Skip to playerSkip to main content
Hawak na ng PNP ang dalawang kapatid ng whistleblower na si Dondon Patidongan na itinuturing na missing links sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Ayon kay Patidongan, maraming nalalaman ang mga kapatid niya na minsan ding naging tauhan ng business tycoon na si Atong Ang. May report si Ian Cruz.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hawak na ng PNP ang dalawang kapatid ng whistleblower na si Dondon Patidongan
00:04na itinuturing na missing links sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:09Ayon kay Patidongan, maraming nalalaman ang mga kapatid niya
00:12na minsan ding naging tauha ng business tycoon na si Atong Ang.
00:16May report si Ian Cruz.
00:22Dalawang missing links kung ituring ng PNP sa kaso ng mga nawawalang sabongero
00:26ang lalaki nagwi-withdraw gamit ang ATM card ng nawawalang sabongerong si Melbert John Santos
00:32na kinilalang si Ella Kim Patidongan.
00:35At ang isa sa dalawang lalaking inieskortan ang nakaposa sa sabongerong si Michael Bautista
00:41na kinilalang si Jose Patidongan.
00:43Ang dalawa ay mga kapatid ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy.
00:49Naniniwala tayo, ito yung mga missing links doon sa mga kaso ng missing sabongero.
00:55So, kinuha po sila at inabinalik po sila dito sa ating bansa.
01:00Dumating po sila July 22 po.
01:03Si Jose na may standing warrant umano sa pagnanakaw, nakakulong na.
01:07Si Ella Kim naman sinampahanan ng reklamong kaugnay ng paggamit ng alias sa passport.
01:13Pero ayon kay Dondon Patidongan, hindi inaresto ang kanyang mga kapatid sa Kambodya
01:17taliwas sa pahayag ng PNP.
01:19Ang dito to yan, alam ni Suji Rimulya, wala, wala karistuhan.
01:25Pinatakas ko mismo yung dalawang kapatid dahil pinapapatay ni Atong Ang doon.
01:31Ayon kay Dondon, maraming nalalaman ang dalawa na naging tauhan din ng isabong tycoon na si Atong Ang.
01:38Inutusan umano sila ni Ang na magtago sa Kambodya noong 2022.
01:43May nasaksiyan siya sa patayan. Kaya yan, pinaalis ni Mr. Atong Ang dito sa bansa.
01:48Dawa ng sila ang talagang magwi-witness at nandoon sa kanilala at sila yung mahalaga.
01:55Pero iba pala raw ang pakay ni Ang sa dalawa.
01:58Pinapapatayan sa grupo. Tututo lang.
02:01Aming tatlo ang susi talaga nito para malatas tong problema na to.
02:06Malaki ang may tulong dito.
02:07Bagaman kinumpirma ni Dondon na si Ella Kim ang nag-withdraw gamit ang ATM card ng isa sa mga nawawalang sabongero, paliwanag niya.
02:16Inutusan ng mga pulis na check-in yung account kung malaki ba ang panalo.
02:22Kung malaki ang kinita doon sa laban at utos daw ni Mr. Atong Ang na check-in kung totoo na malaki ang panalo nila.
02:34Yung pulis na ito na nag-utos doon sa kapatid mo, kasama rin sa kinasuhan niyo sa Napolcom?
02:39Yes, kasama, kasama.
02:41Itinanggi naman ni Dondon na ang kapatid na si Jose ang isa sa mga bumitbit sa nawawalang sabongerong si Bautista.
02:47Si Rogelio Roger Burican at saka si Rodilo Anigig, yun yung bumitbit.
02:53Bakit na-twist na nila ngayon?
02:55Ang height ng kapatid ko, 5'5 or 5'6.
02:59Ang binitbit nila, yung si Bautista, 5'5 ang height noon.
03:05Tingnan niyo yung video, anong height nung bumitbit?
03:08Nahuli ang dalawang patidongan ng PNPC IDG sa pamumuno pa noon ni Police Brigadier General Romeo Macapaz.
03:15Pag linaw ng PNP, hindi sinibak sa pagiging CIDG Director si Macapaz,
03:21kasunod ng pahayag ng ilang kaanak ng mga nawawalang sabongero
03:24na pinapadiin ng ilang Police CIDG si Dondon Patidongan bilang mastermind sa kaso.
03:30Si Macapaz umano ang nag-request na mailipat ng assignment kaya nasa Police Regional Office 12 na.
03:38Ayon sa PNP, kakausapin ng pamunoan ng CIDG ang mga kaanak ng missing sabongeros
03:43para ipaliwanag sa kanila ang proseso kung paano gumugulong ang isang kaso
03:48at tiyakin na hindi ginigipit ang mga posibleng maging witness.
03:53Sa isang undisclosed location, nagsama-sama ang mga kaanak ng mga missing sabongeros
03:58kasama si Dondon para kumpletuhin ang kanilang mga affidavit.
04:03Wala pang pahayag ang kampo ni Ang.
04:05Pag-uusapan pa ito ng kanyang legal team ayon sa isa niyang abogado.
04:09Ayon naman sa abogado ni Police Senior Master Surgeon Joey Encarnacion
04:13na isa sa mga polis na kinasuhan ng Napolcom,
04:16walang legal na basihan ang mga anyay aligasyon ni Patidongan laban sa kanyang kliyente.
04:22Kung makikita natin yung mga affidavit ng mga complainant,
04:26wala pong minimensyon sa napangalang Encarnacion.
04:30Wala po siyang interaction, in other words, sa mga nag-aakusa.
04:34Kahit po kay Dondon Patidongan, yung mga panahon na dinadawit ang aking kliyente
04:42ay merong kaming pagpapatunay na siya po ay nasa schooling.
04:46Kaugnay naman sa mga unang naiangat na buto ng tao mula sa Taal Lake sa Laurel, Batangas,
04:52lumabas na walang trace ng DNA profile ang mga ito ayon sa PNP.
04:56May nakuha namang DNA profile ang PNP Forensic Group sa mga butong nahukay sa Laurel Public Cemetery.
05:03Pero hindi raw sila tumugma sa mga kaanak ng nawawalang sabongero.
05:08Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended