00:00Magpapadala ang Amerika ng refueling aircraft na maaari rin gamitin para sa humanitarian assistance and disaster response operation para po sa mga apektado ng kalamidad.
00:10Samantala, tiniyak naman ang Armed Forces of the Philippines na sapat ang kanilang kakayahan para rumisponde sa mga naapektuhan po ng bagyo.
00:17Si Patrick De Jesusa, report.
00:22Magpapadala ang US ng isang KC-135 aircraft sa Pilipinas.
00:26Ito'y para tumulong sa humanitarian assistance and disaster response o HADR operation kaugnay na nagpapatuloy pa rin epekto ng mga bagyo at habagat sa malaking bahagi ng bansa.
00:38Ayon sa Philippine Air Force, lalapag ito sa Clark Air Base at may dalang HADR equipment.
00:44Ang KC-135 ay isang strato tanker na ginagamit sa aerial refueling pero pwede rin ito para sa cargo transport.
00:52The aircraft is currently now in Japan and it is awaiting departure.
00:59Support from the US is coming in.
01:01Again, it is a KC-135 aircraft bringing in the HADR equipment.
01:05It's a little bit larger than our C-130.
01:08Una ng sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
01:11na tutulong ang US Indo-Pacific Command at magpapadala rin sila ng Crisis Action Team sa Pilipinas.
01:18Ayaw naman ng patulan ng AFP ang mga batiko sa paggamit ng EDCA sites kung saan dati na rin nilang iginiit na isa itong multipurpose hub para sa HADR operations.
01:30Our reality is on the ground. We have been showing that we are using it practically and in actuality.
01:37Ang role po natin is tumulong. Wala po tayong ibang intensyon.
01:43Sa kabila naman ng tulong ng Amerika, sinabi ng AFP na sapat pa ang kanilang kakayahan kung saan 12,000 tauhan nila ang naka-standby para rumesponde sa mga apektado ng bagyo.
01:56It is manageable on our level at as of this time. But we still, we welcome itong mga gusto ngang tumulong at mag-render ng ED.
02:04Halos hanggang dibdib na baha ang sinuong ng disaster response team mula sa Tactical Operations Group 3 ng Philippine Air Force para sagipin ang ilang residenteng na trap sa kamiling Tarlac.
02:16Gamit ang specialized rescue equipment at tactical vehicle. Ligtasan ay sa gawa ang pagilikas patungo sa evacuation center.
02:24Pinaigting din ng Naval Forces at Naval Insulation Facilities Southern Luzon ang kanilang disaster response operations.
02:33Ngayong tuloy-tuloy pa rin ang pag-uulan dahil sa abagat na pinalakas pa ng mga bagyong danti at emong.
02:39Nakikipag-ugnayan din sila sa mga lokal na pamahalaan para sa mabilis na deployment ng mga aset.
02:45Gamit naman ang military trucks ng Philippine Army.
02:48Itinawid ang mga residenteng stranded sa baha.
02:51Gayun din ang paglikas sa iba pang pamilya na nasa lugar kung saan patuloy ang pagtaas ng tubig.
02:57Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Browner Jr.,
03:01bago pa man ang pagtama ng unang bagyo sa bansa,
03:04nakamobilize na ang ating mga tropa para tumulong sa mga maapektuhan.
03:09Patrick Dezus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.