Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00After the battle of China, the fighter jet of China is the Philippine Coast Guard.
00:08The two American American countries are in the radio challenge of China.
00:14The Chino Gaston is the Chino Gaston.
00:19The Philippine Coast Guard is the Maritime Domain Awareness Flight
00:22sa bandang Baho di Masinlok nang biglang lumitaw ang kulay gray na Chinese J-15 fighter jet na ito.
00:29Unang tumabi ang fighter jet sa PCG aircraft sa layong 500 feet na para bang inoobserbahan ito.
00:37Habang tayo mapalapit ng Baho di Masinlok ay napansin natin ang pagdating nitong Chinese fighter jet
00:43sa higit kumulang 20 minuto na kumaaligin at kumapaligot sa patrol aircraft ng Philippine Coast Guard.
00:50Ito raw ang unang beses ngayong taon na gumamit ang China ng fighter jet
00:55para mag-intercept ng patrol aircraft ng PCG.
00:58Kalaunan, umalis din ang Chinese fighter jet.
01:04Hindi raw masabi ng PCG kung may ginalaman ang bagong taktika ng China
01:09sa nangyaring salpukan ng mga bargo ng Chinese Navy at Coast Guard
01:13habang tinataboy ang BRP Suluan sa Baho di Masinlok noong lunes.
01:17I don't want to speculate that this is a response of what had happened last Monday.
01:23But one thing is clear, every time we conduct an MDA flight over BDM,
01:29they are also harassing and endangering the safety of the Coast Guard aircraft.
01:35Ilang beses nakaranas ng radio challenge mula sa Chinese vessels ang PCG patrol aircraft
01:41na ang misyon ay magpatrolya sa BDM at hanapin ang nasirang CCG 3104.
01:46Hindi na namataan sa lugar ang nasirang barko maging ang nakabangga nitong PL-8 Navy Warship 164.
01:58Pero nakita naman namin roon ang dalawang barko ng Amerika,
02:04ang US littoral combat ship na USS Cincinnati at Arleigh Burke-class US destroyer na USS Higgins
02:11na binubuntutan ng dalawang barko ng Chinese Navy,
02:14maging ang mga Amerikano nire-radio challenge ng mga Chino.
02:18Sa isang pahayag, sabi ng Southern Theater Command ng China,
02:21tinaboy daw nila ang mga barko ng Amerika na wala raw paalam na pumasok sa lugar.
02:26Sa ginawang ito ng Amerika, nalabag daw ang kanilang soberanya at seguridad
02:31at pinahina raw ang kapayapaan sa South China Sea.
02:35Tugo ng United States 7th Fleet, hindi totoo na itinaboy ang kanilang barko ng China.
02:40Naroon daw ang kanilang mga barko sa isang freedom of navigation operation alinsunod sa international law.
02:46Dinidepensahan daw ng Estados Unidos ang kanilang karapatan na lumipad,
02:50maglayag at mag-operate sa anumang pinahihintunutan ng batas,
02:54bagay na hindi umano mapipigilan anumang sabihin ng China.
02:59Kalaunan, nilisan rin umano ng USS Higgins ang bahagi ng South China Sea na labis umanong inaangkin.
03:06Dagdag pa ng U.S. 7th Fleet, araw-araw ang kanilang operasyon sa South China Sea
03:12at may koordinasyon sa mga kaalyado na may katulad na panindigan na isang malaya at bukas na Indo-Pacific region.
03:22Sabi naman ang Philippine Coast Guard,
03:24the Philippine government is supportive of the freedom of navigation.
03:27We need to make sure that all of our deployments,
03:30whether you are People's Republic of China or members of the like-minded states,
03:36your behavior and operation in the South China Sea or any other parts of the world should always be guided.
03:43Part of the GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
03:49Timbog ang lalaking ng halay-umanon ng Grade 2 student sa Pasig City.
03:54Saksi si Emil Sumangit.
03:58Tinapit ng Pasig Police ang 39 anyos na lalaking ito.
04:02Makaraang ireklamo ng panggadakasa.
04:04Ang biktima ayon sa polisya, isang lalaking Grade 2 student.
04:08Itong suspect natin ay niyaya itong victim natin na kakain sa isang fast food chain.
04:15So, hawang kumakain sila, inuwi itong suspect natin, itong biktima dinala sa bahay.
04:23Sa reklamong nakarating sa mga otoridad,
04:25kakalabas lang ng eskwelahan at naglalakad na pauwi ang biktima,
04:28nang maispatan daw ito ng suspect.
04:31Hindi sila magka ano-ano, wala silang whatsoever na relationship.
04:36So, nakita lang itong suspect, itong biktima, at nakawak sa nadaan niya.
04:42Rape na may kinalaman sa child abuse.
04:44Ang kinakaharap ng suspect, reklamong kanyang itinatanggi.
04:48Hindi po totoo yun na nag-asa po ako.
04:51Sa akin lang po makatulungan yung bata na umuwi sa kanila.
04:55Isang tanong, pinagsamantalaan mo ba?
04:57Hindi po. Medikal na lang po magbigay sa akin.
04:59O sisya ko tulad ko, pinagsamantala ko yung bata.
05:01Nakakulong na ngayon ang suspect sa Pasig Police,
05:04Custodial Headquarters.
05:06Para sa GMA Integrated News,
05:08Emil Sumangil, ang inyong saksi!
05:11Bagaman nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility,
05:14posible pa rin magpaulan sa ilang bahagi ng bansa ang Bagyong Goryo.
05:18Huling na mataan ang sentro nito sa layong 420 kilometers
05:21ng hilagang kanuran ng Itbayat Batanes.
05:24At bukod dito, umiiral pa rin ang habaga
05:26na inaasang pagpapaulan din sa iba pang bahagi ng bansa.
05:30Basta sa datos sa Metro Weather,
05:32makararanas ng kalat-kalat na pagulan bukas na umaga
05:35ang ilang bahagi ng Cagayan Valley, Palawan,
05:38at ilang lugar pa sa Mindanao.
05:41Pagdating na hapon, mas lalawak ang pagulan sa Visayas at Mindanao,
05:46pati na sa Southern Luzon, Bicol Region,
05:49at ilang bahagi ng Central at Northern Luzon.
05:51Dito sa Metro Manila, may chance rin ng thunderstorm sa hapon o gabi.
06:00Special discount cards para sa mga estudyante, persons with disability,
06:03at senior citizen, ilulunsad ang Department of Transportation sa Setiembre.
06:08Ayon sa DOTR, isang beses lamang kailangan magparehistro
06:11sa kaysang estasyon ng LRT Lines 1 at 2 at MRT 3.
06:15Right then and there, ipiprint ang iyong student beep card in every station.
06:23I-re-renew mo lang yan after every school year.
06:28Meaning, after one year, hindi nagagana ito.
06:32Sa mga senior citizen at PWD, sa mga estasyon din ang tren mag-a-apply,
06:37at makukuha na rin agad ang card.
06:39Pag tap sa turnstile, automatic onang may 50% discount ang pamasahe.
06:43Magpapalabas na rin ang DOTR at ang kumpanyang AF Payment Incorporated
06:47na gumagawa ng beep cards ng tinatayang 300,000 na beep cards
06:51dahil sa mga reklamo ng mga pasayro na wala silang mahagilap na cards.
06:55Driver na nahulikam na nag-counterflow sa Skyway noong Sabado umaming lasing
07:00habang nagmamaneho.
07:02Sinabi yan ang driver nang humarap sa Land Transportation Office.
07:05Ayon kay Transportation Secretary Vince Disson habang buhay ng kansilado ang kanyang lisensya.
07:11Maarap din ang driver sa reklamong paglabag sa Anti-Drunk Driving at Reckless Driving Act.
07:1720 pesos kada kilo ang bigas sinimula ng ibenta ng National Food Authority sa Balagtas, Bulacan.
07:23Nakalaan ito para sa mga magsasaka ng mga miyembro ng RSVSA
07:27o Registry System for Basic Sectors and Agriculture sa Bulacan.
07:31Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria Guevara,
07:35maaaring mag-avail ang bawat membro ng hanggang 10 kilong bigas kada buwan.
07:40Ayon pa sa NFA, prioridad nilang mabentahan ang mga malilit na magsasaka
07:44dahil hindi sapat ang kanilang ani para makapagtabi ng palay para sa kanilang sarili.
07:49Sa ngayon, ayon sa NFA, may 18 warehouse ang ahensya na patuloy na nagbebenta ng nurang bigas.
07:55Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, ang inyong saksi.
08:01Nilagdaan ni Pangulong Bangbo Marcos ang batas na nagpapaliban sa barangay at sangguniang kabataan elections ngayong taon.
08:08Sa Bisa ng Republic Act 12232, naurong sa Nobyembre 2026 ang naturang eleksyon.
08:15At magiging apat na taon na ang termino ng kasalukuya mga opisyal ng barangay at SK.
08:21Gagawin na rin kada apat na taon ang pagsasagawa ng barangay at SK elections sa halip na kada tatlong taon.
08:28Kasunod nito, inaasang ilalabas ng COMELEC ang implementing rules and regulations kagway ng bagong batas.
08:34Nadagdagan pa ang mga bansa na kumukundina sa pinakabagong pangaharas ng China sa West Philippine Sea.
08:41Saksi si JP Sirian.
08:44Kinundina ng Amerika, Japan, Australia at New Zealand ang pinakabagong harassment ng Chinese vessels sa Philippine Coast Guard sa Baho de Masinlo.
08:58Ayon sa pahayag ni U.S. Ambassador to the Philippines, Mary Kay Carlson, ito'y babayang aksyon ng China laban sa susakyang pandagat ng Pilipinas.
09:07Sabi ng Australian Embassy sa Pilipinas, seryoso at nakakabahala ang anilay mapanganib na aksyon ng China.
09:14Panawagan din ang irespeto ang international law at rule of law.
09:18Sabi naman ang New Zealand, nakakabahala nga ang anilay mga pattern o modelo ng mapanganib na aksyon at nagpapabagsak daw ito ng katataga sa South China Sea.
09:29Tutul din ang Japan sa pamamagitan ng pahayag ni Ambassador Endo Kazuya ang anilay paulit-ulit na aksyon.
09:35Ang pahayag na ito ng Japan na taon, isang araw matapos ang ceremonial exchange of notes for the entry into force ng Philippines-Japan Reciprocal Access Agreement o RAA na ratified na ng dalawang bansa.
09:49We are pleased to announce that with the exchange of note verbals today, the RAA will officially enter into force on 11 September 2025.
10:03This swift and decisive progress speaks to the urgency and strategic value both our nations attach to our security and defense cooperation.
10:16It will also signify Japan's clear commitment to the Philippines' efforts to advance our defense capabilities in support of the Philippines' firm assertion of its sovereignty and sovereign rights in today's fast-evolving regional security landscape.
10:33Ang entry into force ng RAA ng Japan at Pilipinas ayon kay Defense Secretary Gilbert Yodoro magpapalakas sa ugnayan ng mga sundalo ng Japan Self-Defense Force at Armed Forces of the Philippines.
10:46What it means is that our most potent instrument of national power, which is our armed force, and that of Japan, can work together.
10:57But not for destabilizing the world order, but a shared purpose to preserve it against unilateral attempts to reshape the world order into the selfish benefit of parties,
11:16Sa kabila raw ng pag-alman ng China, patuloy daw na palalakasin ng Pilipinas ang umnayan sa mga bansang sumusuporta at kumikilala sa karapatan natin sa West Philippine Sea.
11:29Kabilang na ang Amerika, na alam daw ng gobyerno ng Pilipinas na magsasagawa ng Freedom of Navigation Operations ang isang US warship sa ilang bahagi ng Baho de Masinlok na nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone o EEZ.
11:45Ang pagdaang ito ng US warship sa Baho de Masinlok, inalmahan ng China.
11:51Hindi raw nagpaalam sa kanila at nakadagdag daw ito sa tensyon sa reyon.
11:57Pagod na raw si Teodoro na patulan ang mga pahayag ng China.
12:00They stand out as the samakumlaudes of revisionism in international law and bad behavior.
12:10Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
12:17Tiriak ng liderato ng Kamara na agad nilang sisimulan ang mga pagdinig sa 2026 National Expenditure Program na ipinasa ng Department of Budget and Management.
12:26Saksi, si Tina Panginiban Perez.
12:32Na-turnover na ng Department of Budget and Management o DBM sa Kamara at Senado ang National Expenditure Program o hinihingi ang budget ng Ehekutibo para sa 2026.
12:45Bumaabot ito ng 6.793 Trillion Pesos, mas mataas ng 7.4% kumpara sa 6.326 Trillion Pesos ngayong 2025.
12:56Alinsunod sa konstitusyon, pinakamalaki ang para sa Department of Education na nasa P928.5 Trillion Pesos.
13:04For the first time, the budget for basic and higher education has been increased monumentally to meet UNESCO's recommended education spending target of at least 4% of the country's GDP.
13:23Sunod na pinakamataas ang hinihingi ang budget para sa Department of Public Works and Highways na nasa P881.3B.
13:32Mahigit P270B dyan ay para sa flood control projects.
13:37Iwalay pa ang mahigit P2B para naman sa flood control projects ng MMDA.
13:43P320B dyan ang hinihingi para sa Department of Health, kasama na rito ang para sa PhilHealth.
13:51Halos P300B dyan ang hinihingi ang pondo para sa Department of National Defense.
13:57Sa mahigit P10B naman na hinihingi ng confidential at intelligence funds, pinakamalaki ang mahigit P4B para sa Office of the President.
14:08Ito po ay bumaba from the GAA ng P1.35B or 11.18%.
14:24On the part of the House, we'll assess it.
14:26There are certain agencies and offices that are allowed to have confidential intelligence funds based on necessity.
14:33Walang hinihinging confidential funds para sa Office of the Vice President, pero mas mataas ang total allocation para sa opisina kumpara sa 2025 budget nito.
14:45Halos P240B ang hinihingi para sa agrikultura, kasama ang P10B para sa P20 kada tilong bigas.
14:54Sa P227B namang hinihinging budget para sa social welfare, hindi nakasama ang ACAP o ayuda para sa kapos ang kita.
15:04May natitira pa pong pondo for 2025 and like I mentioned a while ago, we received a total of P10T na proposal from agencies.
15:17And given our limited fiscal space, hindi pa po muna natin siya sinama.
15:25We will open the bicameral conference committee on the budget to the public and to the media.
15:31Habang nagkakaroon ng budget briefing, magkakaroon din tayo ng, tawag ko dito, hearing with budget experts and civil society organizations.
15:41Pwede silang mag-suggest, no?
15:43Para may sapat na panahong suriin ang budget, inurong ang pag-adjourn ng Kongreso mula October 3 patungong October 10.
15:52At kasunod ng utos ng Pangulo na huwag nang baguhin ang hinihingi budget ng Ejecutivo.
15:58That is a mutation of the NEP or that has become too far off from the NEP.
16:03As majority leader, I won't allow that.
16:04In the coming weeks, we will review every page of the NET Expenditure Program guided by one question.
16:12Makakabuti ba ito sa ating mga kababayan?
16:15Nanawagan na rin ang Pangulo na madalikin ang pagpasa sa panukalang budget.
16:20Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez ang inyong saksi.
16:25Ilang bahagi ng Mindanao ang binaha dahil sa malakas na pagulan at tila naging dagat ang connecting roads sa dalawang purok sa barangay Poblasyon, Polomolok, South Cotabato.
16:38Pansamantala itong isinara.
16:41At sa ilang barangay naman, sa mga bayan ng Tugunan at Malidagaw na bahagi ng Special Geographic Area sa Barm,
16:49ilang bahay ang nalubog sa tubig.
16:51Binaharin ang ilang bahagi ng General Santos City.
16:56Arestado ang apat na suspect sa car napping sa Batangas.
17:00Natuntun sila sa talyer na ginagawa umunong pronta ng kanilang iligal na operasyon.
17:06Saksi, si John Consuta, exclusive.
17:10Sa hot pursuit operation ng Santa Tomas, Batangas Police,
17:14natuntun gamit ang kanilang aerial drone ang hinahanap na ninakamunong FB van na nakakubli sa gitna ng matataas sa damo.
17:23Ayon sa mga polis, nasa likod ng talyer ng mga suspect ang katayan umano ng mga nakaw na sasakyan.
17:29With the use of that drone, in-score natin yung area.
17:33And that led to the discovery nung isang area kung saan nila sinachop-chop itong mga car-nap vehicles na ito.
17:45Nang pasukin na ng pulisan lugar, may nakita pa silang ibang sasakyan.
17:50Bukod po dun sa car-nap vehicle sa Santo Tomas City,
17:54ay meron pa rin pong isang naabutang kami doon na L300 ba na nakatay na or na-chop-chop na.
18:00Ang modus po nila, sila po ay mag-iikot sa isang area at kapag may namataan sila na potential target,
18:07ay yun po, pupuhanin ng leon and then dadalhin doon sa may talyer.
18:12At yun po ang front nila, talyer.
18:14Arestado ang apat na suspect.
18:17Naka-inquesta sila sa reklamang paglibag sa Anti-Carnapping Act.
18:21Sinusubukan namin silang kunan ng pahayag.
18:23Nagsasagawa na ng follow-up operation ng pulisya sa iba pang posibleng kasabwat ng grupo.
18:28Para sa GMA Integrated News, John Konsulta, ang inyong saksi.
18:33Isa po sa mga kinilala bilang Men Who Matter 2025,
18:45ang Asia's multimedia star na si Alden Richards.
18:48Thankful si Alden sa parangal na ito ng Lifestyle Magazine na People Asia.
18:55Sarap lang sa pakiramdam kasi parang nagbubunga lahat ng yung mga works ko behind the camera.
19:04Bukod sa banibagong pagkilala, achievement unlocked din para kay Alden
19:08ang kauna-unahan niyang pagsali sa gravel cycling race nitong weekend.
19:13Proud niyang natapos ang 71-kilometer ride.
19:19Mga kapuso, maging una sa saksi.
19:21Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended