00:00Formal na tinanggap ni DSWD, Secretary Rex Gatchalian ang donasyong bigas mula sa Republic of Korea.
00:07Kabuoang 1,632 metric tons ng Korean rice ang natanggap ng DSWD.
00:14Tinatayang 280,000 pamilya ang may kinabang mula sa donasyong ito.
00:19Kasabay nito, inihayag ni Secretary Gatchalian na umabot na sa 1.7 million family food packs
00:25ang naipamahagi ng DSWD sa mga apektadong lugar.
00:28Ayon sa kalihim, inaasahang matatapos ng DSWD ang kanilang disaster response operations sa darating na Martes.