00:00Dadagdagan pa ng Labor and Employment Department ang kanilang mga ikinakasang job fair sa buong bansa.
00:05Bukod dyan, tututukan din nila ang pagpapalakas sa kasanayan ng mga magagawa kasabay ng pagtutok sa pangangalaga sa kanilang karapatan at kapakanan.
00:14Si Pian Manalo sa detalye.
00:16Sa Dole at sa DSWD, ipagpatuloy pa ninyo ang mga ganitong klaseng internship at pre-employment program para sa ating estudyante sa kolehyo.
00:31Malaking tulong ito sa kanilang habang sila ay nag-aaral. Malaking tulong ito sa bansa.
00:39Ito ang bili ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation address.
00:45Dahil dyan, patuloy ang pagsisikap ng Department of Labor and Employment na pag-ibayuhin pa ang kanilang mga programa na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino.
00:57Gaya ng malawakang job fair.
00:59Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Dole sa mga Public Employment Services offices o peso
01:04at mga lokal na pamahalaan para sa paglikha ng mga trabaho.
01:09Sa tulong ng teknolohiya, palalakasin pa ng Dole ang Employment Human Resources Development at pagbibigay ng kasanayan sa mga manggagawa.
01:19Kasama rito ang retooling, upskilling at retraining.
01:23Maging ang career counseling at support development program para sa mga kabataan.
01:27Ang aking tinutukoy ay yung katagang convergence, pagsasama-sama, pagtatagpo, pagkakaisa at pagsasanib ng pwersa ng mga departamento.
01:40Dahil halos lahat naman ang mga departamento ay mayroong kaugnayan sa usapin ng paggawa at panghanap buhay.
01:47Malaki ang pasasalamat ni Jennifer sa mga job fair ng Dole, lalo na sa mga gaya niyang senior high school graduate.
01:54Salamat din po sa Dole na may opportunity po na ganyang job fair po sa bawat isa po.
01:59Nakakatulong po sa mga kabataan na gusto na rin po magtrabaho.
02:03Pagtutuunan pa ng pansin ng Labor Department ang pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
02:10Katunayan, pinagtibay pa ng Dole ang Implementing Rules and Regulations ng Republic Act 11058 o ang Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health.
02:21Sa isang bagong Pilipinas, paglilingkod at servisyong maayos, matapat, mabilis, walang bahid at inklusibo,
02:32maasahan ng mamamayang Pilipino mula sa kagawaraan ng paggawa at empleyo.
02:37Bibigyang prioridad ang pagpapalakas ng digitalization sa lahat ng servisyo ng ahensya bilang bahagi ng ease of doing business.
02:45Bukod sa pagbibigay ng trabaho, ipagpapatuloy din ng Dole ang paghahatid ng tulong pangkabuhayan sa vulnerable sector
02:53gaya ng senior citizens, solo parents at mga person with disability o PWD.
03:00Patuloy din ang pagtulong at pagsuporta sa mga micro, small and medium enterprises o MSMEs
03:06na malaki ang kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
03:12BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.