00:00Pumalag si Tourism Secretary Cristina Frasco sa puna ng ilang kongresista na hindi raw nagagampanan ng Department of Tourism ang mga tungkulin nito.
00:09Question ni Frasco, ang motibo ng mga puna. May unang balita si Darling Kai.
00:17Nakukulangan daw ang ilang kongresista sa mga ginagawa ng DOT or Department of Tourism.
00:22Pagkatapos ng ikaapat na SONA o State of the Nation address si Pangulong Bopong Marcos, pinuna ni Tingog Party List Representative Jude Asidre ang hindi pagbanggit sa sektor ng turismo sa tulumpati ng Pangulo.
00:34Malinaw daw itong mensahe na hindi nagde-deliver ang DOT.
00:39Anya, dapat may managot at magwasto nito.
00:42Kuminit din si Deputy Speaker at La Union First District Representative Paolo Ortega.
00:47Bigu raw ang DOT na gawin ang trabaho nito sa kabila ng anya'y massive funding o malaking pondo at malawak ng promotions.
00:54Pumalag si Tourism Secretary Cristina Garcia Frasco.
00:58I strongly disagree that the sector has not delivered for it has.
01:05It has delivered returns to the nation.
01:09Kiit niya, tabaggit ng Pangulo ang turismo sa SONA sa kontekso ng pagpaparami ng trabaho at pag-ayos ng supply ng kuryente sa Siquijor.
01:19Magpupursigay ang DOLE, DTI, DSWD, kasama pati ang DOT at mga kaugnay na ahensya sa paghahanap ng paraan at ng mga oportunidad
01:28para sa natitirang apat na porsyento ng ating kwersang manggagawa na hanggang ngayon ay walang trabaho.
01:36Napapaisip daw si Garcia Frasco sa timing ng mga pahayag ng dalawang kongresista.
01:41But the timing of the remarks that were broadcasted by the good gentleman from the House of Representatives,
01:54Asidre and Ortega, is quite suspect, considering that my husband, Congressman Duke Frasco,
02:02declared his stance as an independent member of the House of Representatives only two days before, or rather only a day before their remarks.
02:16Nag-abstain o hindi bumoto ang asawa ng kalihim na si Cebu 5th District Representative Duke Frasco sa butohan sa House Speaker,
02:24kung saan nanalo ulit si Lete 1st District Representative Martin Romualdez.
02:29Kinimok ng kalihim ang mga kongresista na suriin ang lahat ng impormasyon dahil tuloy-tuloy naman daw sa pagtatrabaho ang DOT.
02:36Kung titignan ang mga datos, malinaw na hindi pa tuluyang nakababawi ang sektor ng turismo kumpara sa mga numero noong bagong magpandemia.
02:45Kabilang dyan ang bilang ng mga dumarating na turista sa bansa at ambag ng sektor ng turismo sa ekonomiya ng Pilipinas,
02:52nakasalukuyang nasa 2.35 trillion pesos.
02:56Pati rin sa share o bahagi ng mga manggagawa sa Pilipinas na nasa sektor ng turismo.
03:01Paliwanag ni Frasco, malaki ang epekto ng natapyas na budget ng ahensya.
03:05You get back what you give. Since we're talking about funding, pre-pandemic funding for tourism promotions were easily over a billion pesos.
03:18You cannot expect a full recovery to 100% by investing only 100 to 200 million pesos and expect the same numbers.
03:29Mula 1 bilyong piso noong 2019, 100 million pesos na lang ang branding campaign budget ng DOT.
03:36Gayunman, nakuha pa rin daw ng DOT ang all-time high nakita noong 2024 na mas mataas pa kumpara noong 2019.
03:44Para sa 2026, hihingi raw ang DOT ng mahigit 3 billion pesos.
03:49Kasama rito ang 500 million pesos na hihingin para sa turismo promotion.
03:53Sinusubukan pa ng GMA Integrated News na makuha ang reaksyon ng mga kongresista sa mga sinabi Frasco.
03:59Ito ang unang balita. Darlene Kai para sa GMA Integrated News.
04:04Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.