Skip to playerSkip to main content
[insert METADATA]


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Transcript
00:00Magandang tanghali po!
00:09Oras na para sa maiinit na balita.
00:23Balitang hype!
00:24Suriin pong maigi ang mga taong pagkakatiwalaan natin sa ating mga anak.
00:34Sa Quezon City nga po, isang batang tatlong taong gulang ang nakidnap ng mismong kasambahay nila.
00:40Nanghingi pa ng ransom ang suspect na halos dalawang taon nang namamasukan sa biniktima niyang pamilya.
00:45Kung paano nasa kipang bata tutukan sa balitang hatid ni James Agustin.
00:49Napayakap na mahigpit sa kanyang ate habang umiiyak ang tatlong taong gulang na batang babae.
00:57Matapos siyang mailigtas mula sa kasambahay nilang kumidnap sa kanya sa Quezon City.
01:01Sa imisigasyon ng polisya, linggo ng gabi nang isama ng kasambahay ang bata para daw pumunta sa kabilang bahay.
01:07Itong kasambahay na almost 2 years na naninilbihan doon sa ating complainant,
01:15nagpaalam na kukuha siya ng gamot sa adjacent house nila.
01:23So pumayag naman itong complainant kasi siyempre kasambahay nila kasama yung 3 years old na bata.
01:36Lumipas daw ang halos tatlong oras pero hindi na bumalik ang dalawa.
01:40Doon na nagreport ang mga magulong ng bata sa masambong polis station.
01:44Ang kasambahay nagpadala ng mensahe sa kapatid ng biktima at humihingi ng ransom na 150,000 pesos.
01:50Sa palitan ng mensahe sa messaging app, nagpadala pa ang kasambahay ng larawan ng bata.
01:55Humiling din siya na ipakita ang perang na pagkasundoan at dalhin ang kanya mga gamit.
01:59Yung kasambahay kasama yung bata, nagpunta ng PITX actually sa may Paranaque.
02:07Pagdating ng Paranaque, parang nakapag-isip, sumakay ng taxi, nagpahatid doon sa may Cubao, sa isang terminal doon.
02:17So nung makita na sarado yung terminal, nagpahatid naman itong suspect natin kasama yung bata.
02:26Dito siya may Edsa Muñoz.
02:27Sa follow-up operation, inareso ng polis siyang 24 anyo sa babaeng kasambahay sa Fernando Poo Jr. Avenue kung saan nangyari ang transaksyon.
02:36Nabawi sa sospek ang bug na naglalaman ng perang ginamit sa operasyon.
02:40Pagdating sa polis station, positibo siyang kinilala ng mga magulang ng bata.
02:44Nakakulong na ang sospek na sinampahan ang reklamong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code para sa kidnapping for ransom.
02:50Aminado siya sa nagawang krimen dahil sinisigil na raw siya ng kanyang mga pinagkakautangan.
02:55Ginawa ko po. Kailangan ko po kasi ng pera. Pambayad po sa yung naoperanto ako.
03:04Paalala naman ang mga otoridad sa publiko.
03:06Dapat surein nilang maigi. As much as possible, maghingihingan nila yung kasambahay ng NBI clearance o PNP clearance.
03:20Tapos barangay clearance. Para as much as possible, meron ka yung panghahawakan na records.
03:27James Agustin nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:31Para sa mga sumasakay po ng LRT at MRT, magkakaroon na raw ng dagdag na supply ng mga beep card ayon sa Department of Transportation.
03:42Mas pinadaling na rin ang pag-avail ng discount ng mga estudyante at vulnerable sectors.
03:47Detali tayo sa ulit on the spot ni Joseph Moro.
03:50Joseph?
03:50Yes, Connie. Good news sa mga estudyante, mga person with disability at mga senior citizen natin na mga sumasakay ng LRT at MR3.
04:03Magkakaroon na kayo ng unique at dedicated na discount cards para mas madali nyo na na maklaim yung inyong mga discount.
04:12Kung dati, Connie, ay kailangan pang pumila ng mga estudyante sa mga teller para magpalista o magfill out ng mga form para makakuha ng 50% nilang discount.
04:23Simula ngayong araw ay kailangan nyo na lamang ipakita yung inyong mga ID sa mga teller para sila na yung magre-record na nag-avail kayo ng discount.
04:31Pero sa September, next month, ay mas padadaliin pa yan.
04:35Ipinakita kanina na DOTR Secretary Vince Disson ang mga ilalabas na discount cards para sa mga estudyante, PWD at mga senior citizen.
04:45Isang beses lamang kayong mag-a-apply sa kahit anong stasyon ng LRT1, LRT2 at MRT3 station.
04:53At doon din ay agad-agad na ipiprint ang inyong discount card na may pangalan pa ninyo.
04:59Isang taong magiging valid yung discount card para sa mga estudyante at i-renew lamang ito sa panibagong school year.
05:07Ganon din naman yung magiging sistema sa mga PWD at senior citizen pero hindi na kailangan na i-renew ito.
05:13Ininunsyo rin ang DOTR itong kumpanyang AF Payments Incorporated na magkakaroon na ng 300,000 na bagong mga beep cards hanggang sa susunod na linggo.
05:22Ito ay sagot sa mga inireklamong kakulangan ng mga beep cards.
05:26Nagbabala ang DOTR sa mga nungho-hoard at ilegal na nagbebenta ng mga ito.
05:32Makikipagtulungan na raw ang ahensya sa mga online selling platforms para ipasara ang mga ito.
05:37Samantala, Connie ininunsyo din ang DOTR na panghabang buhay na na-revoke yung lisensya, yung driver's license,
05:45nung driver na nag-counterflow sa Skyway.
05:47Ayon kay DOTR Secretary Vince Disson, ito ay matapos itong umamin na lasing siya nung mag-counterflow siya sa Skyway.
05:55Bukod dyan, ay sasampahan din ang reklamong paglabag sa Anti-Drunk Driving Act o Republic Act 10586,
06:03ang nasabing driver na sumikot kahapon ng hapon sa pagdinig ng Land Transportation Office, Connie.
06:08Marami salamat, Joseph Morong.
06:10Lalo pang lumakas ang bagyong goryo habang nalalapit na itong mag-landfall.
06:22Taglay na nito ang lakas ng hangin na aabot sa 155 kmph.
06:26Sa kabila niyan, sa southern Taiwan pa rin ang inaasahang landfall ng bagyo ano bang oras mula ngayon.
06:32Base sa 5 a.m. bulletin na pag-asa, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Itbayat, Batanes,
06:39habang signal No. 1 naman sa nalalabing bahagi ng probinsya.
06:43Tumutok po dito sa balitang hali para sa 11 a.m. bulletin.
06:46Dahil sa bagyo, maalon ngayon at delikado sa maliliit na sasakyam pandagat ang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes.
06:52Sa mga susunod na oras, magpapaulan na rin ang bagyong goryo sa Ilocos Norte, Apayaw at Cagayan.
06:59Hanging habagat naman ang nakaapekto sa Memaropa Region, Western Visayas, Negros Island Region,
07:06Zamboanga Peninsula, Barm, Soxargen, Camarinesur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
07:15Dito naman sa Metro Manila, tinatpagpanig ng bansa.
07:17Inaasang magiging maayos ang panahon, pero posibli pa rin ang mga local thunderstorms, lalo na mamayang hapon o gabi.
07:26Nahulikam ang pagtama ng mga dust devils sa Tacloban, Leyte.
07:30Sa cellphone video ng isang netizen, nakikita po ang tila puting usok na paikot-ikot sa gitna ng kalsada sa barangay Baggakay.
07:39Kwento po ng uploader tatlong dust devils ang nakuhanan niya sa parehong lugar.
07:45Ayon sa weather specialist ng pag-asa Visayas, kadalasang nabubuo ang dust devils tuwing mainit ang panahon at hindi pantay ang pag-init ng lupa.
07:55Maangat po ang anilay, nabubuo ang pockets of warm air at habang umiikot ito, inihigop nito ang mga alikabok.
08:02Dagdag pa ng pag-asa, maaring umabot ng 60 kilometers per hour ang intensity ng dust devils.
08:07Paalala ng ahensya sa publiko, mas mabuting lumayo kung may makitang dust devils para iwas disgrasya.
08:22Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
08:26Nauwi po sa trahedya ang biyahe ng isang van sa bahagi ng Central Luzon Link Expressway sa Tarlac City.
08:33Chris, ano ang detalye?
08:34Connie, lima ang patay at siyam ang sugatan matapos na bumanga ang sinasakyan nilang van sa metal fence ng Expressway.
08:47Base sa investigasyon, galing ng Kalooka ng van at papuntang Kabanatuan, Nueva Ecija.
08:53Nawalan daw ng kontrol ang driver sa manibela sa bahagi ng barangay Balincanaway, kaya ito bumanga sa metal fence at sumadsad sa gilid ng kalsada.
09:01Wasak ang harapang bahagi ng van. Inaalam pa kung ano ang sanhinang aksidente.
09:07Sa paunang investigasyon, lumalabas na self-accident ito o walang sangkot na iba pang sasakyan.
09:14Aristado naman ang dalawang dalaking nagnakau-umano sa isang resort inn sa Trece Martires, Cavite.
09:20Batay sa deskoso ng pulisa, nagpanggap na customers ang mga sospek para makapasok sa resort inn sa barangay De Ocampo.
09:27Agad silang nanutok ng baril, pinatayang ilaw sa lobby at saka naghalughog sa resort inn.
09:33Nakuha ng mga kawatan ng halos 3,000 pisong pera sa kaha, dalawang cellphone at ilang construction equipment.
09:40Pagkatapos, dinala-umano ng mga sospek ang naka-duty na kahera sa kusina at doon nangyari-umano ang panggagahasa.
09:48Sa isinagwang backtracking ng pulisya, naaresto ang dalawa na positibong kinilala ng biktimang kahera.
09:54Walang pahayag ang mga sospek na maaharap sa reklamong robbery with rape at illegal possession of firearms.
10:01Wala rin pahayag ang may-ari ng resort inn.
10:03Nag-ahanda na ang Department of Foreign Affairs ng Panibagong Diplomatic Protest kasunod ng paghabol ng mga barko ng China sa barko ng PCG sa West Philippine Sea.
10:14Paniwala ng AFP may intensyon talagang mangbangga ang mga barko ng China.
10:19Balita ng atin ni Chino Gaston.
10:24Pinsir move ang sinubukang gawin ng China Coast Guard at People's Liberation Army Navy ng China ayon sa Philippine Navy.
10:32Pero, imbis na maipit ang barko ng PCG, nagbangga ng dalawang barko ng China.
10:39Sabi ng PCG, lubhang deligado kung ang BRP Suluan ang napuruhan ng mga barko ng China.
10:4644 meters lang ang BRP Suluan, kumpara sa 90 meters na haba ng CCG vessel at 135 meters na haba ng barko ng plan.
10:54You can just imagine the impact kung sakaling ang maliit na barko natin.
11:01I don't want to speculate that the real intention of the PLA Navy warship was to intentionally ram the Philippine Coast Guard vessel.
11:10I still stick with our initial assessment na there was only a miscalculation on the part of the PLA Navy warship kung kaya't nagkaroon ng collision.
11:22Si AFP Chief of Staff General Romeo Bronner Jr., kumbinsidong balak talaga ng mga barko ng China na banggain ang BRP Suluan.
11:32Kitang-kita doon yung aggressive na tactics ng China. Ang assessment natin doon ay yung PLA Navy ship ay talagang ang pakay niya, ang objective niya ay i-ram yung ating Philippine Coast Guard.
11:49Pag-uusapan daw ng AFP kung ano ang susunod na hakbang ngayong warship-anila ng China ang gamit para mangaras sa West Philippine Sea.
11:59Kasalanan nila yun. Kasalanan nila yung nangyaring yun. Sinasabi nila na tayo daw ang nanggugulo doon sa West Philippine Sea pero kitang-kita natin doon sa nangyari na sila mismo ang nanggugulo.
12:13Because they continue to claim Bajo de Masinloc or Scarborough Shoal as their own territory. Hindi naman tayo pwedeng pumayag dyan.
12:21Ang Department of Foreign Affairs ilihahanda ang proseso ng paghahain ng diplomatic protest dahil sa panibagong insidente ng panghaharas.
12:31We are of the view that there should be, this is a situation whereby we have to be more careful that we still go back to the process of whereby diplomatic dialogue and discussions will be best for the situation.
12:48Are we going to summon the Chinese ambassador in Medela?
12:51I think there has been a process but we're still rethinking the whole issue. We are not yet.
12:57Nababahala raw ang DFA sa delikadong pagmamaniobra ng mga barko ng China at pangaharang umano nila sa pagbibigay ng tulong sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.
13:08Pinuri rin ang DFA ang pag-aalok ng PCG ng tulong sa barko ng China.
13:14Ang crew ng BRP Suluan kinilala rin ang PCG, partikular ang kapitang si Joe Mark Angge.
13:20Ilang diplomat din ang kumundi na sa anilang delikadong mga hakbang ng Chinese ships gaya ni U.S. Ambassador Mary Kay Carlson.
13:28Ang foreign ministry ng China isinisisi sa Pilipinas ang insidente at hinimok na tigilan na raw ang paggawa ng mga aksyong nag-uudyok ng gulo.
13:37Tugod dito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro.
13:40I'm already tired of contradicting, you know, and I don't want to answer a blatant lie and glorify it.
13:54And everybody knows the truth, really. Why will we pick a fight? That's what the President said.
14:00Who in his or her right mind will initiate a conflict when you are a smaller country?
14:08Common sense, unless they don't have any.
14:10Ayon sa PCG, umuwi muna sa Maynila ang BRP Suluan dahil limitado ang fuel at supplies nito.
14:16Sa ngayon, BRP Teresa Magbanwa ang nakaposisyon malapit sa Bajo de Masinloc.
14:21Kinumpirma ng Philippine Navy, may Navy warship ang Pilipinas malapit sa lugar noong nangyari ang gulo sa Bajo de Masinloc.
14:28Natanong ang Navy kung hindi pa ba sapat ang pagsali ng Chinese warship para makialam at mamagitan ang Navy warships ng Pilipinas.
14:38Sagot ng Philippine Navy, may rules of engagement na sinusunod.
14:41Ang pwersa pwede lang gamitin for self-defense at depende sa judgment ng ground commander.
14:46All the rules of engagement are bound by international law, within the bounds of international law and domestic law.
14:51Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:00Sinampal at sinuntok ng babaeng iyan ang 14-anyos na lalaki naglalaro sa isang computer shop sa barangay Tumaga sa Sambuanga City.
15:08Bago ang insidente, kinumpronta na raw ng babae ang binatinyo.
15:12Nagtamo ng bukol sa ulo ang bata.
15:14Batay sa investigasyon, gumanti ang babae dahil sinaktan o mano ng binatinyo ang kanyang anak.
15:19Ayon sa barangay, under probation ang babae dahil sa mga kaso ng pananakit at pagbabanta bago pa mangyari ang insidente.
15:27Disididong magsampan ng reklamo ang magunang ng binatinyo laban sa babae na kanila ring kapitbahay.
15:33Hawak na ng pulisya ang babae na nagsabi raw na hindi niya nakontrol ang kanyang emosyon kaya nakapanakit.
15:39Disidid na raw ang pamilya ng biktima na magsampan ng reklamong child abuse.
15:46Ninakaw ang motorsiklo ng isang babae sa San Mateo Rizal.
15:49Ang isa po sa mga sospek ay ang dating boyfriend ng biktima.
15:54Balitang hatid ni EJ Gomez.
15:57Sa kuha ng CCTV sa barangay Silangan sa San Mateo Rizal, pasado alauna ng madaling araw nitong lunes,
16:08kita ang dalawang lalaking naglalakad.
16:11Kasunod nila ang isang van na pumarada.
16:15Kita rin ang isang babaeng naglalakad.
16:17Maya-maya, bumaba ang driver ng van at binuksan ang pintuan ng sasakyan.
16:22Hindi na nahagip sa video, pero isinakay na umano nila ang motorsiklong nakaparada sa labas ng isang bahay.
16:30Ayon sa 22 anyos na babaeng may-ari ng motorsiklo,
16:34alas 7 ng gabi nang mapansin nilang nawawala na ang motor.
16:38Nang ni-review po yung CCTV, nakita namin na there is two guys na tinuturo yung motor namin.
16:45Pati naglalakad, may isang babae din na naglalakad.
16:48Then ilang minutes eh, matagal nilang sinakay.
16:50Ang motorsiklong nasa loob ng van, kumpirmadong pagmamay-ari ng biktima base sa plaka nito.
16:57Nakumpirma rin niya ng isang residente na nakakita raw sa pangyayari.
17:02Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumabas na isa sa mga sospek ay dating kasintakan ng biktima.
17:08Hinala niya, may kinalaman ang pagnanakaw sa hindi raw niya pagpapahiram ng motorsiklo sa dating nobyo.
17:15So, last Friday po kasi, nag-detect siya sa akin na hihiramin niya daw yung motor.
17:20Pero ako, I highly disagree kasi wala naman na kami and bakit pa niya hihiramin.
17:25Noong nag-brake na kami, may utang siya.
17:28Originally, it's 100 plus.
17:30I'm 140.
17:31Tapos, noong nag-brake na kami, half nun is paid na while nun kami.
17:35Tapos, yung half nun, hindi pa.
17:37Sabi ko yung motor ownership natin, akin na fully own.
17:39Para, fully paid ka na. Kasi break naman na tayo para wala tayong connection at all.
17:45Pinagharap ang biktima at kanyang ex-boyfriend sa San Mateo Police Station.
17:49Aminado ang lalaki na sinubukan niyang hiramin ng motorsiklo.
17:53Pero di raw niya ito ninakaw.
17:55Nag-try lang po ako hiramin kasi wala po kong mahanapan nun.
17:59Noong hindi naman po siya pumayag, okay lang sa akin.
18:02Noong minahiraman naman na po ako, hindi naman na po ako nag-chat ulit.
18:06Ayon sa biktima, kasama ng sospek ang kanyang kuya at live-in partner nito sa pagnanakaw base sa kuha ng CCTV.
18:15Itinanggi ito ng sospek.
18:17Hindi ko po talaga alam kung sino.
18:19Kasi matatawa ko kung ako ba talaga yun, kung kamukha ako.
18:25Wala rin po, hindi rin po talaga kamukha ni kuya eh.
18:28Eh wala rin naman kaming ganung oras na makahanap kami ng ganung sasakyan.
18:33Eh may trabaho kami.
18:35Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at ang pagtutun sa tatlo pang sospek sa krimen.
18:43Naka-detain ang ex-boyfriend ng biktima sa San Mateo Police Station.
18:47Posible siyang maharap sa reklamong paglabag sa new anti-carnapping law.
18:52EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
18:56Mga mare, kapuso pa rin si Rian Ramos.
19:06Bago ang kanyang 20th year sa Kapuso Network, all smiles na pumirman ng kontrata si Rian.
19:13Pinangunahan niya ni GMA Network President and CEO Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong.
19:24Officer in charge for the Entertainment Group and Vice President for Drama, Cheryl Ching C.
19:29At manager ni Rian na si Michael Uycoco.
19:33Dumating din si GMA Senior Vice President Attorney Annette Gozon Valdez to witness the contract signing.
19:39Ilan sa mga tumatak na shows ni Rian ang Lalola, Illumina, Stairway to Heaven, The Rich Man's Daughter, Royal Blood, Pulang Araw at ang ongoing ng Encantadia Chronicle Sangre kung saan gumaganap siyang si Metena.
19:58All of the officers of the network are my family and this network has even seen me at my worst.
20:06So, for me, it's such an honor to be able to promise the network that I'm going to give them nothing but my best from now on.
20:17Nagpapasalamat tayo. You know, the loyalty is so deeply appreciated.
20:24Yung kanyang walang patid na pagtitiwala sa GMA and well, how she's evolved into very fine, one of the finest actresses of her time.
20:35I am so happy for Rian and hope she continue to flourish yung karira with GMA and we're behind her.
20:44I've seen her growth as an actress. In fact, she's one of our best actresses now, diba?
20:49Napakagaling niya, napakatalented. And I'm very, very happy na she has stayed with us all these years.
20:56Sa ibang balita, dati nang nadawit sa ilang kontrobersiya ang isa sa mga contractor ng flood control projects ayon sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research.
21:08Ilang kilalang personalidad naman ang iniuugnay sa iba pang contractor, kabilang si Senate President Cheese Escudero na pumalag sa anyay malisyosong pagdawit sa kanya.
21:18Balitang hati ed ni Maki Pulido.
21:48Nang mahigit 10 bilyong piso.
21:50Basen sa pagsasaliksik ng GMA Integrated News Research, dati nang naugnay sa ilang kontrobersya ang SunWest Incorporated.
21:582012, nagsitahin ang COA ang isa sa kanilang mga proyekto.
22:02Lumabas kasi na bitin ng higit 2,000 square meters ang lapad ng kasadang kanilang ginawa,
22:08kontra sa nireport nitong accomplishment sa DPWH.
22:11Napuna rin sila noon ng Senado.
22:14Bakit daw isang construction company ang supplier ng PSDBM para sa Protective Personnel Equipment o PPE noong 2020 at 2021 sa kasagsagan ng pandemya?
22:26SunWest Construction and Development Corporation o SCDC pa ang pangalan nila noong mga panahon yun.
22:32Lumabas din ang pangalan ng SCDC bilang supplier ng umunay overpriced at outdated na laptop sa DepEd sa 2022 audit ng COA sa PSDBM.
22:41Dating incorporator ng SunWest pero nag-divest na umano si Ako Biko Partylist Representative Elizalde Ko.
22:48Sinusubukan pa namin kunin ang kanyang pahayag.
22:50Mahigit siyam na bilyong piso naman ang nakuha ng Legacy Construction Corporation para sa 132 projects.
22:57Pinakamarami ito sa listahan.
22:59Pinuntahan namin sa Pasig City ang nakuha naming office address nito pero sinabi ng security guard na lumipat na ang legacy bago mag-COVID pandemic noong 2020.
23:09Mahigit 7 bilyong piso naman ang nakuhang proyekto ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation.
23:16Pareho ang office address ng Alpha and Omega sa St. Timothy Construction Corporation na na-awarda naman ng mahigit 7 bilyong pisong flood control project.
23:26Pero sa labas ng office address ng dalawa, St. Gerard Construction ang nakalagay na pangalan.
23:32Sa pinakahuling general information sheet ng Alpha and Omega, si Sarah Diskaya ang nakalagay na presidente.
23:38Nito lang nagdaang eleksyon, nakalaban siya ni Pasig City Mayor Vico Soto sa pagkaalkalde ng lungsod.
23:45Nang makapanayam noon ng GMA Integrated News, ang asawa ni Sarah na si Pasifiko Diskaya, sinabi niyang dati silang shareholder ng St. Timothy pero nag-divest na raw sila rito.
23:54Nang upahan rin daw dati sa kanilang building ang St. Timothy pero umalis na ito.
23:59Ang St. Timothy ang nag-pull out na venture partner ng Miro Systems para sa 2025 automated elections.
24:06Sinusubukan pa naming hingin ang kanilang mga pahayag.
24:10Halos 8 bilyong piso naman ang na-award sa EGB Construction Corporation.
24:15Git ng kumpanya, quadrupo A status ang kanilang construction company dahil may integridad ang kanilang kumpanya.
24:22Maayos po ang aming trabaho. Tumutupad po kami sa lahat ng plans and specification.
24:28Nasa listahan din ang Center Waste Construction and Development, Inc. na nakakuha ng mahigit 5 bilyong pisong halaga ng flood control projects.
24:37Inamin ni Senate President Cheese Escudero na kaibigan niya ang presidente nitong si Lawrence Lubiano.
24:42Pero inalmahan niya ang isinama sa isang news report na si Lubiano ang pinakamalaking donor ni Escudero noong 2022 elections.
24:50Matagal ko ng kaibigan at kakilala siya at tumutulong talaga sa amin.
24:55Mula't mula pa nung hindi pa iso to at tubong sarusagon talaga siya.
24:59Bagaman walang sinabi ang artikulong ginawa kong mali yung masama.
25:03Yung insinuation, yung inuendo, nandun pa rin for the record.
25:07Wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work,
25:11pag-bid, pag-award, pag-bahay, pag-payad, pag-inspeksyon ng anumang proyekto sa pamahalaan.
25:17Pag-didiin pa ni Escudero, 1% lang ng P550 billion na halaga ng flood control projects
25:25ang nakuha ng center waste construction.
25:27Bakit pinagtuunan ang pansin yun?
25:29Yung 1% pa talaga, hindi yung 99%?
25:33Bakit natin hindi tingnan?
25:34Sino ba yung mga mambabatas at opisyal na gobyerno na aktwal na kontraktor,
25:38aktwal na may-ari noong mga kumpanya na nakakuha ng kontrato sa gobyerno?
25:45Sinusubukan ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Lubiano at ng center waste construction.
25:52Tingin ni Escudero, bahagi ito ng umano'y demolition job sa kanya
25:55ng mga nagtutulak sa impeachment ni Vice President Sara Duterte
25:59at taga-kamera umano ang nasa likod nito.
26:02Tila nagkakatutunan, sinabi ko nitong mga nagdaang linggo
26:05na merong demolition PR job na nakatuon laban sa akin
26:08at tulad ng babala na isang kapwa ko senador
26:13na ito'y gagawin upang tiyake na maalis ako sa pwesto
26:17at ng pag-final muli daw yung impeachment
26:19ay wala na ako dito pagdating ng February 6.
26:23Sagot ni House Deputy Speaker Antipolo Representative Ronaldo Puno.
26:26Yung demolition job, siguro bangitin niya kung sino specifically
26:30para magkaayos-ayos na sila.
26:32Masama yung pagka-blanket na sinisiraan ako dito sa Kongreso.
26:36Eh lahat kami tinatamaan eh, kaibigan ko si Sen. Chis eh.
26:40Kapati ba ako na damay na naman dyan sa akosasyon na yan.
26:43Hinihinga namin ng pahayag si House Speaker Martin Romualdez.
26:47Pinasisilip na ng Pangulo ang tinawag niyang disturbing
26:50na pagkaka-corner ng ilang kumpanya sa mga proyekto.
26:54Ang DPWH-NCR kumpiyansa raw na walang sabit ang kanilang flood control projects.
26:59Malaki yung improvement kasi although nagbaha sa ibang areas,
27:03mabilis yung pagbaba niya.
27:05May mga areas din naman po na dating binabaha na ngayon hindi na.
27:09Ayon kay Roland Simbula ng Center for People Empowerment in Governance o SENPEG,
27:13paborito kanyang gatasan ang mga flood control project.
27:17Mahirap kasing ni-monitor ito precisely because they are not so visible.
27:22We can only test their effectiveness and efficiency or what is deficient about them
27:29when the flood is already there.
27:31Bagaman walang inihahalimbawa, kabilang anya sa ginagawa ng iba,
27:35ang pagbibigay ng campaign fund.
27:37They invest in politicians, tapos yung politicians are expected
27:41to provide them with the contracts that they want to corner.
27:47Si DPWH Secretary Manny Bonoan aminadong may hamon sa pagberipika ng mga ipinatutupan na proyekto.
27:53Well, we are doing our best actually to monitor.
27:56But once again, the challenge is actually to verify them actually in the field.
28:01Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
28:06Itinanggi ni House spokesperson Attorney Princess Abante na may kinalaman ng kamera
28:10sa sinasabi ni Senate President Chisis Codero na anyay demolition job laban sa kanya.
28:18Kami na naman po ba? Kami na naman po? House na naman po?
28:22Siguro maganda mapangalanan po kung sino yung tinutukoy niya
28:26kasi napakarami po members ng House.
28:28Sa panayam ng unang balita, sa unang hirit, sinabi ni Abante na mahirap sisihin ang buong kamera.
28:34Hindi raw trabaho ng kamera na magsimula ng away laban kanino man.
28:39Sa pagsabi ni Escodero na kabilang ang mga nagtutulak sa impeachment
28:42kay Vice President Sara Duterte sa mga nasa likod umano ng anyay demolition job,
28:46sagot ni Abante, walang personal na layunin ang mga mambabata sa impeachment
28:50kundi pananagutan lamang.
28:58Mainit na balita, may wind signals pa rin nakataas sa Batanes dahil po sa Bagyong Goryo.
29:04Base sa 11am bulletin ng pag-asa, signal number 2 pa rin sa bayan ng Itmayat
29:09habang signal number 1 naman sa iba pang bayan sa Batanes.
29:14Namataan ang mata ng bagyo, 160 kilometers hilaga ng Itmayat.
29:19Lumakas pa ang Bagyong Goryo na ngayon ay may lakas ng hangin
29:22na abot sa 155 kilometers per hour.
29:28Samantala, patay ang babaeng empleyado ng isang gadget shop sa Cabuyao, Laguna.
29:34Natangay rin ng suspect ang libu-libong halaga ng cash at cellphone.
29:39Balitang hatid ni Jomer Apresto.
29:44Nakabulagta at wala ng buhay.
29:46Ganyan na datnan ang kanyang mga katrabaho si Elias Jona
29:48sa loob ng isang gadget store sa barangay Mamatid, Cabuyao, Laguna
29:52nitong lunes ng umaga.
29:54Ang 27-anyos na biktima, pinagsasaksak ng isang lalaki
29:58na nanloob umano sa kanilang tindahan.
30:01Ayon sa polisya, magbubukas pa lang noon ang tindahan
30:04ng sumalisirawang salarin.
30:06Natangay nito ang nasa halos 30 piraso ng cellphone
30:09na tinatayang nagkakahalaga ng 92,000 pesos
30:12at mahigit 21,000 pesos na cash.
30:15Nagkaroon po siya ng tatlong saksak sa kanyang katawan
30:18isa po sa leg, sa balikat at sa kanyang stomach.
30:22Nagawa pa raw makatawag ng biktima sa kanyang manager
30:24para ipaalamang nangyari.
30:26Makalipas lang ang ilang minuto,
30:28hindi na raw sumasagot sa tawag si Elias Jona
30:31ayon sa manager.
30:33Rumespondi ang mga otoridad at isinugod pa siya sa ospital.
30:36Pero hindi na siya umabot ng buhay.
30:38Hindi po agad-agad siyang makikita ng mga dumadaan doon
30:43na ibang tao dahil nakasara po ng kalahati
30:45ang roll-up door ng tindahan
30:48at saka busy area din po yung lugar na yon.
30:52Hindi po basta-basta maririnig ang kanyang sigaw.
30:55May person of interest na ang polisya.
30:57Isang pribadong CCTV pa ang nakuha nila
31:00kung saan makikita ang isang lalaking sakay ng tricycle
31:03na umano'y umaaligid sa lugar ilang minuto bago ang krimen.
31:07Nakita siya uli sa CCTV na may dala ng echo bag
31:09sa sidecar ng tricycle
31:10na sinasabing pinaglagyan ng mga cellphone.
31:13Narecover na ng polisya ang tricycle
31:15na pagmamayari raw ng kapatid ng person of interest sa kaso.
31:19Lumalabas sa investigasyon na mag-iisang linggo pa lang
31:21sa kabuyaw ang lalaki
31:23at nagpaalam sa kanyang kuya na hihiramin ang tricycle.
31:26Sabi naman ang barangay,
31:28mag-iisang linggo pa lang din na nagbukas ang gadget store.
31:31Wala rin daw silang CCTV doon.
31:33Magpaproject po kami ng CCTV po
31:35sa lahat po ng execute point po
31:38ng aming nasasakupang barangay.
31:40Patuloy naman ang follow-up operation ng otoridad
31:43para mahuli ang salarin.
31:45Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
31:49Ito ang GMA Regional TV News.
31:56Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao hatid ng GMA Regional TV.
32:00Binarim ng riding in tandem ang isang school principal
32:03sa harap ng isang paralan sa Midsayap, Cotabato.
32:06Cecil, kumusta yung biktima?
32:08Rafi, nagpapagaling na ang biktima
32:12na nagtamu ng tama ng bala sa katawan.
32:14Batay sa investigasyon,
32:16sakay ng kanyang sasakyan ng biktima
32:17nang dumating ang mga salarin at magpaputok.
32:21Principal sa Agricultural Elementary School
32:23ang biktima.
32:24Patuloy ang investigasyon sa motibo ng krimen
32:27at paghanap sa mga sospek.
32:29Kinundi na ng Department of Education ang krimen
32:32at sinabing hindi lang itong pag-atake sa principal
32:34kundi sa pagiging safe zone ng mga paaralan.
32:38Nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad
32:40para sa agarang pag-aresto sa mga sospek.
32:44Sinagip ang limang stranded na tao
32:46sa Tumalaong River sa Baungon, Bukidnon.
32:50Nakalambitin sa lubid ang babaeng yan
32:52habang hinahatak paakyat ng mga residente at otoridad
32:55sa barangay Lingating.
32:57Naliligo at naglalabaraw ang mga biktima
33:00nang biglang tumaas ang level ng tubig ng ilog
33:03at nalubog ang piraso ng lupa
33:05na dinaraana nila papuntang pampang.
33:08Mabuti na lang at agad tumawag ng tulong
33:10ang mga nakasaksi sa insidente.
33:12Ligtas at nasa mabuti ng kalagayan
33:14ang lahat ng nasagit.
33:16Ayon sa Baungon, MDRRMO,
33:19hindi naman umuulan noon sa ilog
33:21pero posibleng may mga pagulan daw
33:23sa mga kalapit na bundok.
33:27Buenel Tahan,
33:28ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro,
33:30si Vice President Sara Duterte
33:32sa kanyang paliwanag kung bakit siya
33:34bumabiyahe pa ibang bansa.
33:39Nagda-travel ako,
33:40lumalabas ako ng bansa
33:42dahil frustrated na
33:45ang Filipino communities abroad
33:47sa nangyayari dito sa ating bayan.
33:50Hindi po sagot
33:51ang pagbabiyahe
33:53para masolusyonan
33:54kung may problema man
33:56ang bansa.
33:57Sabi ni Castro,
34:00baka frustrated ang mga Pinoy
34:02dahil habang nagtatrabaho sa Pilipinas
34:03ang Pangulo,
34:04ang busy naman daw
34:05ay madalas may personal trip.
34:07Hindi nao trabaho
34:08ng vice-presidente
34:09na pumunta sa ibang bansa
34:11at siraan ang Pangulo.
34:13Sinusubukan pa namin
34:14kuna ng pahayag
34:15dito si VP Duterte.
34:17Itong lunas nang sagutin niya
34:18ang pagpuna
34:19sa kanyang
34:20pangingibang bansa.
34:22Hamon niya noon,
34:22dapat ilabas din
34:23ang mga mambabatas
34:24na kabilang sa mga bumatikos
34:26sa kanyang pagbiyahe
34:27ang datalya
34:28ng kanyang
34:29o kanilang mga biyahe.
34:31Ayon kay House Spokesperson
34:32Attorney Princess Avante,
34:34pwede itong gawin
34:35pero tututukan daw muna nila
34:37ang kanilang trabaho
34:38sa pagtugon
34:38sa mga problema
34:40sa bansa.
34:43Nagsagawa ng roadworthiness
34:44sa check
34:45sa mga pampubulko
34:46sa sakya
34:46ng Special Action
34:47and Intelligence Committee
34:48on Transportation
34:49ngayong umaga.
34:50Ang bawah sa sakya
34:51ang pinapara
34:51sa A. Bonifacio Avenue
34:53sa Quezon City
34:53ininspeksyon
34:55ng mga gulong,
34:56wiper,
34:56windshield,
34:57preno
34:57at mga ilaw.
34:59Sinek din ang lisensya
35:00ng driver
35:00maging ang prangkisa
35:01at rehistro
35:02ng sasakyan.
35:03Anin na driver
35:04at isang motorcycle rider
35:06ang natikita
35:06ng saik
35:07dahil sa mga nakitang
35:08paglabag.
35:09Gaya na isang jeep
35:10na nasita
35:11dahil sa isang
35:11pundidong brake light.
35:13Habang ang isang rider
35:14gumagamit
35:15ng substandard helmet
35:16at nakasuot lang
35:17ng chinelas
35:18habang nagmamaneho.
35:20Ang mga nakitaan
35:21ng paglabag
35:21kinupis ka ang lisensya
35:22at inisuhan
35:23ng temporary operators
35:24permit.
35:30Mga mares,
35:32Sparkle family
35:33is getting bigger.
35:35Kasunod yan
35:35ang contract signings
35:37ni na Chris Bernal
35:38at TJ Marquez.
35:39Mula sa kanyang
35:41starstruck fame
35:42noong 2006,
35:44nagbabalik
35:45as full-fledged
35:46Sparkle artist
35:47si Chris
35:48at humbled siya
35:49sa pagtanggap sa kanya
35:50ng Sparkle
35:51GMA Artist Center.
35:53Looking forward
35:54na rin siyang gumawa
35:55ng comedy projects.
35:57Si TJ naman
35:58ang kapuso network
35:59na ang naging tahanan
36:01sa big part
36:02ng kanyang showbiz career.
36:04Present sa contract signing,
36:05si GMA Senior Vice President
36:07Atty.
36:08Annette Gozon-Valdez
36:09at iba pang
36:10Sparkle officials.
36:14Very humbling.
36:15Kasi parang ako
36:16kasi nasa isip ko
36:17baka mommy na ako,
36:18baka hindi na rin ako
36:19tanggapin.
36:20At saka parang feel ko
36:21nagawa ko na lahat
36:22sa GMA.
36:23Very grateful ako
36:24kasi may nakikita pa sila
36:26sa akin,
36:27naniniwala pa rin
36:28sila sa akin.
36:29It feels so correct
36:30na makabilang
36:31sa pamilya ng GMA
36:33kasi sila yung
36:34naniniwala sa akin,
36:35nagbibigay sa akin
36:36ng project.
36:36So finally,
36:37I'm just so grateful talaga
36:39sa experience na ito
36:40at saka sa opportunity.
36:41I'm very excited for them
36:42kasi talagang nakikita ko
36:44yung drive sa kanila,
36:45iba yung mabibigay nila
36:46sa atin,
36:47sa GMA.
36:48So exciting talaga
36:49makita ko
36:50ano yung mapapakita nila.
36:51Huli ka amang tricycle na yan
36:57na nag-counterflow
36:57sa Dagupan, Pangasinan.
36:59Nakasalubong pa ito
37:00na isang tricycle
37:01na napilitang umiwas.
37:03Maya-maya,
37:03sumalpok ang tricycle
37:05sa nakasalubong na
37:06truck.
37:07Dead on arrival
37:08sa ospital
37:08ang driver ng tricycle
37:09dahil sa tinumong sugat
37:10sa katawan
37:11habang nagpapagaling naman
37:13ang sakay niya.
37:14Ayon sa investigasyon,
37:15napagalamang
37:16nakainom
37:17ang driver
37:17at sakay
37:18ng tricycle.
37:19Ligtas naman ang driver
37:21at pahinanti
37:22ng nakasalpukang truck.
37:23Tumagi silang magbigay
37:24ng pahayag.
37:25Sinusubukan po na
37:26ng pahayag
37:27ang pamilya
37:27ng nasawing tricycle driver.
37:31Ipinagutos
37:32ng Department of the Interior
37:33and Local Government
37:34na mag-deploy
37:35ng mga barangay tanod
37:36sa mga public school
37:37kasunod ng kabikabilang
37:39insidente ng karahasan
37:40sa mga paaralanan.
37:42Balitang hatid
37:42ni EJ Gomez.
37:47Alas 5 ng madaling araw
37:49na datna namin
37:50nagmi-meeting
37:50ang mga tauha
37:51ng barangay poblasyon
37:52dito sa Mandaluyong.
37:54Nagahanda sila
37:54para sa katilang deployment
37:56sa mga eskwelahan
37:57ngayong araw.
37:58Mag-aalas 6 ng umaga
37:59nagsimula silang
38:00mag-ronda
38:00sa dalawang paaralan.
38:02Ang Mandaluyong Elementary School
38:04at Mandaluyong High School.
38:06Naglabas kasi ng utos
38:07ang Department of the Interior
38:08and Local Government
38:09o DILG
38:10na kailangang magbantay
38:12ang mga barangay tanod
38:13sa mga pampublikong paaralan
38:14bilang dagdag siguridad
38:16sa gitna ng sunod-sunod
38:17na insidente
38:18ng karahasan
38:19sa mga eskwelahan.
38:21Pinatututukan din sa kanila
38:22ang pagmamando ng trapiko
38:23sa oras ng pasukan
38:24at uwian
38:25at pagpatrol
38:26sa paligid
38:27ng mga paaralan.
38:28Pinuntahan din namin
38:41ang barangay Addition Hills
38:42na may anim na paaralan.
38:44Mag-aalas 6 kanina
38:45nang magsimula
38:46ang mga tanod
38:46na magbantay
38:47at mag-monitor
38:48sa Andres Bonifacio
38:49Integrated School.
38:50Pag oras ng pasukan
38:52o oras ng labasan
38:54nag-monitor
38:55na kagad sila
38:56na magde-deploy
38:57ng mga tao
38:57sa mga bantay-bayan
38:59sa mga eskwelahan
39:00para maiwasan
39:01yung kaguluan
39:02sa mga eskwelahan
39:03sa estudyante
39:04dito sa Mandaluyong.
39:06Malaking bagay raw
39:07ang dagdag siguridad
39:08sa eskwelahan
39:08para sa tatay na si Mark
39:10na arawang hatid sundo
39:11sa anak
39:12na nasa grade 1.
39:13Safe na po kami
39:14as a parent
39:15na ma-iwanan namin
39:17yung mga anak namin
39:18sa school
39:19kasi may mga tanod
39:19at kami nagbabantay
39:21na hindi na po kami kabado.
39:23Ayon pa sa mga tanod
39:24ng ilang barangay
39:25sa Mandaluyong
39:25binabantayan din nila
39:27ang mga grupo
39:27ng mga estudyante
39:28o kabataan
39:29na nag-aabangan
39:30sa paligid
39:31ng mga eskwelahan
39:31na kadalasan daw
39:33ay nagsisimula
39:34ng mga away
39:35at bullying.
39:36EJ Gomez
39:37nagbabalita
39:38para sa GMA
39:39Integrated News.
39:41Ito ang GMA
39:43Regional TV News.
39:46Katay sa pamamaril
39:48ang isang lalaki
39:48habang natutulog
39:49sa gilid ng kalsada
39:51sa barangay Careta
39:52dito sa Cebu City.
39:53Ayon sa mga polis,
39:55posibleng may kinalaman
39:56sa iligal na droga
39:57ang krimen.
39:58Ilang beses na raw
39:59kasing naaresto
40:00ang biktima
40:00dahil sa droga.
40:02Batay sa investigasyon,
40:04nagpunta sa nasabing
40:05barangay ang biktima
40:06para magtago.
40:07Sa ginawang
40:07hot pursuit operation,
40:09naaresto ang isa
40:10sa mga sospek
40:11na positibong kinilala
40:12ng isang saksi.
40:14Sinusubukan pa siyang
40:15unan ng pahayag.
40:17Pinaghahanap naman
40:18ang isa pa niyang kasama.
40:23Anim ang arestado
40:24sa by-bus operation
40:25sa Bacoor, Cavite.
40:27Nakuha mula sa kanila
40:28ang dalawang sasay
40:29ng hinihinalang siyabu,
40:30drug parafernalia,
40:31improvised firearm
40:32na sumpak,
40:33granada at mga bala.
40:35Naharap ang mga sospek
40:36sa patong-patong
40:37na reklamo.
40:38Wala silang pahayag.
40:39Inaalam ng pulisya
40:40kung sangkot din
40:41ang mga naaresto
40:43sa iba pang reklamo.
40:47Sinalakay ang isang
40:48iligal na quarry
40:50sa Morong Rizal.
40:51Habang bestado naman
40:52sa Colambugan,
40:54Lanao del Norte
40:55ang isang truck
40:56na may dalang
40:57humigit-kumulang
40:58isang milyong pisong halaga
41:00ng iligal na tanso.
41:02Ang mainit na balita
41:03hatid ni John Consulta.
41:10Overloading,
41:10kalbong gulo
41:11at sirang side
41:12mirror lang
41:13ang dahilan
41:14kung bakit pinara
41:15ng PNP Highway Patrol Group
41:16ang isang truck
41:17sa Lanao del Norte.
41:19Nang kausapin na
41:19ang driver
41:20at pahinante
41:21na bistong
41:22may tinatago pala
41:23ang sakayin nilang
41:24container
41:24sa kanilang truck.
41:26Doon din po talaga
41:26na pag-alaman
41:27na wala po talaga
41:29silang pinangahawakan
41:30ng kahit ang papel
41:31at doon na po
41:32tumumbad
41:33itong 576
41:34na unprocessed
41:36coppers
41:37na nakalagay po
41:38sa mga sako.
41:39More or less
41:39mga nasa worth
41:401 million pesos.
41:42Ito pong kabuan po
41:43ito pong mga
41:44nahuli po
41:44ng yung PNPHPG.
41:46Nakikipagunayan
41:47sa DNR
41:48ang HPG
41:49para matukoy
41:49ang pinagmulan
41:50ng mga
41:51naharang na iligal
41:52na kargamento.
41:53Tatlo po
41:54ang nahuli po
41:56ng yung PNPHPG
41:57meron pong isa po
41:58na at-large
41:58or isa pong
42:00pahinante
42:01na pinaghahanap po po.
42:02Sila po ay naharap
42:03sa
42:04Republic Act
42:057942
42:07or yung tinatawag po
42:07natin
42:08Philippine Mining Act
42:09of 1995.
42:13Bestado rin
42:14ng NBI
42:15at DNR
42:16ang illegal
42:16quarry na ito
42:17sa Morong Rizal.
42:19Umaandar pa
42:20ang bako
42:20nang mapasok
42:21ng reading team
42:22ang lugar
42:23na nararentahan
42:23lang daw
42:24ng kumpanya.
42:25Inabangan po natin
42:26na maglabas sila
42:27ng truck
42:28na may kargang
42:29mineral lupa
42:32and then
42:34pagpasok nga po natin
42:35nakakagga pa sila
42:37sa isang truck.
42:38Kung nari po sila
42:39trading lang
42:39may mga
42:40tambak po ng buhangin
42:41na ang tambak po
42:42ng buhangin nila
42:43ay napakataas
42:43na hindi makikita
42:45yung nasa likod
42:46ng buhangin na yun
42:47dun pala
42:48ay meron silang
42:49nagkakandaksa
42:50ng illegal quarrying.
42:53Kumpiskado
42:53ang truck
42:54at backhoe
42:54na ginagamit
42:55sa illegal operasyon
42:56giit ng supervisor
42:58ng mga inaresto.
42:59Ano kasi yun sir?
43:00Hardware?
43:01Hardware siya.
43:03Hardware?
43:03Pero nagkuhu
43:04kayo ba kayo dun?
43:05Wala lang sir.
43:06Ano lang?
43:06Processing lang?
43:07So tamak-tamak lang
43:08ng lupa?
43:08Apo.
43:09Kung kaso po nila
43:10ay validation po
43:12ng Republic Act
43:127942
43:13o yung
43:14Philippine Mining Act.
43:16John Consulta
43:18nagbabalita
43:18para sa GMA
43:20Integrated News.
43:23Isinusulong sa kamara
43:24na ipagbawal
43:25ang mga sagabal
43:26sa mga bangketa
43:26at pampublikong kalsada
43:28sa urban areas
43:29o matataong lugar.
43:31Sa ilalim ng House Bill 933
43:32o Sidewalks and Public Roads Use Bill,
43:35gustong ipagbawal
43:35ang mga estruktura,
43:36basura
43:37at iba pang nakaharang
43:38sa sidewalk.
43:40Pati na rin
43:40ang paggamit
43:41sa public roads
43:41bilang paradahan,
43:43kerminal
43:43o negosyo
43:44nang walang permit
43:45sa mga otoridad.
43:46Sabi ni Surigao del Norte
43:472nd District
43:48Representative
43:49Bernadette Barbers
43:50na naghahain ng panukala,
43:51karapatan ng mga taxpayer
43:53na magkaroon
43:53ng mga maayos
43:54at madaraan
43:55ng sidewalk
43:56at kalsada.
43:57Dapat din daw
43:58maibalik ang disiplina,
43:59kaligtasan
44:00at pantay na akses
44:01sa mga daanan.
44:03Pabor ang Metro Manila
44:04Development Authority
44:05sa panukala.
44:06Sa operasyon nila kahapon,
44:07naubos
44:08ang kanilang tow trucks
44:09sa dami
44:10ng mga iligal
44:10na nakaparada
44:11at nakaharang
44:12sa mga bangketa.
44:15Tatlong overseas
44:16Filipino workers
44:17ang nasagip mula
44:18sa hindi kaaya-ayang
44:19tinutuluyan nila
44:20sa Jeddah,
44:21Saudi Arabia
44:22ay sa Department
44:23of Migrant Workers.
44:25Nagsagawa sila
44:26kasama ang
44:26Migrant Workers Office
44:27ng Jeddah
44:28at Overseas Workers
44:29Welfare Administration
44:31ng random
44:32inspection
44:33sa nasabing
44:33accommodation building
44:35na hawak
44:36na isang
44:36foreign recruitment
44:37agency.
44:38Sira daw
44:39ang mga kama
44:40at air conditioning
44:41at kulang pa
44:42ang pagkain.
44:44Hindi rin
44:44daw nito
44:44sinunod
44:45ang dapat
44:45na paghiwalay
44:46sa mga
44:47magkakaibang
44:48lahi
44:49sa mga
44:49kwarto.
44:51Ayon sa
44:51DMW,
44:52isang buwan
44:53nang suspendido
44:53ang pagproseso
44:54ng employment
44:55documents
44:55ng ahensya.
44:57Walang pahayag
44:57ang nasabing
44:58recruitment
44:58agency.
44:59Ito na
45:03ang mabibilis
45:03na balita.
45:06Malubhang
45:06lagay
45:07ng dalawa
45:07sa tatlong
45:08estudyanteng
45:08na hulugan
45:09ng debris
45:09mula sa
45:10isang gusali
45:10sa Tomas
45:11Moroto
45:11sa Quezon
45:12City
45:12kahapon.
45:13Ayon sa
45:14imbistigasyon,
45:14naglalakad
45:15pa uwi
45:15ang mga
45:16biktima
45:16ng mahulugan
45:17ng debris.
45:18Nagtamon
45:19ng matinding
45:19sugat
45:20sa ulo
45:20ang dalawa
45:20sa mga
45:21biktima
45:21habang
45:22sa braso
45:22naman
45:22ang isa pa.
45:24Nanawagan
45:24ng tulong
45:25mula sa
45:25may-ari
45:26ng gusali
45:26ang mga
45:29ang sanhin
45:30ng insidente
45:30at ninaalam
45:31kung sino
45:32ang mananagot.
45:34Ayon sa
45:34Department of the Building
45:35Official
45:35ng Quezon City,
45:37sumasa ilalim
45:37sa regular
45:38inspection
45:38ng nasabing
45:39gusali
45:39pero hindi
45:40kasama riyan
45:41ang palitada.
45:43Inire-recommendan
45:43na nila
45:44ng maglagay
45:44ng temporary
45:45canopy
45:45para maiwasang
45:46maulit
45:47ang insidente.
45:48Sinusubukan
45:49pangkuna
45:49ng pahayag
45:50ang building
45:50administration.
45:54Kinumpirma
45:55ng Pilis siya
45:56sa Santa Rosa
45:569C
45:57na pumano
45:57na
45:58ang dalagitang
45:59binaril
45:59ng kanyang dating
46:00kasintahan
46:01sa loob
46:01ng paaralan
46:02noong nakaraang linggo.
46:04Unang pumanaw
46:04ang suspect
46:05na nagbaril
46:05din sa sarili.
46:07Kinundina
46:07ng Department
46:08of Education
46:09ang insidente.
46:10Ang pulis siya
46:10inaalam kung saan
46:11galing ang baril
46:12na ginamit
46:13ng suspect.
46:24Another milestone
46:25award
46:26ang tinanggap
46:26ni Asia's
46:27multimedia star
46:28and stars
46:29on the floor
46:29and stars on the floor
46:29host
46:30Alden Richards.
46:32Pinarangala
46:33ng aktor
46:33bilang isa
46:34sa Men Who
46:35Matter
46:362025
46:36ng isang magazine.
46:38Kasama niyang
46:39ginawara
46:39ng kaparehas
46:40na award
46:41si na Senate
46:41Minority Leader
46:43Tito Soto
46:43at Senator
46:45Bam Aquino.
46:46Masaya
46:46at very honored
46:47si Alden
46:48sa nasabing
46:49pagkilala
46:49dahil very
46:50meaningful din
46:51daw ang award
46:52dahil
46:52binibigyang halaga
46:54nito
46:54ang ginagawa
46:55niya
46:55sa loob
46:56at labas
46:57ng showbiz.
46:58Ayon kay Alden
46:59gusto niyang
46:59makagawa
47:00ng pagbabago
47:01at mag-iwan
47:02ng marka
47:02na maaalala
47:04ng mga tao.
47:05Literal na happily
47:16ever after
47:17ang eksena
47:17sa isang kasal
47:18sa Louisiana,
47:19Laguna.
47:20Ang bulaklak kasi
47:21na pinaniniwala
47:22ang mag-decide
47:23kung sino
47:24ang next na ikakasal
47:25abay tila
47:25pinagpasapasahan.
47:27Why naman
47:28gonna earn?
47:30Ayan,
47:30excited na hinabol
47:32ng mga
47:32bisita
47:34ang bukay
47:35na ibinato
47:36ng bride
47:36matapos
47:37ang kasal
47:37pero ang mga
47:38tao
47:39tila
47:39nalito
47:40ang bukay
47:42kasi
47:42kung kani-kanino
47:43na napunta.
47:44Sa isang punto
47:45sabay pang
47:46hinawa ka
47:46ng isang babae
47:47at lalaki
47:48ang bulaklak
47:49ng magkatitigan
47:51sabay nila
47:51itong binitawan.
47:53Sa dinami-rami
47:54na nangyari
47:55ang tanong pa rin
47:56ng mga netizens
47:56sino nga
47:57ang next na ikakasal?
47:59Ang video na yan
48:00may 4.3 million views
48:01na online.
48:03Trending!
48:05Baka akala nila
48:07kung sino yung
48:08maano
48:09di ba?
48:10Parang ikaw
48:10yung last
48:11o o
48:12parang hot potato
48:13na nangyari.
48:15At ito po
48:15ang balitang hali
48:16bahagi kami
48:17ng mas malaking mission.
48:18Ako po si Connie Cison.
48:19Rafi Tima po.
48:20Kasama nyo rin po ako
48:21Aubrey Caramper.
48:22Para sa mas mal...
48:23paglilingkod sa bahay.
48:25Mula po sa
48:26GMM Integrated News
48:27ang News Authority
48:28ng Silipino.
48:29Gisela.
48:30Gisela.
48:33Paglilingkod sa bahay.
48:34Paglilingkod sa bahay.
48:34Transcription by CastingWords
Be the first to comment
Add your comment

Recommended