24 Oras: (Part 3) VP Duterte, nag-aabroad aniya dahil frustrated ang Pinoys abroad at para bumisita kay ex-Pres. Duterte; nominated sa FAMAS: 'Green Bones,' 'Balota' at 'Hello, Love, Again'; PBB Celebrity Collab edition housemates, nagpasaya at nagpakilig sa 'The Big Collove Fancon', atbp.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Ilang araw, matapos magdulot umano ng sunog, masangsang na amoy naman ang inereklamo laban sa mga nagtatanso sa Tondo, Maynila.
00:09Panira umano ng tulog ang baho, ayon po yan sa ilang residente.
00:13At nakatutok si Bea Pinlock.
00:19Hindi pa sumisikat ang araw nitong linggo.
00:22Naantala na ang tulog ng ilang residente ng Barangay 104 Tondo, Maynila
00:26dahil sa nakasusulasok na amoy ng nasusunog na kalakal.
00:30Ayon sa ilang residente, isang grupo ng mga lalaki ang nakita nilang nagsusunog ng tanso sa gilid ng Kapulong Highway.
00:38Magkikising ka na lang, nangangamoy at tanso na, kaya namin nasusunog na yung lugar namin.
00:43Unang-una po yung health po namin, may isang gold team po dito sa amin, tsaka mga senior po.
00:51Matapos magsunog, ibinibenta umano ng mga lalaki ang tanso sa junk shop.
00:56Hindi mo titigil yan?
01:01Gusto mo ipahuli kita sa pulis?
01:04Anong pasensya? Itigil mo yan, bawal magsunog dyan.
01:07Ayon sa barangay, gabi-gabi silang may nire-respondehang reklamo tungkol sa mga dumarayong grupo ng mga lalaki roon,
01:15ang iba, mga minor de edad.
01:18Ang problema, lagi raw nakakatakas ang mga ito.
01:22Pagkagato ng dilim, magpre-prepare na ako sila na magsindi ng kanilang mga kalakal na susunogin.
01:28Na hindi talaga taga sa amin.
01:30Alam na yung kalakalan na, aral sila sa mga ganyang negosyo, trabaho, parang sila kikita.
01:35Kada reklamo, talagang pinupuntahan po namin.
01:38Alam po, mayroon po silang look out.
01:43Pag umano po kami, mga nagaan na, tatakbuhan na sa kabilang barangay po.
01:50Tinutukoy pa ng mga otoridad kung sino-sino ang mga nagsusunog ng tanso.
01:54Pinaigting na rin daw nila ang pagronda sa lugar.
01:58Labag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang open burning o pagsusunog ng basura.
02:04Posibling pagmultahin o makulong ang mahuhuli.
02:09Ayon sa DENR, delikado ang open burning ng basura sa kalusugan at nag-aambag din ang usok nito sa global warming.
02:17Para sa GMA Integrated News, Bea Pinlak nakatutok 24 oras.
02:24Dumipensa si Vice President Sara Durtete laban sa mga punang madalas siyang mag-abroad.
02:31Ipanaliwanag niya rin kung saan lang niya sasagutin ang mga aligasyong nabanggit sa impeachment complaint.
02:39Nakatutok si R. Jill Relator ng GMA Regional TV.
02:47Lumahok si Vice President Sara Duterte sa Karayawan Festival 2025 Tribal Village Tour sa Magsaysay Park sa Navo City ngayong hapon.
02:57Dito sa panayam ng media, sinagot ng bise ang puna na madalas daw siyang nangingibang bansa.
03:04Sa totoo lang, hindi naman ako nag-travel dahil gusto ko mag-travel.
03:10Nagt-travel ako, lumalabas ako ng bansa dahil frustrated na ang Filipino communities abroad sa nangyayari dito sa ating bayan.
03:21At pangalawa, bumibisita ako sa tatay ko na nakakulong.
03:26Inulit din ni Duterte, handa niyang sagutin sa tamang venue ang mga aligasyong nakapaloob sa impeachment complaint na idineklarang walang visa ng Supreme Court.
03:36Noong umakyat sa Supreme Court, yung kaso, lahat ng hiningi ng Supreme Court ay binigay namin doon sa mga tamang forum at sa tamang venue.
03:50Bibigay kami ng saktong sagot at nagbibigay kami ng explanation ng mga accusations.
03:59Pero hindi pwede na moro-moro na kung saan lang nagbibigay ng akusasyon at kung saan at kung kailan lang nila gusto mag-akusa ng tao.
04:15Tinanong din namin si VP Sara tungkol sa abugado ng kanyang ama sa International Criminal Court na si Nicholas Kaufman.
04:23Ang tugono ni Kaufman ang bise bilang isang abugado ang palipikadong maghusga tungkol sa kanyang trabaho bilang defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:35Sabi ni VP Sara, buo ang tiwala nila sa abugado.
04:38Of course, yes. Oo, kasi siya yung pinili ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
04:45So we only follow kung ano yung choice ng client.
04:51Siya naman yung kliyente, sa kanila naman yung professional arrangements.
04:55So as long as nagsabi si dating Pangulong Rodrigo Duterte na yan ang aking mga abugado,
05:02susunod kami and mag-cooperate kami kung anong kailangan.
05:05Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
05:10R. Jill Relator, nakatutok 24 oras.
05:15Talaga namang magtanim ay dibiro.
05:28Kaya sayang kung di mapapakinabangan dahil lang sa mga pesteng damo o weed.
05:33Ang pagtatanggal sa mga yan, pinadali with the use of an AI-powered robot sa Amerika.
05:39Tara, let's change the game!
05:41Dito sa Bulacan, nakilala namin si Denver, 20 taon nang magsasaka.
05:51Ang tinatanim namin, palay. Ngayon, nagtatanim din kami ng mga gulay.
05:55Ayon kay Denver, maraming aspeto sa pagtatanim para sumakses ang ani.
05:59Tulad ng pest management. Kaya abala rin siya sa manumanong pagtanggal ng mga damo o yung mga weed na tumutubo sa tabi ng kanyang mga tanim.
06:10Ito po ang mga kalaban namin sa aming mga taniman ng gulay. Katulad po ng damo, nililinis namin siya.
06:17Kasi yan po ang malaking kalaban ng sustansya po ng aming mga pananim. Sila po ang kumukuha.
06:23Kabilang ang mga damo sa mga pesteng dapat bantayan ng mga magsasaka.
06:27Pagka sinapabayaan, kaya nitong mapababa ang ani ng 44 to 96 percent.
06:34Dalawang beses kada buwan ito ginagawa ni Denver para mabantayan.
06:38Habang sa palay, ginagamitan nila ng gamot ang lupa para hindi na tumubo ang damo.
06:44Nakakapago din pero kailangan para gumanda yung ating mga tanim na halaman, gulay.
06:48What if ang matrabahong pagtatanggal ng damo, pwede nang ipagawa sa isang autonomous robot?
06:58Sa United States, meron na niyan.
07:01Sa isang cotton field sa California, hindi na tao, kundi isang AI-powered robot.
07:06Ang abalang magtanggal ng mga damo sa ilalim ng init ng araw.
07:11Meat element.
07:12Dinevelop bilang solusyon sa shortage ng farm workers sa US.
07:16At sagot sa pagiging resistant sa herbicide ng mga weed.
07:20So we're combining the new robotics and AI with the old technology of a stick and a blade,
07:29putting it together and then delivering a solution to the farmers.
07:32Ang ideya kay Element, nagsimula raw ng makuwento ng kanyang mga kamag-anak
07:36na malaki ang gasto sa herbicide para mapatay ang weed.
07:40Sa pag-automate ng pagtanggal nito, mas efficient para sa farmers at tataas din ang kanilang kita.
07:47Silipin natin ang tech behind the element robot.
07:50Autonomous o hindi na kinakailangan ng human intervention.
07:54Gumagamit ito ng AI vision para ma-identify ang mga tanim mula sa mga damo.
07:59Meron din itong mechanical arms na precise na natatanggal ang weed nang hindi natatamaan ang mga tanim sa paligid.
08:05Di nisenyo rin si Element to work in teams.
08:09Limang robot ang pwede mag-operate 24x7 para ma-cover ang abot 80 hektare ang lupain.
08:15But wait, there's more!
08:17Dahil weatherproof din si Element at kayang magtrabaho ng tuloy-tuloy umulan man o umaraw
08:23sa putik o sa mga lubang while being 100% solar powered.
08:28Kasalukuyang compatible ang Element Gen 2 sa cotton, soy at sugar beet farms.
08:35With the use of this technology, meron na tayong alternative sa paggamit ng herbicide.
08:42Mas napapagaan pa ang trabaho ng ating mga magsasaka.
08:46Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avier.
08:49Changing the game!
08:55Based pa lang sa nominations, posibleng maging star-studded ang FAMAS Awards this year.
09:00Sa films, may nomination na agad ang Green Bones, Balota at Hello Love Again.
09:05Habang sa Acting Awards, kahanay ng mga ilang veterano na ang ilang young stars kabilang ang isang kapuso ex-housemate.
09:13Makichika kay Athena Imperiaz.
09:15Sa 73rd edition ng Oldest Film Industry Award-giving Body sa Bansa na FAMAS o Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards,
09:28samutsaring nomination ang nakuha ng mga pelikula ng GMA Pictures.
09:32Kabilang dyan, ang multi-awarded film na Green Bones, na may sampung nominations kasama ang Best Picture at Best Screenplay.
09:40Nominated din for Best Director si Direk Zig Dulay at Acting Nominations para Kinaruro Madrid, Alessandra De Rossi at Dennis Trillo.
09:50Limang nominations naman ang nakuha ng certified all-time box office hit na Hello Love Again ng GMA Pictures at Star Cinema.
09:59Kabilang dyan, ang Acting Nominations para kay Catherine Bernardo at Asia's multimedia star Alden Richards.
10:05Makakatapat ni na Dennis at Alden sa Best Actor Race si Adamos ng Encantadio Chronicle Sangre Kelvin Miranda para sa pelikulang Chances Are You and I.
10:16Nominado rin for Best Supporting Actor si Beauty Empire cast member Sid Lucero para sa pelikulang Topak.
10:23Bukod kay Sid at Ruru, vying for Best Supporting Actor din si Will Ashley for Balota.
10:28Ikinagulat ng Nation's Son nang malaman ang nomination last night after ng Pinoy Big Brother Celebrity Colab Edition The Big Colab Fan Con opening.
10:40May tatlong iba pang nominations ang balota, ang Best Picture, Best Screenplay at Best Actress para kay Marian Rivera.
10:48Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
10:52Sa halip na total ban sa online sugal, iminungkahi ng Banko Central ang pagbabawal sa mga government employee at mga nakatatanggap ng ayuda sa gobyerno na tumaya online.
11:03Para riyan, kailangang iprofile muna lahat bago maglaro.
11:07Plano rin itaas ang pinakamababang taya.
11:09Nakatutok si Bernadette Reyes.
11:11Bago pa ang pagdinig tungkol sa masasamang epekto ng online sugal ng Senate Committee on Games and Amusement sa Huwebes,
11:23napag-usapan na ng economic team sa isang forum ang paghihigpit sana rito.
11:28Mismo ang si Finance Secretary Ralph Rectos sinabing tutul siya sa online gambling.
11:32Pero base raw sa datos, kumikita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ng 50 billion pesos mula sa online gambling.
11:41I would prefer, and if you can't stop it, assuming you could not, I prefer what the BSP is doing with new regulations to make it difficult for young people to be able to gamble through your cellphone, through using of the wallet.
12:01Ayon sa Banko Central ng Pilipinas, mahalagang malaman ang profile ng gustong tumaya sa online gambling. Batay dyan kung papayagan silang maglaro.
12:10You can't just go to your phone and then press one icon. No government employees which relies on a good KYC system. No one who receives ayuda, I think, should be allowed to gamble.
12:24Maaari rin anilang itaas ang pinakamababang maaaring itaya sa online gambling na dapat munang bayaran bago pa makapaglaro.
12:32There can be a minimum entry level. For example lang, again, there's a minimum entry level, let's say, of 1,000 pesos.
12:41And a minimum bet of 100 pesos. That way, you don't have somebody coming in, a desperate person coming in with 100 pesos and betting everything he has on one bet.
12:56I completely agree with the proposals of my colleagues, particularly the more informed regulation.
13:05Sa ngayon, ayon sa DOF, 40% lang na mga online gambling firm ang regulated, habang malaking bahagi o 60% ay maituturing na informal at hindi regulated.
13:16Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
13:21Kilig, saya at excitement. Literal na nag-collab ang mga kapuso at kapamilya housemates to give back sa fans para sa kanilang The Big Collab Fan Con.
13:35At sinuklian niya ng grabing energy from the crowd na OA din ang props at pag-cheer.
13:40Itchichika yan ni Aubrey Caramper.
13:42Pagpasok pa lang, pasabog agad ng PBB Celebrity Collab Edition Housemates sa The Big Collab Fan Con.
13:56Sulit ang bit-bit na LED signs, banners at lightsticks ng fans na pumuno sa Araneta Coliseum.
14:05And the energy went up, up, up pa sa moment ni na AC and Charlie.
14:12Together, glowin din ang ASVER duo ni na AZ at River sa kanilang dance number.
14:26And with their voices, nangharana ang PBB boys habang namimigay ng flowers sa audience.
14:34Ang ilang girls naman, talagang golden sa Rampa performance.
14:38Sobrang laki ba, salamat po namin. Binabalik lang po talaga namin lahat sa kanila po.
14:43Sana nang maparamdam namin yung pagmamahal nila kasi all throughout our journey, parang puro sila yung bibigay sa amin.
14:49Really thankful talaga sa efforts nila kasi I saw people flying to Manila just to watch the show.
14:54Ibang klase talaga yung support na binibigay sa amin. Grabe yung feeling.
14:57Don hiding na rin ang dating Little Mika dahil ang dati niyang viral meme song na Sino Nga Ba Siya,
15:08officially released streaming song na na dinuwit nila ni Clarice.
15:13Shining din ang cheres duo ni na Charlie at Esnir sa breathtaking cheer dance number.
15:18Dahil sa kanika nilang chemistry, tila born naman para kakiligan ang ships ng collab from the big winner duo na Breka ni na Brent and Mika
15:29to as Ralph ni na AZ at Ralph at Kish ni na Kira at Josh.
15:36Pero ang pinaka-OA sa kilig ang love triangle ni na Dustin, Bianca at Will.
15:43Waited so long to break walls ang atake ni Will.
15:45Put these patterns in the past ang atake ni Dustin.
15:55Bianca tried to play both sides, pero ang ending, Dust Will pala ang layag.
16:01Laro!
16:03Sorry kung tinapakang mo'y love team nyo ha!
16:07Ano na yung mga sabay-saba!
16:08Together glowing din si na Miss Universe Philippines 2023 Michelle D with Black and Esnir sa Disney's Child Reunion.
16:17Glow din din si Ma'am Castro with voices of Raoui while dancing.
16:20Si Will may impromptu acting and power with Cyriel.
16:23May moment muli ang PBB boys with their apron plot.
16:25In between production numbers, no fears, no lies naman sa Q&A with housemates.
16:30Tampok ang juicy questions from fans.
16:34After dreaming hard, they came so far born to be glowing.
16:38At dahil sa kanilang fans, the housemates now believe they are the stars they're meant to be.
17:07We formed a family inside the house and that explains the essence of collab really for me.
17:12We're so grateful for them. Grabe yung support nila for us and this is our way rin of giving back to them.
17:20Naroon din para sa kanilang moment.
17:22Sina GMA Network Senior Vice President Attorney Annette Gozon Valdez, Sparkle First Vice President Joy Marcelo.
17:29Hindi ito nagtatapos sa concert dahil marami pa ibang nakaplano na collab with our housemates. So abangan nila yan.
17:35Aubrey Carampel, updated to showbiz happening.
17:44Sige, may pahabul tayong balita.
17:46Oo, Vicky Emile.
17:47Habulan din sa dagat pero, uh, nakaka-good vibes naman.
17:52Hindi banggaan.
17:52Para ito sa mga na-beaten po sa weekend, mga kapuso.
17:55Oo, mga cute at nakakagigil na dolphins.
17:59Ala, dolphins!
18:02Sige na nga, nasa alas siya.
18:03I do.
18:04Hindi ko mamita.
18:11May it-mayang sumisilip at tila nakikipaglaro sa isang manging isda ang mga dolphin na namataan sa banggi sa Ilocos Nolte.
18:20Ang iba, lumalapit pa rao sa bangka at parang nakikipagkarera habang papunta siya sa laod.
18:28Dati na rao may mga nakikitang dolphin doon pero ngayon lang yung ganito karami.
18:34Kaya po mahalaga yung pagprotekta natin sa mga dagat natin, di ba?
18:38At yan naman, JT, ang tiniyak ng LGU at ng mga residente doon na talagang pangangalagaan nila yung mga dolphin.
18:49Sa banggi pa na?
18:50Sa bayan po pala ng banggi.
18:52Yan ang din, yung windpills.
18:52Ano pala yung mga ano, no?
18:54Yung mga dolphin.
18:55Yung mga dolphin.
18:56When manong.
18:57Ay, ako, ano ba yun?
19:00Agyaman na ka po.
19:01At yan ang mga malita ngayong lunes ako po si Mel Tiangko.
19:05Ako naman po si Vicky Morales para sa mas malaking nisyo.
19:07Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
19:10Ako po si Emil Sumang.
19:12Mula sa GMA Intervated News, ang News Authority ng Pilipino.
Be the first to comment