Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa panibagong hininalang buto ng tao, may mga nakuhang damit, sapatos at chinelas mula sa Taal Lake, ayon po yan sa PNP.
00:08At ang kampo naman ni Atong Ang na nawagan sa mga kaanak ng mga nawawalang sabongero na huwag bastang magtiwala kay Julie Dondon Patidongan.
00:17Saksi, si Ian Crew.
00:19Depektibo, self-serving at walang katibayan, kanyang tinawag ng abogado ni Atong Ang ang mga pahayag ni Julie Dondon Patidongan na nagturo kay Ang bilang mastermind sa kaso ng missing sabongeros.
00:36Git ng abogado ni Ang, inusente ang kanyang kliyente sa patong-patong na reklamo ng mga kaanak ng mga sabongero.
00:45Kabilan na riyan ang Multiple Murder, Serious Illegal Detention and Enforced Disappearance, Paglabag sa Anti-Grath and Corrupt Practices Act, Direct Bribery, Corruption of Public Officials, Obstruction of Justice at Paglabag sa International Humanitarian Law.
01:05Inikayat ng kampo ni Ang ang mga kaanak ng mga nawawalang sabongero na suriing mabuti ang mga pahayag ni Patidongan at timing nito.
01:14Labing limang taon daw na empleyado sa organisasyon ni Ang si Patidongan na pinalabas daw na siya ang pangunahing tauhan at putusan ni Ang.
01:24Tinawag niyang master manipulator si Patidongan.
01:27Ginamit umano ni Patidongan ang posisyon nito para mag-operate ng kanyang criminal network ng iligal na sugal, kidnapping, pangingikil at intimidasyon.
01:37Gamit ang mga resources ng grupo nang hindi nalalaman ng kanyang mga boss.
01:43At dahil nanganganib na ma-expose matapos isangkot sa pagkawalan ng isang kakompetensya sa sabong noong nakarang taon,
01:50itinuro nito ngayon ang kanyang mga boss bilang mastermind para makaiwas sa pananagutan.
01:56Welcome naman daw sa kampo ni Ang ang paghahain sa kanya ng mga reklamo na pagkakataon daw para masagot ang mga paratang.
02:06Sinisikap ng GMA Integrated News sa mga kumangpanig ni Patidongan ukol sa pahayag ng abogado ni Ang.
02:12Sa ngayon, sinabi na ni Prosecutor General Richard Fadulion na ine-evaluate na ng DOJ ang mga kaso para malaman kung sapat ba ang mga ebidensya para mahayakyat ito sa isang preliminary investigation o PI.
02:26Samantala, siyam na pong araw na preventive suspension ang ipinataon ng National Police Commission o Napolcom sa labing dalawang aktibong polis na may kinalaman o mano sa paglaho ng mga sabongeros.
02:38Hindi po penalty ang preventive suspension. Ito po ay isang tool ng National Police Commission to ensure the safety of fitnesses, the integrity of the investigation.
02:49Isinangkot sila sa pagkawala ng mga sabongero sa sinumpaang salaysay ng kanilang mga kaanak at ipatinongan.
02:57Sinisikap ang makuha ng GMA Integrated News ang panig ng mga polis kaya din sa pamagitan ng kanilang abogado.
03:04Wala pa rin inilalabas sa reaksyon dito ang Department of Justice.
03:08May panibagong mga na-recover na hinihinalang buto ng tao mula sa Taal Lake nitong Sabado ayon sa PNP kasamang nakuha ang ilang damit at gamit tulad ng mga sapato sa chinelas.
03:21Baka ma-recall po nila yung mga kaanak po nila na mga napaulat na nawala at maaalala po nila na ito yung mga naaalala nila na mga suot na damit, may sumbrero, may rumpang hoodie, chinelas.
03:33So makipag-ugnayan po sila sa pinakamalapit po na polis station para maipakita po.
03:38Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.

Recommended