00:00Pinunah ni Oriental Mindoro Governor Bons Dolor ang pagkasira at hini-anya de kalidad na pagkakagawa sa ilang dikes sa probinsya.
00:09Saksi, si Mackie Pulido.
00:13Sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan noong Hulyo, isa-isang gumuho ang ilang bahagi ng siyam na dikes Oriental Mindoro na pawang mga flood control project.
00:23Isa rito ang 380-meter dike sa bayan ng Bungabong na gawa ng SunWest Inc. sa halagang P217 million.
00:33P217 million ang cost nito, P380 meters ang haba. I-divide mo yun, umaabot ng P561,000 per meter ang cost.
00:44May iba pang puna si Governor Bons Dolor.
00:46Paano nga naman daw hindi guguho yung dike? Eh, substandard na nga raw yung pagkakagawa.
00:51Substandard pa yung mga materyalas na ginamit. Tulad ng mga bakal na ito na napakanipis raw.
00:57Sa halip na 16mm, 12mm lang ang ginamit.
01:01Mayroon ba naman flood mitigation project, 12mm design?
01:0516, ang pinakaminimum. The bigger the bakal, pagtibay.
01:10Manipis pa raw ang semento at di man lang nilagyan ng kawing o dawel para hindi agad ito mabiyak.
01:15Walang dawel?
01:18Pari, bakit nag-crack to? Kasi walang bakal lang.
01:21Pari, portion by portion. Pag gumagawa tayo nga, pinagdudog tong para hindi naghihiwalay.
01:31Common eh. Tsaka common sense ang tawag ko dyan.
01:35Hindi kinakailangan ng ingeniero eh para maintindihan yan.
01:38Ayon sa data ng Department of Public Works and Highways o DPWH,
01:42tatlong dike ang ipinatayo sa bungabong sa halagang 651 million pesos.
01:47Kapansin-pansin na halos magkakapresyo ang bawat isang dike.
01:50Tig 217 million pesos kada isa at ilang daang piso lang ang diferensya sa presyo.
01:56Pero sabi ni Governor Dolor, hindi naman daw flood-prone area ang bungabong.
02:01Dagdag niya sa iba't ibang bayan ng Oriental Mindoro.
02:04Nasa 1.9 billion pesos ang kabuoang project cost ng siyam na gumuhong dike noong nakaraang Hulyo lang.
02:11Anim sa siyam na dike ang ito, SunWest Inc. ang kontraktor.
02:15At isa naman ang St. Timothy Construction Corporation, ayon kay Governor Dolor.
02:20Kung may kontratista ditong pumalpak at hindi sumunod sa specification, bukod sa mabar ito, bukod sa mabar ito, bukod sa mabibigyan ulit ng proyekto.
02:30Doon sa nine projects, nakita ko sa report ng DPWH, anim na project ay isang kontratista.
02:35There are only four contractors doon sa siyam na projects.
02:40Anim doon sa siyam na nasira, isang kontraktor lang gumawa, SunWest.
02:45Yung isa, yung St. Timothy.
02:47Kasamang SunWest at St. Timothy Construction sa labing limang construction company na binanggit ni Pangulong Marcos na nakakorner ng 20% ng flood control projects sa buong bansa.
02:58Hinihingi pa namin ang kanilang pahayag.
03:00Paliwanag naman ni DPWH Regional Director Gerald Pakanan, sa dami ng mga proyekto, hindi niya nababantayan lahat.
03:07Pero pinaiimbestigahan na ngayon at tinanggal na sa pwesto ang project engineer at iba pang tagapagbantay ng mga proyekto.
03:14Pinapaimbestigahan ko na po yan. Hindi po kami nagugas kamay, but ipapaimbestigahan na namin ito at ipa-implement namin kung anong dapat ipa-implement.
03:25Para sa GMA Integrated News, makipulido ang inyong saksi.
03:30Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:33Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.