00:00At sa ating ulat showbiz, naalala niyo pa ba ang kinagigiliwang baby shark na kanta?
00:10Abay nanalo ito kamakailan sa isang legal battle,
00:13habang Snow White and Wonder Woman actress Gal Gadot bumisita sa Gaza.
00:17Narito ang ulat.
00:20Bumalik ang Snow White actress na si Gal Gadot sa kanyang hometown itong linggo
00:25para makisama sa mga nagdadalamhating pamilya sa Hostages Square sa Tel Aviv
00:29ang sentro ng hostage activism ng Israel.
00:33Ang dating sundalo ng Israel Defense Forces at Wonder Woman star
00:36ay nakadalamhati sa mga taong ang mga mahal sa buhay ay hawak ng hamas sa loob ng halos dalawang taon.
00:43Ang kanyang pabisita ay kasabay ng araw ng Israel On Hold,
00:47isang pambansang protesta na inorganisa ng Hostages and Missing Families Forum
00:51na humihiling sa gobyerno na unahin ang negosasyon para sa pagpapalaya
00:55sa humigit kumulang limampung natitirang mga bihag na hinostage
00:59sa panahon ng pag-atake na pinamunuan ng hamas.
01:02Halos dalawang po naman ang pinaniniwalaang buhay pa.
01:06Para sa ika-50th birthday ni Carmina Villaruel ngayong taon,
01:10ibinahagi ng kanyang anak na si Mavi Ligaspi kung gaano siya humahanga
01:14sa kanyang ina sa kanyang latest post sa social media nitong linggo, August 17.
01:18Ang 24-year-old actor na isa sa mga host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ngayong taon
01:24ay buong pagmamalaki na idineklara ang ageless beauty ng kanyang ina.
01:29Kabilang sa mga dumalo sa birthday bash ng aktres ay si Narufa Gutierrez,
01:33Jelly and Janice De Balen at Candy Pangilinan.
01:37Hindi kinopia ang sikat na kantang Baby Shark.
01:40Yan ang naging desisyon ng isang Korte Suprema sa Korea.
01:44Matapos ang 6 na taon,
01:45dinismiss na ng Korte Suprema ng South Korea
01:48ang kasong inihain ng isang composer sa Amerika
01:50na nag-claim na ang sikat na kantang Baby Shark
01:53na ayon sa isang folk song ay kanyang gawa.
01:57Ayon sa complainant na si Jonathan Wright,
01:59nag-record ito ng bersyon noong 2011
02:01at anya, siya ang nagmamayari ng copyright interpretation ng awit.
02:06Ang bersyon naman ng ping pong ay inilabas noong 2016.
02:10At sa Korte, walang sapat na alterasyon na nagawa ang bersyon ni Wright
02:13mula sa orihinal na folk song
02:15para masabing isa itong hiwalay na orihinal na awit
02:19sa ilalim ng copyright law.
02:20Ang Baby Shark ng ping pong ay naging viral noong November 2020
02:24at umani ng 7 billion views.
02:26Makalibas lamang ng isang taon,
02:28umabot naman ito sa 10 billion views.
02:31At yan ang latest sa mundo ng showbiz.
02:33Ako si Ice Martinez para sa Bayan.