Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nasa State of Calamity na ang Kalumpit Bulacan dahil sa bahandulot ng malakas na ulan na sinasabayan pa ng high tide doon.
00:06Lahat ng 26 na barangay sa naturang bayan, lubog sa baha.
00:10May unang balita si Dico Wahe.
00:16Dito lumaki, nakapag-asawa, at dito na rin nagkaapo sa barangay sa pang bayan Kalumpit Bulacan si Aling Esmeralda.
00:24Sa lahat naon ang pinagdaanan niya sa buhay, palagi rin niyang kasama, ang baha.
00:28Halos hindi na raw umalis sa barangay nila magmula noon pa.
00:33Nagkakatalo na lang kung gaano kataas o kababa.
00:42Katabi kasi ng barangay ang Pampanga River na madalas high tide.
00:58Kaya ang mga bahay na lang dito ang nag-adjust.
01:01Karamihan, may second floor.
01:03Marami rin sa mga residente may kanya-kanyang bangka.
01:06Kapag wala namang bangka, ganitong salbabida ang meron sila.
01:12Ilalabas natin.
01:13Ito ang salbabida ni Nanay Esmeralda.
01:16Ginagamit ito ng kanyang mga apo kapag papasok sa skwela.
01:20Ito, nilalagyan nila ng bangkito at may palanggana sa butas ng mismo ng gulong na salbabida para dito sila uupo at makapasok sa skwela.
01:30Ang iba naman, sirang ref ang gamit.
01:33Halos araw-araw po, high tide ang nangyayari po sa amin dito.
01:37Kaya po ang mga bata na nag-aaral, nahihirapan po.
01:41Ang mga residente po rito, nahihirapan din po.
01:43Mas malalaraw ang taas ng tubig, lalo ngayong masama ang panahon na dulot ng habagat.
01:48Nakaamba pang tumas ang tubig dahil sa inaasahang 4.9 meters na high tide.
01:52Apat na sunod-sunod na araw yung ganyang kataas.
01:55At dahil nga tila forever ang tubig dito, isang daang ektaryang sakahang lupa ang hindi na napapakinabangan.
02:01Nagmimistulan na lang ito mga ipunan ng tubig.
02:04Ang magsasakang gaya ni Cagawad Renato, hindi na raw alam ang gagawin sa kanyang lupa.
02:09Isang dekada na kanyang hindi nakakapagsaka.
02:11Dahil sa pagkakakuhan, pumapasok agad ang alat.
02:17Umaasa silang makababalik muli dahil sa flood control project na sinimulan na noong nakaraang buwan ng BPWH.
02:23Pag iyan po ay nagawa, unti-unti na pong mababawasan ng high tide dito.
02:28Isa lang ang barangay Sapang Bayan sa dalawampot siyam na barangay sa Kalumpit Bulakan na lubog sa baha ngayon.
02:34Kaya ang lokal na pamahalaan, nagdeklara na ng state of calamity.
02:37Handa-handa naman po kami kung ano man po yung disaster po na aming naranasan sa ngayon.
02:44Yung mga dati po hindi nilulubog, ngayon po ay nilulubog na rin.
02:48Lalo higit yung mga subdivision po.
02:51Halos wala nang labasan yung tubig.
02:53Mahigit 40,500 na pamilya na ang apektado.
02:57Katumbas yan ang mahigit 131,000 na individual.
03:00Mahigit 300 namang pamilya ngayon ang nananatili sa evacuation centers.
03:04Plano rao ng LG yun na magtayo pa ng mas maraming flood control project.
03:09Naging successful yung flood control sa barangay ng Corazon dito sa bayan.
03:14Bali dati kasi pag ganyang bahaan, halos 1 month to 3 months.
03:19Pag mawag kumupa yung tubig, ganun katagal.
03:22Noong ginawa yung flood control doon, na testing na,
03:27approved siya, bali ngayon, bali 1 to 3 days lang.
03:31Ito ang unang balita ni Kuwaje para sa GMA Integrated News.

Recommended