00:00Nagsagawa po ng kampanyang isang grupo katuwang ang Quezon City LGU para turuan ng mga bata kung paano maging visible, alert at responsable sa kalsada.
00:09Samantala, higit isang libong senior citizen sa Legaspi Albay, nakatanggap po ng social pension mula sa DSWD.
00:15Si Jeremy Piscano sa report.
00:17Higit 3,000 mag-aaral mula sa 17 pampublikong paaralan sa Quezon City, ang nakisa sa stay bright campaign ng Automobile Association Philippines, katuwang ang Quezon City Government at the Schools Division Office.
00:33Nakibahagi rin ang mga sangguniang kabatahan bilang kaagapay sa advokasya, layunin ng kampanya na turuan ng mga bata kung paano maging visible, alert at responsable sa kalsada
00:44para mas maging ligtas sila tuwing papasok at tumuuwi ng paaralan.
00:48Tuloy-tuloy ang kampanya sa iba pang paaralan sa lungsod dahil mahalaga ang kaligtasan ng bawat bata.
00:55Nagsagawa ng payout ng social pension ang lokal ng pamahalan ng Legaspi Albay para sa mahigit isang libong senior citizen mula sa iba't ibang barangay sa Legaspi City.
01:04Ito ay sinagawa sa Legaspi City Convention Center kahapon, July 29.
01:08Ayon sa lokal ng pamahalan ng Legaspi Albay, tatanggap ng 1,500 pesos ang bawat beneficiary mula sa 70 barangay
01:16bilang bahagi ng regular na implementasyon ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program ng Department of Social Welfare and Development.
01:25Jeremy Piscano, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.