00:00Inasahang mas magiging maginhawa pa ang paghingi ng tulong ng ating mga kababayan sa Department of Social Welfare and Development
00:07at matapos buksa ng ahensya ang kanilang bagong Crisis Intervention Office na mas accessible sa vulnerable sector.
00:16Si Noel Talakay sa Sentro ng Balita, live.
00:21Nayumi, nandito ako ngayon sa third floor na bahagi ng bagong gusali ng Department of Social Welfare and Development
00:28dito sa Maya Commonwealth Avenue, ito ang kanilang satellite office at dito inilagay ang kanilang Crisis Intervention Office.
00:40Mas malaki, mas maaliwalas at higit sa lahat air condition.
00:49Ito ang bagong crisis intervention ng DSWD dito sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:56Nasa loob ito ng Paragon Building at sakop nito ang tatlong palapag ng gusali.
01:03Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakikinig ang ahensya sa hinanain ng kanilang mga kliyente.
01:10Hindi lang yung pangangailangan ng tulong, kundi pati na rin ang kanilang mga feedback sa mga opisina ng DSWD.
01:17Pero ngayon, dahil dito sa bagong nating opisina, bagong satellite office, mas malaki siya, mas maluwag, mas maaliwalas at higit sa lahat mas malamig para sa ating mga kliyente.
01:30Hindi na rin mahihirapan ang mga senior citizen at PWD na magtaas-baba dito dahil may escalator, may elevator pa.
01:40At mayroon din sariling banyo ang PWD.
01:43Mayroong lactating room para sa mga nanay na may dalang anak na sanggol.
01:49Mayroon din klinik na tutugon sa oras ng emergency at mayroon pang pantry.
01:53Alinsunod to sa utos ng ating Pangulo na kung magsuservice delivery lang tayo sa paglilingkod natin sa ating mga kababayan, dapat komportable rin sila.
02:06Naomi, isa namang ribbon cutting, ang ginawa bilang hudyat na simula na ang operasyon ng nasabing satellite office ng DSWD.
02:15Bilang panimula, agad naman na mahagi ng cash assistance sa ilang mga humihingi ng tulong sa DSWD.
02:21Si Secretary Gatchelian mismo ang personal na nag-abot ito sa mga binipisyaryo.
02:27Naomi, ang gusaling ito ay kayang mag-serve ng individual ng higita 1,000 individuals araw-araw.
02:35Pagpasok pa lang Naomi doon sa first floor, may sasalubong kaagad ng mga tauhan ng DSWD
02:41at nakalagay naman doon yung mga processes ng kanilang mga services o mga assistance na ibinibigay dito.
02:48So, yung vibe dito, Naomi, ay para kang nasa loob ng isang mall.
02:52Naomi?
02:53Maraming salamat, Noel Talakay.