Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nasa official visit pa rin sa Amerika si Pangulong Bongbong Marcos.
00:03Tiniyak niyang nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas para tulungan ang mga kababayan nating nasa lanta ng masamang panahon.
00:10At live mula sa Washington D.C. sa Amerika, may ulap on the spot si Sandra Aguinaldo.
00:15Sandra?
00:19Rafi, sa gitna nga ng sunod-sunod na pulong ni Pangulong Bongbong Marcos dito sa Washington D.C.,
00:26ay nagmamonitor din siya doon sa baha na nararanasan sa ilang lugar dyan sa atin.
00:33At kanina nga ay nagpalabas siya ng isang recorded video para naman tiyakin doon sa mga nasa lanta na parating na ang tulong.
00:42Sa gitna ng kanyang mga pulong dito sa Washington D.C.,
00:46naglabas ng isang recorded video si Pangulong Marcos Kaugnay sa nararanasang matinding pagbaha sa Metro Manila at ilang karating na lugar.
00:55Anya, parating na ang tulong para sa mga nasalanta.
00:59Ang relief goods ay nakahanda na, idinideliver na doon sa mga area na nangangailangan.
01:05Yung mga medical team, kasabay na rin ng ating mga relief goods.
01:10At tinitiyak natin na merong transportasyon.
01:13At syempre, tinitiyak natin na may sapat na supply ng tubig, sapat na supply ng kuryente.
01:21At lahat ito ay para sa pangangailangan ng mga naging biktima nitong pagbaha at malakas na ulan.
01:31May panawagan din siya sa publiko.
01:33Pag-iusap ko lang po sa inyo ay pakinggan niyo po ang mga sinasabing advisory ng inyong LGU, ng national government at pakisundan lang po para naman matiyak natin na hindi kayo malagay sa alanganin.
01:49Nandito kami lagi upang magbigay ng lahat ng servisyo na kailangan sa harap ng hamon ng climate change.
01:56Dito sa Amerika, nagtungo si Marcos sa Pentagon, headquarters ng U.S. Defense Department.
02:02Sinalubong siya ni Defense Secretary Pete Hegseth.
02:06Ginawaran siya ng Enhanced Honor Cordon, seremonya na ibinibigay ng Defense Department sa mga senior officials na bisita nila, tanda ng pagpapakita ng malaking respeto.
02:17Sa meeting ni na Hegseth at Marcos, ilan sa nakasama ng Pangulo sina Defense Secretary Gibo Teodoro at National Security Advisor Eduardo Año.
02:27Dito muling nagpahayag ng suporta ang Amerika sa modernisasyon ng militar ng Pilipinas.
02:32Tiniyak din niya ang commitment ng Amerika sa Mutual Defense Treaty na may probisyon kaugnay sa pag-atake sa puwersa at teritoryo ng dalawang bansa.
02:41The United States is committed to achieving peace through strength and willing to work with all nations who share this desire in the region.
02:50We do not seek confrontation but we are and will be ready and resolute.
02:56We are proud to support our mutual economic vitality including your efforts to modernize your armed forces and collective defense.
03:06Nagpasalamat naman si Marcos sa tulong ng Amerika pati na sa balikatan at iba pang training.
03:11Malaking tulong daw sa puwersa ng Pilipinas sa gitna ng mga banta na kinakaharap nito.
03:16I believe that our alliance, the United States and the Philippines, have formed a great part in terms of preserving the peace, in terms of preserving the stability of the South China Sea.
03:30But I would even go as far as to say in the entire Indo-Pacific region.
03:39Rafi, nakamiting naman ni Marcos si U.S. Secretary of State Marco Rubio at isa sa kanilang bigyan din yung commitment sa deterrence at pag-enforce ng freedom of navigation sa Indo-Pacific.
03:52At sa harap nga po ng State Department ay nag-rally naman ang grupong migrante.
03:57Panawagan nila sa Pangulo na makipagkita sa mga pamilya na mga nakulong at maging yung nakalaya na dahil sa sinasabing mahigpit na immigration policy ni President Trump.
04:10Rafi, sa araw na ito ay nagkaroon din ng pulong si Pangulong Marcos kasama yung jepe, yung chief ng Central Intelligence Agency.
04:20Pero wala pa silang nire-release na karagdagang information kaugday dyan.
04:25At bukas naman po dito sa Washington D.C. ay inaasahan naman yung pulong na mismo ng Pangulo at ni President Donald Trump.
04:33Rafi?
04:35Maraming salamat, Sandra Aguinaldo, live mula sa Washington D.C. sa Amerika.