00:00Now the narito ay ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang RMTAN Solar Pump Irrigation Project sa Ormok City, Leyte.
00:09Ito ay ang pinakamalaking solar-powered pump irrigation system ng National Irrigation Administration sa buong Eastern Visayas.
00:17Nakapaloob sa proyektong ito ang 7 unit ng 10-horsepower solar-powered pumps na nakalagay sa dalawang lokasyon
00:25at inaasahang makapagsusupply ng tubig sa isandaang ektaryang lupang sakahan.
00:31Ang Solar Pump Irrigation Project ay isang makabago, episyente sa gastos at makakalikasang solusyon sa irigasyon.
00:40Malaking tulong ito para makapagbigay ng magkakaparehong supply ng tubig ang mga magsasaka na magpapataas ng ani at kita nila.
00:50Ayon sa National Irrigation Administration, ito ay bahagi pa rin ng layunin ni Pangulong Marcos Jr. na mamodernisa ang sistema ng irigasyon sa bansa.
01:01Kaya naman patuloy ang pagsusulong ng pamahalaan ng mga proyekto upang matiyak ang mas matatag na sektor ng agrikultura sa bansa.