00:00Mark Salazar
00:26.
00:28Sa ilalim ng batas ngayon, 15 taong gulang ang pinakamababag edad ng kriminal na pananagutan.
00:35Pero ang gusto ni Sen. Robin Padilla, ibaba pa yan at gawing 10 taong gulang
00:40sa pamamagitan ng pag-ambyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act.
00:45Sa plenaryo ng Senado kagabi, hiningin ang Senador ang suporta ng mga kasama sa kanyang panukala.
00:50Yung mga nakagawa po ng mga heinous crime, hindi ko po talaga matatanggap na tatawagin nating mga bata itong mga ito.
00:58Sana po buksan din po natin ang isip natin sa usapin ng kailangan na.
01:05Nakita ko na ang worst of the worst, sabihin nyo na. Pero ako hindi ko masikmura.
01:10Tinanong namin ang mga kapuso online, payag ba kayong ibaba sa 10 taong gulang ang edad ng criminal liability?
01:18Marami ang sumagot na pabor sila sa panukala at nagbigay ng tugon kung bakit.
01:24Ang isa, binanggit ang mga napanood daw niyang insidente ng bullying.
01:28Sabi ng isa pa, papaparaw ang edad ng mga gumagawa ng krimen, peti man o hindi.
01:34Nakadepende daw dapat ang parusa sa bigat ng ginawang krimen.
01:37At para may katakutan, palagay ng isa pa, malakas daw gumawa ng krimen ng kabataan ngayon dahil alam daw nilang hindi sila ikukulong.
01:45Iba na raw ngayon. Sabi ng isa pa, kaya raw ng kabataan pumatay ng tao.
01:51Ang isa naman, payag daw kung sa heinous crime o yung mga karumaldumal na krimen.
01:57May nagsabing payag siya para raw alam ng mga bata na may consequence o kahihinat na ng kanilang ginagawa.
02:05Pero isaisip din daw sana ang pagkakaroon ng juvenile prisons at rehabilitasyon ng mga bata
02:11para maayos pa nila ang kanilang buhay para sa hinaharap.
02:15Pwede raw sabi ng isa pa, pero ang mga minority edad ay ipiit daw na hiwalay sa mga edad 18 pataas.
02:22Meron ding mga tumutol, may nagsabing masyado pang bata ang 10 taong gulang para maranasan ang juvenile prison system.
02:30Mas maigiro sana kung 12 o 13 taong gulang ang may criminal liability.
02:37Sabi ng isa pa, maaaring mauto ang 10 taong gulang na bata o kaya'y mabuli hanggang sa magkaroon siya ng bugso ng galit.
02:45Ang dapat daw ay mabigyan siya ng tamang gabay.
02:48Si Senador Kiko Pangilina na may akda ng 2006 Juvenile Justice and Welfare Act.
02:54Pumalag sa panukala ni Senador Padilla, hindi anya totoo na walang pananagutan ng isang bata sa batas.
03:02Pinabulaanan din ni Pangilinan na dapat pakawala ng batang nagkasala sa ilalim ng kanyang batas.
03:08Kung sila ay kumilos at magkaroon ng discernment at kumilos na parang mga tulad ng mga nasa hustong gulang na.
03:18From 18 to 15, dapat ditisin bilang mga nasa hustong gulang na.
03:26At yung 15 and below naman, pagka serious offenses, pwede silang mandatory confinement for a period not less than one year.
03:40Ayon kay Pangilinan, maraming probisyon ang batas na pumuprotekta sa biktima ng juvenile offender.
03:46Pero nagbibigay rin ang pagkakataon para makapagbago ang isang batang nagkasala.
03:51Ano yan, baka ang kailangan ay hindi pag-amienda sa batas, kundi ang maayos na pagpapatupad nito.
03:58May kakulangan ng batas, ngunit mas marami ang kakulangan sa implementasyon kaysa sa batas mismo.
04:09Una po, linawing ko po sa ating kaibigan, Sen. Quigo Pangilinan, wala po akong sinabi na kulang ang batas.
04:19Ang sabi ko po ay napakaganda ng batas na ito. Hindi lang po siya napapanahon ngayon.
04:27Ang kabataan po natin sa ngayon, kapag sila ay nakita nila kasi na tayo easy-easy lang,
04:36at alam naman natin na kayo po mismo ang nagsabi, may problema sa implementasyon at napanood pa nila ngayon yan,
04:42Ano, lalo na naman lalakas po ang mga loob ng mga sindikatong bata.
04:49Pero sabi ni Pangilinan, suportado ng mga pag-aaral, na naging matagumpay ang batas sa pagre-reforma ng mga juvenile in conflict with the law.
04:5870% if I remember right, nung mga nabigyan ng pangalawang pagkakataon dahil nagkasala na diversion program ay nanumbalik sa normal na buhay at nagkaroon na ng maayos na pamumuhay.
05:16Nirefer na sa Committee on Justice ang panukala ni Sen. Padilla para dun mahimay ng husto bago ibalik sa plenaryo para pagbutuhan.
05:24Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
Comments