Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Nasagip sa Baguio City ang dalawang babaeng natabunan ng pagguho ng lupa.
Bukod sa landslide, rumagasa rin ang baha sa Kennon Road at sa kilalang strawberry farm.
May report si EJ Gomez.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasagip sa Baguio City ang dalawang babaeng natabunan ng paguhu ng lupa.
00:06Bukod sa landslide, rumagasari ng baha sa Kennon Road at sa kilalang Strawberry Farm.
00:11May live report si EJ Gomez. EJ?
00:18Atom, ilang insidente ng landslide, erosion at rockfall ang nangyari rito sa Baguio City.
00:25Dalawang babae ang narescue matapos silang matrap sa kanilang mga bahay noong kasagsagan ng landslide.
00:37Mistulang waterfalls ang malakas na ragasan ng tubig mula sa bundok patungo sa kalsada ng Kennon Road.
00:45Malakas din ang agos ng tubig sa ilog sa gilid ng kalsada. Ilang puno at bato rin ang humambalang.
00:52Alas 6 ng umaga kanina, nagka-landslide sa Puruktu Outlook Drive.
00:58Isa sa apat na bahay na apektado ang tuluyang natabunan at na-washout ng landslide.
01:04Kwento ng may-ari ng bahay na si Bea, madilim pa nang magsimulang pasukin ang baha ang kanilang bahay.
01:09Nagising ako akala ko lang po may gumiba na bahay. Yun po pala lahat. Yung buong bambu po pumunta na sa bahay namin.
01:25Tapos yung bahay po na nagiba dyan, dumiretsyo na din po sa tapat namin.
01:30Dalawang babae naman ang pinagtulungang ilabas sa kanilang mga bahay matapos matabunan.
01:35Inilikas naman ang iba pang apektadong residente at ngayon ay nananatili sa evacuation center.
01:42Sa Outlook Drive pa rin, tinamaan ang linya ng kuryente ng humambalang sa kalsada ang malaking puno.
01:49Nabagsakan din ang isang van.
01:51Sa Delos Reyes, gumuho ang lupa na kinatitiri ka ng isang bahay.
02:11Nagka-landslide rin sa Purok 4B sa Luknab.
02:14Tinakpa na lang ng trapal ang lupa para maiwasan ng lalo pang pagguho nito sa kasagsaganang pag-ulan.
02:19Nakita na lang namin ma'am na wala na po yung bahay, saka malinis na po dyan, kumuho na po yung lupa.
02:26Sabi po ng mga kagawad sa ka-rescuer na tumingin po, yung bahay inanod na po doon sa creek, nandoon na po sa creek yung bahay.
02:35Inaalam pa ng otoridad kung nakalikas ang residenteng nakatira sa nasabing bahay.
02:44May nagbagsakan ding lupa at mga bato sa tuba benggit.
02:50Tinangay ang isang pick-up track na nakapark sa Asin Road, Tadyangan sa Tuba.
02:55Ang kilalang strawberry farm sa La Trinidad Benggit, nagmistulang lawa.
03:01Nalubog sa baha ang mga pananim kasunod ng magdamagang pag-ulan.
03:05Biglang umapaw yung tubig. Wala na. Wala na. Sira na.
03:10Yung pananim namin. Kawawa kami. Mangutang ulit.
03:15Ipalit ng pananim.
03:19Kaninang umaga ay nagpulong ang Baguio City Government.
03:22We have about 28 families na na-evakuated that could translate to about 80, 81 or 82 individuals.
03:31We have about 17 houses na partially damaged or damaged.
03:40Actually out of the 17, dalawa doon ang totally damaged.
03:44Atom, nandito tayo ngayon sa kahabaan nitong Session Road.
03:53At kanina, nagikot-ikot tayo dito sa Baguio City proper.
03:57At nakita natin na wala ng gaano pagbaha.
03:59Ang ulan kasi hindi na gaano malakas.
04:02At kanikanina lang, ambon-abon na lang ang nararanasan dito sa Baguio City.
04:07Yan ang latest. Balik sa iyo, Atom.
04:09Ingat at maraming salamat, EJ Gomez.

Recommended