Skip to playerSkip to main content
Gusto ni Senador Robin Padilla na ibaba sa sampung taong gulang ang age of criminal liability. Pero pinalagan 'yan ng may akda ng Juvenile Justice and Welfare Act na si Senador Kiko Pangilinan. May report si Mark Salazar.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Gusto ni Sen. Robin Padilla na ibaba sa 10 taong gulang ang age of criminal liability.
00:06Pero pinalagan niya ng mayakdan ng Juvenile Justice and Welfare Act na si Sen. Kiko Pangilinar.
00:13May report si Mark Salazar.
00:17Sa murang edad na 13, inakusahan ang isang binatilyo ng panggagahasa at pagpaslang sa 8 taong gulang niyang kapitbahay sa Quezon City, kamakailan lamang?
00:28Ang umano'y humalay naman sa 6 na taong gulang na babae sa Mabalak at Pampanga noong Enero, 8 at 10 lang ang edad.
00:38Menor di edad din ang tatlo sa apat na suspect sa pagpatay sa isang estudyante habang nilolooba ng kanyang bahay sa Tagum City noong nakaraang buwan.
00:48Ang biktima halos 40 beses na sinaksak.
00:52Ilan lang yan sa mga kahindik-hindik na krimen kung saan kabataan ang sangkot.
00:58Tingin ni Sen. Robin Padilla, panahon na para amyendahan ang Juvenile Justice and Welfare Act na nagsasabing exempted sa criminal liability ang nasa edad 15 pababa.
01:10Baka raw dapat ibaba na ito sa edad 10 para sa mga karumaldumal na krimen.
01:15Merong mga kahit wala pa sa legal na edad ang kanilang ginagawa ayon sa kanilang mismong kapasyahan.
01:24Baka po ito ang panahon na upang magkaroon ng mas naaangkop na kahinatnan o consequences ang kanilang mga aksyon.
01:32Tutol dito ang may akda ng batas na si Sen. Kiko Pangilinan.
01:36Malian niya na hindi pinapanagot at basta-bastang pinapakawalan ang batang nagkasala sa ilalim ng kanyang batas.
01:43At yung 15 and below naman, pagka serious offenses, pwede silang mandatory confinement for a period not less than one year.
01:58Nakasaad sa batas na kung sangkot ang edad 12-15 sa karumaldumal na krimen tulad ng pagpatay at panggagahasa,
02:07kailangan ilagay sila sa Intensive Juvenile Intervention and Support Center sa Bahay Pag-asa.
02:14Sabi pa ni Pangilinan, maraming probisyon ang batas na pumuprotekta sa biktimahan ng juvenile offender.
02:21Pero binibigyan din ito ang pagkakataong makapagbago ang batang nagkasala.
02:26Sa halip na amendahan yung batas, eh ipatupad ng tama yung batas.
02:31Kayo po mismo ang nagsabi, may problema sa implementasyon. Lalo na naman lalakas po ang mga loob ng mga sindikatong bata.
02:39Nirefer sa Committee on Justice ang panukala ni Padilla para mahimayang isyo bago ibalik sa plenaryo at pagbutohan.
02:46Mark Salazar, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended