00:00Asahan na ang mas mabilis na daloy ng pila at pagbiyahin ng may mga discount na pasahero sa MRT3, LRT1 at LRT2.
00:10Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, tinanggal na kasi ang pag-fill out ng forms ng mga estudyante, senior citizens at persons with disabilities para makakuha ng 50% discount sa mga trend.
00:23Anya, nagiging dahilan kasi ito ng pagkasayang ng oras at abala sa mga pasahero.
00:31Ito'y bilang pagtugon pa rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapadali ang pagbiyahin ng ating mga kababayan.
00:40Dagdag ni Secretary Dizon, makikipagtulungan ang DOTR sa Commission on Audit para gawing digital ang pagkuhan ng impormasyon.
00:48Samantala, ilulunsad naman ang DOTR ang beep cards para sa mga estudyante sa susunod na buwan.
00:55Ayon sa kalihim, magkakaroon din ng dedicated beep cards para sa mga senior citizen at PWD.