00:00Official ng inaprobahan ng Philippine Sports Commission
00:02ang dagdag na 5,000 allowance para sa mga atleta at coaches
00:07na nasa ilalim ng national training pool.
00:11Base sa inilabas na advisory ng PSC,
00:14magiging efektibo ngayong Agosto
00:16ang dagdag na allowance para sa mga national sports associations.
00:21Ayon pa sa sports agency,
00:23hindi na required mag-submiti ng mga NSA
00:25ng daily time record ng mga atleta at coaches,
00:28pero kinakailangan ng monthly training attendance certification
00:33na pirmado ng kanikanilang pangulo o Secretary General.
00:37Matatandaan na inanunsyo ng bagong PSC Chairman Patrick Pato Gregorio
00:43ang pagtaas ng allowance ng mga national athletes at coaches
00:46ngayon ding Julio sa kanyang kauna-unahang PSC General Assembly.