00:00Samantala, magsisimula na ngayong araw ang cashless payment sa lahat ng istasyon ng MRT 3
00:05at itatap na lang ng mga pasaherong kanilang cellphone para magbayad ng pamasahe sa train.
00:11Si Bernard Ferreira sa detalye live. Bernard?
00:16Audrey, nakainstall na ilang turnstile sa MRT Line 3 na may credit at debit card reader
00:22bilang bahagi ng modern fare collection system sa linya.
00:30Hindi na kailangan bumili o mag-reload ng deep card ang mga pasahero na sa bagong cashless turnstile
00:36na bahagi ng automatic fare collection system ng MRT at LRT.
00:41Salip, maaaring gamitin ng mga pasahero ang kanilang smartphone o debit at credit card
00:46sa pag-tap sa turnstile o mechanical gate na may umiikot na horizontal arms na nakakabit sa isang vertical post.
00:54Ang inisyatibang ito ng Department of Transportation ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:01na gawing mas madali, mas mabilis at maginhawa ang pamasahe sa mga pampublikong tren.
01:08Kasabay nito umabot naman sa 5,104 na Persons with Disabilities o PWDs
01:14ang nakibahagi sa programang libre ng sakay ng MRT mula July 17 hanggang 23
01:20bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week.
01:23Sa madala, patuloy namang makatatanggap ng 50% discount ang mga PWDs at senior citizen
01:29sa pagbili ng single journey ticket o sa paggamit ng kanilang registered concessionary debit card.
01:37Audrey, tuloy-tuloy ang normal operasyon ng MRT Line 3 sa mga oras na ito
01:42bagamat malakas ang buhos ng ulan.
01:45Nasa 3.5 minutes ang headway o ang guwat ng pagdating ng mga tren sa bawat istasyon.
01:52Patuloy naman ang nakabantay ang mga miembro ng Philippine Coast Guard at security personnel
01:57para matiyak ang seguridad sa mga stasyon ng MRT Line 3.
02:01Balik sa'yo, Audrey.
02:03Maraming salamat, Bernard Ferrer.