00:00Sama-sama tayong magiging Saksik!
00:14Dalam mga suspects, sa magkahihwalay na insidente ng rape, ang inaresto sa Antipolo City.
00:20Ang isang suspect, gwarjang pinagsamatalahan umano, ang 13-anyos na babae.
00:25Ang isa pang suspect, kaklase umano, ang hinalay.
00:28Ating saksiha!
00:43Mag-enroll sa pinapasokang kolehyo sa Antipolo City, ang estudyanting ito nang silbihan ng pulisya ng warrant of arrest.
00:51Suspect ang 19-anyos na lalaki at isa pang kaklase sa pangahalay umano sa kaklaseng babae.
00:57Ayon sa pulisya, nagkaaya ang mag-inuman ang magkakaklase.
01:02Nalasing umano ang biktima, kaya inaya ng mga suspect na magpahinga muna sa kwarto.
01:08Doon na raw halinhinang hinalay ang biktima.
01:11Ang biktima ay labing walong taon po.
01:14So mga kaklasmate nila po ito habang nag-iinuman sila ay inabuso sa ginawang pangahalay po.
01:21Makalipas ang ilang araw, nagsampa ng kaso ang biktima laban sa dalawang suspect.
01:25Sa ngayon po ay at large yung isang suspect po na siya ang pasimuno.
01:33Naarap sila sa two counts of rape.
01:35Kabugado ko na lang po kakusapin.
01:37Tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.
01:41Sa istasyon ng pulisya sa Antipolo City pa rin, positibong itinuro ng 13-anyos sa babae ang lalaking humalay umano sa kanya.
01:48Ayon sa pulisya, isang tricycle driver ang nakapansin sa malaking kiss mark sa lieg ng minor de edad.
01:55Nang tanungin, sinabi ng biktima na hinalay siya ng 33-anyos na security guard sa isang subdivision.
02:02Inireport ito ng tricycle driver sa nagpapatrolyang pulis at agad na dakip ang suspect.
02:07Yung ating biktima ay hindi na pinauwi ng suspect at doon na lang pinatulog sa kaibigan na bahay na paupahan.
02:16Kung saan sila nagiinuman.
02:19Pilit na hinalay na yung ating biktima ng dalawang beses at kinamagahan, saka pa lang siya pinauwi.
02:27Hindi naman ito ay tinanggi ng suspect pero depensa niya, mayroon silang relasyon ng biktima.
02:33Palagi raw siyang pinupuntahan ng babae sa pinagtatrabahuhan niya.
02:35Ito po yung pagmamahay ko sa batang yan. Sana mapatawad na ako sa mga nagawa ko sa iyo.
02:41Paharapin ko naman po yung kaso kung pwede pong panagatan yung bata, papapanagatan ko po.
02:47May ipo ako ng pasensya sa magulang kasi magayon naman po talaga yung ginawa ko.
02:53Tumagin magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima.
02:56Nasa kustodiyena ng pulisya ang suspect na maharap sa two counts ng statutory rape.
03:01Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:05Kinontrata o mano sa halagang siyam na milyong piso, ang dalawang suspect sa pagpatay sa dalawang Japanese sa Maynila noong viernes.
03:15Ang sa Manila Police District, isang dayuhan na nasa Japan, ang kumontrata sa isa sa mga suspect na si Alias Abel.
03:22Para kumuha ng grupo at gawin ang pagpatay.
03:26Pero 10,000 piso pa lang daw ang nakukuha ng mga suspect.
03:30Regular din daw na bumibisita sa Pilipinas ang dalawang biktima at madalas na pinagmamaneho ni Alias Abel.
03:36Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa malaking sinigato sa Japan,
03:40ang nasa likod ng krimen at kung ano ang kanilang motibo.
03:44Sinampahan na ng two counts of murder at theft ang dalawang na-arrest ng suspect
03:48habang tinutulis pa ang isa pang kasamahan na tumangay sa gamit ng mga biktima.
03:53Timbog sa Paranaque ang dalawang Vietnamese national na walaan mo nung lisensya
03:58para mag-practice ng aesthetic medicine sa bansa.
04:02Saksi si Katrina Son.
04:04Hindi na nakapalag ang dalawang Vietnamese national sa ikinasang entrapment operation
04:12ng NBI Cybercrime Division sa Esthetic Clinic sa Paranaque City.
04:16You have the right to remain silent. Anything you say may be used against you.
04:22Ikinasang operasyon ang ma-verify sa Professional Regulation Commission
04:25na walang lisensya para mag-practice ng aesthetic medicine ang dalawang dayuhan.
04:30We have at least two individuals who went to the office.
04:34Ang sabi ko nila, they have a schedule for aesthetic clinic po.
04:41We found out that this aesthetic clinic involves two foreign national.
04:47Tumambad sa mga operatiba ang mga clinic bed at ilang gamot na ginagamit sa mukha.
04:52Ayon sa NBI, peligroso ang ganitong pagpapractice umano ng mga dilisensyadong doktor sa bansa.
04:58The fact that we could not check if they are really doctors,
05:02hindi tayo sigurado kung yung mga procedures na ginagawa nila
05:06at yung mga gamit na ginagamit for these procedures are approved by the FDA or other Filipino associations.
05:16Sasampahan ng mga dayuang sospek ng reklawong illegal practice of medicine at misbranding of products
05:21sa ilalim ng FDA at Pharmaceutical Act.
05:24Paalala ng NBI sa publiko, huwag agad maniniwala sa mga nakikita online.
05:30Suriin kung may lisensya ang mga doktor sa klinik na pupuntahan.
05:34At tignan kung FDA approved ang mga gagamitin gamot sa iyon ng klinik.
05:39Kung dayuhan naman ang doktor, i-verify kung may lisensya silang magpractice sa bansa.
05:45Tuloy pa rin ang operasyon ng NBI laban sa illegal practice ng mga dayuhan partikular sa aesthetic medicine.
05:51Marami po kaming mga sinasurveillance ngayon na mayroong mga foreign nationals na nagpa-practice ng aesthetic medicine dito sa Pilipinas.
06:02Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Son, ang inyong saksi.
06:07Imbes ng nobyong nahulikam na nananakit, ang tsahin ng 6 na taong gulang na batang minaltrato sa Kaloocan ang gustong ireklamo ng ina ng bata.
06:19Sa ngayon, hawak na ng Kaloocan City Prosecutor's Office ang reklamong child abuse laban sa nobyo.
06:25Saksi si Jonathan Andal.
06:27Tuluyan ng inihabla ang lalaking na videohang nanakit sa 6 na taong gulang na anak na lalaki ng kanyang nobya.
06:37Sinamahan ang bata ng kanyang tsuhin para ihain ang reklamong child abuse sa piskalya sa Kaloocan City.
06:43Sa medical legal report, lumabas na nabasag ang ngipin at nagkapasa ang labi ng bata dahil sa nahulikam na pambubugbog.
06:50Pero sabi ng nanay ng bata na nagtatrabaho abroad, iaatras niya ang reklamo laban sa boyfriend.
06:56Sahalip ang kanyang ireklamo, ang isa pa niyang kapatid na nagpost online ng video ng pangaabuso sa kanyang anak.
07:20Kaya ko po na i-post yung video for awareness po para mabigyan ng ustisya yung sa pamangkin ko.
07:36Kwento ng ina ng biktima, gusto niya talagang panagutin ang boyfriend doong hindi pa ipinopost ng kapatid ang video.
07:43Yung sasinabi po ng kapatid ko na wala akong balakasuhan sir yung boyfriend ko, sir hindi ho totoo yun.
07:51Ang sabi ko ho talaga sa boyfriend ko, mahal kita pero dapat panugutan mo yung kaso.
07:55Actually sir, dalawang beses ho siyang pinapunta sa DSWD ho at saka sa pulis ho kahapon.
08:01Hindi po talaga siya dinampot at wala pa kong file.
08:04Inakusahan din ang nanay ang kapatid ng pananakit sa kanyang anak nung nasa puder niya ito kaya ito ay pinagkatiwala sa boyfriend.
08:11Nagsumbong ho sa akin yung jowa ko na bakit maraming kurot.
08:15Sobrang dahil o may mga pekla to sabi ho ng anak ko, kinukurot daw ho nila ho doon.
08:21Nanay ko, yung mga titan niya ho.
08:24Itinanggihan ang tsahi ng bata na nagpost ng video.
08:27Hindi lalaki ng ganyang kalulusog yung anak niya kung sinasaktan dito.
08:31At wala po siyang napatunayang pasadyan kahit iharap ko sa kanya yung barangay ng 175 na nagharap-arap kami bago makuha yung bata nung lalaki.
08:39Sinabihan ko pa yung nanay ipamedical mo kung meron ka nakuha ang pasa.
08:43Tsaka ininterview yung mga bata mismo. Hindi kami kaharap.
08:46Ayon sa ina ng bata, uuwi siya sa Nobyembre para kunin ang bata at tatlo pang anak sa mga kapatid.
08:52Pero nanindigan ang tsahi.
08:53Hindi namin pwedeng ibigay kasi baka pag nakuha niya, ipapasa na naman niya sa kung sino-sinong tao.
09:00Ibibigay niya sa hindi ka mag-anak, hindi ka dugo. Kung kakasuan niya ako, lalabad din po.
09:03Sabi ng Caloocan City Social Welfare Department, maaaring manatili pa rin ang bata sa poder ng tsahin.
09:10Kung wala pa tayong evidence na talagang sinasaktan, eh status ko tayo, dun muna yan sa tsahin.
09:19Pero kung mapatunayan sa investigasyon na sinasaktan din ang bata sa poder ng tsahin
09:23at walang kakayahan ng ina na alagaan anak, sila na ang kukuha sa kustudiya ng bata.
09:28Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal ang inyong saksi.
09:33Siyam na bloke ng cocaine ang natagpuan sa baybay ng barangay Carmen sa Hrnani, Eastern Samar.
09:40May 35 milyong piso ang halaga ng kontrabando.
09:43Sumailalim ang iligal na droga sa pagsusuri ng Eastern Samar Provincial Forensic Unit
09:49at doon na kumpirmang cocaine ito.
09:52At basa sa markings ng pakete, maaaring galing umano ang iligal na droga sa South America.
09:57Ipinasabina sa Senado ang mga contractor ng mga flood control project na hindi dumalo sa pagdinig.
10:04Kasama rito ang contractor ng sinasabing ghost project na iniimbisigahan ng DPWH sa Bulacan.
10:10Saksi si Mav Gonzalez.
10:11My office received reports that there are ghost projects in the municipalities of Kalumpit, Malolos, and Hagonoy in the province of Bulacan.
10:24Can you confirm this?
10:26Yes, Your Honor.
10:27That's true.
10:29Well, this is information that we have received, Your Honor.
10:31Mismong Department of Public Works and Highways na ang nagkumpirma, may mga hinihinalang ghost project particular sa First Engineering District ng Bulacan.
10:40And the contractor, allegedly, Wawao Builders. Correct?
10:48That's correct, Your Honor.
10:49Ayon sa DPWH, 9 billion pesos ang kontrata ng Wawao Builders sa buong bansa.
10:55Sa Bulacan pa lang, 85 proyektong nagkakahalaga ng 5.91 billion pesos na ang hawak nito mula 2022 hanggang 2025.
11:05Iniimbisigahan na raw ito ng DPWH.
11:07Pero ni-relieve na ang buong District Engineering Office.
11:10Was there a senator or a congressman who inserted that for that particular area?
11:16Well, we'll just have to find out, Your Honor.
11:19Walang dumalo mula sa Wawao Builders sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
11:23Dahil dito, ipinasabina ang Wawao Builders at pito pang kontraktor sa flood control projects na hindi dumalo sa pagdinig.
11:30Kasama riyan ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation,
11:34St. Timothy Construction Corporation, Top-Notch Catalyst Builders, Sunwest Incorporated, LRTK Builders Incorporated,
11:42High Tone Construction and Development Corporation, at Royal Crown Monarch Construction and Supplies Corporation.
11:47I recommend to our Senate President Pro Tempore to subpoena the owners of the corporations, not merely representatives.
11:59Kasi na subukan na natin dito yan, pag-representatives, wala hong isasagot ho yan.
12:05Si Sen. Wynn Gatchalian isiniwala at na may mga kontraktor na nakakuha ng bilyong-bilyong pisong halaga ng flood control projects kahit pang mababa ang kanilang kapital.
12:15Ang MG Samidan Corporation halimbawa, 250,000 pesos lang ang paid-up capital, pero mahigit 5 bilyong piso ang kontrata sa gobyerno.
12:24Ang QM Builders naman, 1.25 million pesos ang paid-up capital, pero mahigit 7 bilyong piso ang nakuhang kontrata.
12:32QM Builders, ang kanyang contract is 7.3 billion, pero ang kanyang capitalization is 1.2 million.
12:41So ang punto ko ho, meron ho talagang mga tao na linalaro po yung pre-qualification stage.
12:49Sagot ng may-ari ng QM Builders, dalawa ang kumpanya nila.
12:53Isang hardware store at isang construction na pareho ang pangalan.
12:56Siguro raw, para sa hardware store ang nakuhang financial statements ng Senador.
13:00Ang sinasabi niya, meron siyang 40 billion pesos.
13:03Yung NFCC, kinakumpute ng times 15 yun, Mr. Che.
13:07Halimbawa, may 1 billion ka sa bangko.
13:11Pwede ka sa 15 billion.
13:13Kaya kami mong kontrata hanggang 40 billion.
13:15Pero uminit ang ulo ni Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Rodante Marculeta
13:20nang sabihin ng QM Builders na wala pa silang nagawang proyekto sa gobyerno.
13:24Hindi ka pa nakagawa ng project?
13:27Hindi pa kasi yung nag-asawa ko ng 1991,
13:30nag-upisa kami sa hardware, yung maliit na hardware,
13:32nag-tintal ng bambo, mag-ganan eh.
13:35Bakit nasama ka sa labing limang contractors sa listahan ng Pangulo?
13:40Gumawa na tayo ng contract contract?
13:43O ngayon gumawa ka na naman. Ano ba talaga yung totoo?
13:49Baka hindi ka makauwi sa araw na ito, nagsisinungaling ka na naman eh.
13:53Kanina sinabi mo, hindi ka pa nakapagumpisa eh.
13:57Meron akong hawak na martilyo rito, sinasabi ko sa'yo.
14:01Mr. Chair.
14:02Huwag kang tatawa-tawa kasi hindi nakakatawa ito ah.
14:06Mr. Chairman.
14:06Dito lang, nagsisinungaling ka na eh.
14:08Sa huli, pinasumite na lang ng komite ang financial statements ng kumpanya.
14:12Pag-amin ni DPWH Secretary Manny Bonoan sa pagdinig kanina,
14:16may ghost project sa nakaraang dalawang taon.
14:19Kung nakalagay doon completed tapos ghost,
14:22eh di lahat nung nag-report hanggang doon sa USEC.
14:24I'm not saying involved yung USEC.
14:26Kasi nire-report lang sa kanila.
14:28Pero lahat nung bumaba, eh involved sila.
14:31Kasi bakit sila magre-report na completed kung wala?
14:33Meron po yung Quality Assurance Unit in all levels, Your Honor.
14:36Meron sa District Office, meron din sa Regional Office,
14:39and meron din sa National Level, Your Honor.
14:43Kuinasyon din sa pagdinig ang kawala ng koordinasyon ng DPWH
14:46sa River Basin Control Office o RBCO
14:49para sa pag-develop ng master plan sa flood control projects.
14:53Unfortunately, Your Honor, I think this is one of the challenges that we have to face.
14:58I admit, Mr. Chairman, that we have not had any significant coordination at this point in time.
15:07We started from the wrong foot.
15:09Kumbaga, yung palang pinaka-susi ng lahat ng ito.
15:15Gawa na kayo ng gawa ng project, DPWH.
15:20DBM, bigay na kayo ng bigay ng kundo.
15:22Pero yung opisina na mayroong pananagutan na pag-i-integrate,
15:32i-connect na lahat ng inyong ginagawang flood control,
15:36natutulog pala, hindi pala nyo kinukonsultan, hindi pala kayo magkakakilala.
15:40Sabi pa ni Bunuan, wala raw feasibility studies ang flood control projects.
15:45Ang meron lang ay project impact analysis.
15:46Pinapare-allocate ni Sen. Bam Aquino ang 243 billion pesos na pondo para sa flood control
15:53sa 2026 national budget papunta sa mga munisipyong tukoy na madalas bahain.
15:58Pagating po sa flooding, yung mga lugar na may flooding talaga,
16:02I would guess meron po kayong expertise kung saan talaga yung totoong flooding sa Pilipinas.
16:06Magsabit tayo, yung talagang totoong flood control,
16:10yung talagang flood control budget na talagang swak talaga sa pangailangan ng tao.
16:15Iginiit naman ni Sen. Meg Subiri na walang magagawa ang Public Works at Budget Departments
16:20kung magpasok ng kung ano-anong proyekto ang mga mambabatas at may sa batas ang national budget.
16:25Paglabas po ng budget, iba nang itsura ng budget,
16:29eh wala na po silang magagawa dahil batas po yan.
16:31Kailangan po nalang implement yun.
16:33That's the elephant in the room.
16:35Where are the sources of these funds?
16:37And let's expose it.
16:38Para si GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
16:42Mga kapuso, maging una sa saksi.
16:46Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments