00:00Nasa 200 kilo ng basura galing sa ibang lungsod ang naaktuhang itinatapon sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa Tondo, Maynila.
00:12Ayon sa Manila Police District Station 1, may mga kargang basang karton ng sasakyan na mula raw sa isang bodega sa Valenzuela City.
00:21Sabi ng driver at pahinante, hindi na raw kasi nakokolekta sa lungsod ang mga basura.
00:26Bagay na pinabulaanan ni Valenzuela City Mayor West Gatchalian.
00:31Regular at mahikpit daw ang kanilang waste collection.
00:34Noong isang araw lang, isang jeep na galing dinumano sa Valenzuela ang nahuling nagtatapon sa Mel Lopez Boulevard.
00:41At kanina, isang trailer truck na galing port ng Maynila.
00:45Hawak na ng pulisya ang mga naaktuhang nagtatapon ng basura at sinampahan ng reklamong paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
00:54Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
00:58Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
01:01Outro