00:00Supportado naman ang gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:04ang kanyang sinabi sa SONA na dapat nakaangkla sa anumang pondo sa pangangailangan ng bawat Pilipino.
00:11Pagtitiyak naman ang DBM, tututukan nila ang paglalaan ng pondo sa mga programa.
00:16Si Kenneth Pasyente sa detalye.
00:20I will return any proposed general appropriations bill that is not fully aligned with the national expenditure program.
00:30Yan ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. kaugnay ng pambansang budget sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address.
00:38Pagbibigay diin ang punong hekutibo.
00:40Dapat nakaangkla ang anumang pondo sa pangangailangan ng bawat Pilipino.
00:44Dahil kung hindi...
00:45I am willing to do this even if we end up with a re-enacted budget.
00:50Hindi ko a-aprobahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayan ng Pilipino.
01:02Ang pahayag na yan ng Pangulo, malaking bagay daw sa pagsusulong ng budget na tutugon sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng sambayan ng Pilipino ayon sa Budget Department.
01:12Suportado ito ng ahensya lalot makabubuti ito sa bansa.
01:15Kaya umapila rin ito sa Kongreso na sundin ang naging direktiba ng Pangulo at kung ano ang nakalatag sa National Expenditure Program o NEP.
01:22Tiniyak naman ang Kongreso na tutugon ito sa naging pahayag ng Pangulo.
01:26Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez ang transparency sa deliberasyon ng budget.
01:31Siniguro rin niya na seryoso at agarang tatalakay ng Kamara ang panukalang pambansang budget ng may compassion lalot para ito sa mga Pilipino.
01:40Ayon naman kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, sa huli ay trabaho ng mga mambabatas na busisiin ang pambansang pundo.
01:47Anya, tulungan dapat ang mangyari.
01:50Tulungan kami ng Pangulo sa gusto niyang mangyari and klaro yung gusto niyang mangyari, accountability.
01:55So we will give that to the President and we will cooperate.
01:59Pinalakpakan naman daw ni Sen. Panfilolakson nang i-anunsyo ng Pangulo na ibabalik niya ang budget bill na ipinasan ang Kongreso kung hindi ito nakaangkla sa NEP.
02:08Anya na sa pamamagitan nito, magiging kakaunti ang pagsisingit sa pondo na kagagawan-umano ng ilang mambabatas.
02:15Nagustuhan din ni Sen. Minority Leader Tito Soto ang pahayag na ito ng Pangulo.
02:20Babala niya, humanda na raw ang mahilig sa insertion.
02:23Sangayon din dito ang mga ordinaryong Pilipino gaya ni Narowena at Jean.
02:27Dahil masisiguroan nila nito na rekta sa mga Pilipino ang ilalaang pambansang budget.
02:33Dapat lang talaga na ibibigay yung budget sa nararapat.
02:37Kaya yung mga dapat, yung mga kurap mga politikong o kaya mga nakaupo na kinukurap nila yung anong maawa naman kayo sa amin.
02:44Kami mga ordinaryong mamamayan, kami yung nagtitiis.
02:47Kasi ano eh, yun yung needs ng mga tao eh, yung mga mahihirap na mababa yung mga asil kinikita, ayun magiging okay yung pamumuhay nila.
03:00Sa kabilang banda, siniguro ng DBM na patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan na madagdagan pa ang mga investment sa bansa para mas mapalagu pa ang ekonomiya.
03:08Kaya gitang DBM, tututukan ng gobyerno ang paglalaan ng pondo sa mga programa na makakapagpabuti sa pamumuhay ng mga Pilipino gaya ng edukasyon.
03:17Titiyakin din daw ng pamahalaan na mas mapapataas pa ang antas ng kakayahan ng mga magagawa at mas mapaparami pa ang trabaho na malaking parte sa pagpapabuti ng ekonomiya ng bansa.
03:27Magpupursigay ang DOLE, DTI, DSWD, kasama pati ang DOT at mga kaugnay na ahensya sa paghahanap ng paraan at ng mga oportunidad para sa natitirang 4% ng ating pwersang manggagawa na hanggang ngayon ay walang trabaho.
03:44Ipagpapatuloy natin ang pagbibigay ng puhunan sa mas marami pang negosyante para makapagsimula ng maliit na negosyo o micro-enterprise sa mababang interes at walang kolateral.
03:58Pati na rin ang kapital at proteksyon para sa mga yamang isip.
04:02At para sa mga itinataguyod natin mula sa kahirapan, patuloy tayong nagbibigay ng libreng training at puhunan para makapagtayo sila ng sariling negosyo.
04:14Hindi tayo titigil hanggang halos dalawat kalahating milyon maralitang pamilya ay matutulungan natin na magkaroon ng kanilang sariling maliit na negosyo.
04:25Kenneth Pasyente para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.