Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
PBBM, dismayado sa palpak na flood control project sa Brgy. Bulusan, Calumpit, Bulacan na ideneklara nang "completed"

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan dismayado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06sa mga nakita sa kanyang pag-inspeksyon sa Flood Control Project sa Bulacan.
00:12Inisa-isa pa ni Pangulong Marcos Jr.
00:14ang mga nakita niyang problema sa proyekto sa Barangay Bulusan
00:17kaya't ipapatawag ang gumawa nito.
00:21Lumalabas din sa sumbong mo sa Pangulo website
00:24na nasa 96.4 million pesos ang halaga ng proyekto.
00:29Yan ang ulat ni Harley Valbuena.
00:42Ito ang hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:46sa St. Timothy Construction Corporation
00:49dahil sa palpak na rehabilitasyon ng River Protection Structure
00:53sa Barangay Bulusan, Kalumpit, Bulacan.
00:56Sa kanyang pag-inspeksyon ngayong biyernes,
00:59nakita mismo ng Pangulo ang napakalaking kakulangan sa proyekto.
01:04Kahit batay sa natanggap niyang report,
01:06ay completed o tapos na ito.
01:09Ito yung revetment wall dito sa Barangay Bulusan
01:12at itinayo ito para harangin yung tubig mula sa Pampanga River.
01:17Pero kung makikita nyo, hindi ito tinapos
01:20at napakahaba pa ng bahagi na walang pader.
01:24Sa datos mula sa Sumbong sa Pangulo website,
01:27nasa 96.4 million pesos ang project cost
01:31ng revetment rehab project sa Barangay Bulusan.
01:34Pero nadiskubre mismo ng Pangulo
01:36na nasa 200 metro pa ang kakulangan nito.
01:40Nagpadala rin ang Pangulo ng ilang scuba diver sa lugar
01:43at sa kanilang pagsisid ay natuklasan
01:46ang mahinang pundasyon ng ginawang river wall.
01:50Dismayado rin ito sa kabiguan ng St. Timothy
01:53na magsagawa ng dredging at desiltation.
01:57Nakita nyo ba?
01:59Eh, ang babaw na, natubuan na ng yung lupa,
02:01natubuan na ng laman.
02:04Ganung katagal sila hindi nagdi-desilt.
02:06Pero sa record na kalagay, desilted.
02:09Ang pira.
02:10Kaya naman kahit ilang linggo na ang nakalipas
02:12mula ng Manalasa ang magkakasunod na bagyo at habagat,
02:16lubog pa rin sa baha ang ilang bahay.
02:18Nagre-reklamo na rin ang ilang residente
02:20dahil sa matinding baha kapag malakas ang ulan
02:23at kapag high tide.
02:25Agos dito, tsaka yung dyan sa may patubig na yan,
02:28malakas ang agos yan, kaya nilalagyan ng yero.
02:30Kasi yung mga nakatira doon sa loob, kawawa po.
02:33Ngayon lang nangyayari yung sunod-sunod na
02:36laki ng tubig na ganyan.
02:39Dati hindi naman ganyan eh.
02:41Hinggil dito, ipatatawag na ng Pangulo
02:44ang St. Timothy Construction Corporation
02:46upang pagpaliwanagin kung anong nangyayari sa proyekto
02:50at kung saan napunta ang halos 100 milyong pisong pondo.
02:55Samantala, nagpadala rin ang liham sa Pangulo
02:58ang isang residente ng kalumpit upang ireklamo
03:01ang umano'y paggamit ng substandard materials
03:04sa itinayong dike sa kanilang lugar.
03:06Inikayat naman ng chief executive ang publiko
03:09na patuloy na i-report ang mga irregularidad
03:12sa flood control project sa kanilang lugar
03:14sa pamagitan ng sumbong sa Pangulo website.
03:19Harley Valbena para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended