00:00Sa gitna ng lumulobong bilang ng mga dumadagsang pasyente sa Philippine General Hospital,
00:05nagbukas na ng pinto ang ilang mga GOCC hospitals sa Metro Manila
00:09para tumulong na tugunan ang patient influx.
00:12Narito ang report.
00:15Kasunod ng anunsyo ng Philippine General Hospital o PGH,
00:19kaugnay sa dumaraming bilang ng pasyente sa ospital,
00:22to the rescue na ang Department of Health at Government-Owned and Controlled Corporation
00:27o GOCC hospitals para tumugon sa sinasabing patient influx.
00:32Batay sa datos, nasa 400% overcapacity na ang sitwasyon ngayon sa PGH,
00:38kung saan umaabotan nila sa 300 emergency patient ang naitatala.
00:43Gayong nasa 75 lang ang maximum bed capacity nito.
00:47Ayon sa DOH, nag-abiso na sila sa mga ospital, klinika, ambulansya at mga doktora
00:52na iwasan munang magdala ng pasyente sa PGH.
00:55Sa panahon ng panandali ang pagkapuno ng emergency room ng UP Philippine General Hospital,
01:02nakaantabay at handang tumanggap ng mga pasyente ang 20 DOH at GOCC hospitals sa Metro Manila.
01:10Maaring tanggapin ang mga pasyente sa mga sumusunod na DOH hospital.
01:15Nariyan din ang apat na GOCC hospital sa Quezon City para umalalay sa mga pasyente.
01:20Magandang paraan para ma-accommodate ka ibang pasyente na hindi na pwede sa PGH na luma.
01:27Diba? Maraming matutulungan yun.
01:30Sa ginawa ng DOH, napakaganda niya, malaking tulong sa ating mga kababayan yan.
01:35Siyempre pag nag-emergency ka, hindi ka napipila na mahaba.
01:37Good news yan.
01:38Oo, kasi karamihan ang problema talaga ng senior yung saan pag hindi na puno na yung hospital, wala na silang ibang option.
01:50Payo naman ang kagawaran, tumawag muna sa DOH Metro Manila Center for Health Development kung kakayanin bago magdala ng pasyente sa mga nasabing hospital.
02:01BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.