Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dumami ang mga pasyente ang may leptospirosis dahil sa baha,
00:04dahil sa ilang lugar ay hindi pa rin humuhupa.
00:07May report si Maki Pulido.
00:10Tirik na ang araw, pero sa Bae Laguna, baha pa rin.
00:14At kulay verde dahil sa mga lumot.
00:16Sabi ng ilang residente, matapos sa mga bagyo at habagat,
00:19hindi pa humuhupa ang baha mula pa noong July 25.
00:23Mabaho na raw ito, makati sa balat at malamok pa.
00:26Ang mga lumulusong sa baha na may meligro pang magka-leptospirosis.
00:31May ilan ngang taga Laguna sa 45 leptospirosis patients na nakakonfine ngayon sa San Lazaro Hospital.
00:38Ang iba, taga Metro Manila at Cavite.
00:41Pare-parehong lumusong sa baha nitong mga bagyo at habagat
00:44at ngayon, lahat sila may tama na sa bato, baga o atay.
00:49Apat ang nasa ICU ng San Lazaro gaya ng Mr. Ni Marlene
00:52na dahil taga-bili ng pagkain ay napilitan daw maglakad sa baha sa Malabon.
00:56Pero bahari nang naging hadlang nila para makakuha ng prophylaxis na panlaban sa leptospirosis.
01:02Ang hirap. Baka mamaya, ano mangyari sa kanya?
01:07Siyempre po, nag-alala din po ako.
01:09Sa San Lazaro, pitong pasyente ang namatay sa unang limang araw ng Agosto.
01:13Ang isa sa kanila ay edad labing-anim pa lang na matay sa acute renal failure o nasira na ang bato.
01:19Sa severity ng mga sakit ngayon, medyo aggressive sa tingin namin na within 2 to 7 days,
01:26nagkakaroon po sila ng komplikasyon sa kidney, sa liver at sa respiratory system or sa lungs po natin.
01:36Nakikita namin kaagad na hindi na sila nakakaihe or hirap po silang huminga.
01:42Nakailangan po namin i-ventilator.
01:45Sa Mang Rodriguez Hospital, 44 na leptospirosis patients ang nakakonfine.
01:50Sa buong bansa, mahigit limanda ang kaso ng leptospirosis ang naitala ng DOH nitong Hulyo.
01:56Wala pang datos kung ilan ang tinamaan, bunsod na mga bagyo at habagat kamakailan.
02:00Kung wala ka namang pag-iwasan, bawa you were caught in a flooded area already.
02:04Kung mag-ingat, make sure sana, meron bota.
02:08Kung wala, nababad ka or lumusog ka na sa baha.
02:11Ina-advise prophylaxis.
02:12Mag-take na po kayo ng doxycycline.
02:15Huwag po isa pagwalang bahala kasi nakakamatay po ang leptospirosis.
02:21Problema naman sa Philippine General Hospital ang dagsan ng mga pasyente may iba't-ibang kondisyon.
02:27Puno na ang kanilang emergency room at hindi na muna tumatanggap ng bagong pasyente.
02:31Handa naman daw ang 20 DOH at GOCC hospitals sa Metro Manila na i-admit ang mga hindi na kaya sa PGH.
02:38Makipulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:42Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:46Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended