog ang mga ito mula sa estante, bunsod ng paglindol kanina pasado hating gabi.
00:27Kuha yan ni Hugh Scooper Marites Atahar sa Balayan, Batangas.
00:33Sa kuha naman ng CCTV sa labas ng bahay ng magulang ni Kelvin Carl, kita rin ang pagyanig dulot ng lindol.
00:40Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, na itala malapit sa Calacabatangas,
00:45ang epicenter ng magnitude 5.1 na lindol pasado hating gabi kanina.
00:50Naramdaman din ang pagyanig sa ilang lugar sa Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Oriental Mindoro, Bataan at Metro Manila.
00:56Kabilang sa mga naapektuhan ang magkakaibigang sina Jack Teru at Jenny Marasigan na kumakain sa pasay noon.
01:03Nakatingin ako nun sa cellphone ko and then parang medyo nahihilo ako during that time.
01:09Parang kang tinutulak.
01:11Habang nag-uusap-usap kami na napansin ko na parang sabi ko parang may gumagalaw.
01:16Sabi ko parang may something ha. Sabi ko hindi siya normal na parang dinuduyan-duyan ka.
01:21Ang security guard naman na si Ramil Tan, naramdaman din ang lindol habang nagbabantay siya sa labas.
01:26Naramdaman ko talaga, yumugyugo akong gano'n eh.
01:30Sabi nga ng kasama ko, sabi niya, lumilindol, lumilindol.
01:33Sabi po ng kasama kong babae. Kasi yung upuan niya, sumayaw.
01:36Ito ang unang balita, Babalegre, para sa GMA Integrated News.
01:39Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments