00:00Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang suspension sa pag-aangkat ng bigas sa loob ng 60 araw simula September 1.
00:09Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, ito ang desisyon ng Pangulo sa layuning umagapay sa mga magsasaka.
00:16Ito'y kasunod na rin ang pagkonsulta ng Pangulo sa mga miyembro ng Gabinete na kasama sa kanyang state visit sa India.
00:23Ayon pa sa Malacanang, hakbang din ito para matiyak na hindi malulugi ang mga lokal na magsasaka, lalo na ngayong harvest season.
00:31Samantala, sinabi rin ni Pangulong Marcos Jr. na hindi pa panahon para pag-usapan ang pagpapataas ng taripa sa mga imported na bigas.
00:39Una nang inirekomenta ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng unti-unting pagtaas ng rice import tarif na layong mabalansi ang pangangailangan ng mga magsasaka at mga mamimili.