Skip to playerSkip to main content
Humihirit ng pansamantalang taas-pasahe ang ilang grupo kasunod ng bigtime oil price hike. Pero sabi ng LTFRB, may nakaabang namang fuel subsidy sa mga tsuper... 'yun nga lang may kondisyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Humihirit ng pansamantalang taas-pasahe ang ilang grupo kasunod ng big-time oil price hike.
00:05Pero sabi ng LJFRB, may nakaabang namang fuel subsidy sa mga chuper.
00:10Yun nga lamang, may kondisyon.
00:12Nakatutok si Joseph Morong.
00:18Pagkatapos na tumasa ulit ng lampas piso ang presyo ng kada litro ng diesel at halos dalawang piso sa gasolina,
00:24naglalaro na sa lampas 50 hanggang lampas 70 pesos kada litro ang presyo ng gasolina
00:29at hanggang halos 70 pesos kada litro ang diesel.
00:33Kaya hirit ng ilang grupo ng mga jeepney operator, pisong provisional o pansamantalang dagdag sa pamasahe habang mataas ang presyo ng krudo.
00:41Kahapon nakapagpulong na ang grupo Magnificent 7 kay LJFRB Chairman at Tony Joseph Loguaris III.
00:47Pag-apat na taas nato, sa kondisyon ko na sa 4 pesos, 50 centavos na ang itinas na ang diesel kada litro.
00:54Hindi na makakaya. Lahat sa modern at sa traditional, piso na.
01:00Mag-ahain sila ng petisyon sa LJFRB na didinggin sa susunod na linggo.
01:05Hati ang opinion ng mga commuters sa hiling na pisong provisional fare ng mga operator.
01:10Para kay Roxanne na halos isandaang piso ang ginagastos, araw-araw sa pamasahe, mabigat ito.
01:16Malaki kaltas din yun sa araw-araw namin.
01:20Pero ayos lang naman daw kay Lenny.
01:22Oo, kaysa walang sasakyan.
01:25Ayon sa LJFRB, hanggat maaari ayaw nilang itas ang pamasahe sa jeep.
01:30Kasi may pagkukunan ako eh. At ayaw ko sanang mabigatan yung mga tao.
01:35Ayon kay Guadis, may 2.5 billion pesos na fuel subsidy naman na nakaabang sa budget ng gobyerno.
01:42Kung sakali nasa 1,000 hanggang 10,000 pisong fuel subsidy yan para sa mga pampublikong sasakyan mula tricycle hanggang mga modern jeep.
01:51Pero hindi basta-basta ibinibigay ito.
01:54Dahil ayon sa batas, dapat ay pumalo muna sa $80 kada barilis ang presyo ng krudo sa world market.
02:00Kung hindi mag-reach yung ATB7, hindi pa ganong mataas yung presyo ng gasolina.
02:05But just the same, we will hear their provision, others their petition.
02:09There might be other reasons like yung pagtaas ng cost of living, yung sahod ng mga empleyado, yung pyesa ng mga gamit nila.
02:20Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended