Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:30Kaklaseng lalaki ang suspect. Pareho silang edad labing apat.
00:34Kamakailan, ninakawan at tinadtad ng saksak ang isang babaeng edad labing siyam sa Tagum City.
00:39Nahuli na ang apat na suspect kabilang ang tatlong minor de edad.
00:43Sa datos ng PNP Women and Children Protection Center, sa unang 6 na buwan ng 2025,
00:49mahigit 2,000,000 ang mga kasong sangkot ang mga CICL o Children in Conflict with the Law.
00:55Sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, ang mga kabataan edad labing lima pababa,
01:02walang criminal liability o hindi maaaring kasuhan o ikulong.
01:06Sa ilalim naman ng Republic Act 10630, itinakda sa 15 to 17 years old ang discernment rule o pagkaunawa sa ginawa.
01:15Si Sen. Robin Padilla naghahin ng panukala para itakda na may criminal liability na rin ang batang 10 years old.
01:22Ito'y kung sangkot ang bata sa heinous crime o karumaldumal na krimen tulad ng pagpatay, rape, kidnapping,
01:29serious illegal detention kung saan pinatay o ginahasa ang biktima, robbery with homicide or rape,
01:35carnapping kung saan pinatay o ginahasa ang biktima, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
01:41Paliwanag ng Council for the Welfare of Children, hindi totoong walang parusa ang mga batang sangkot sa mga karumaldumal na krimen.
01:48Mandatory na ipapasok ang child in conflict with the law sa youth care facility o bahay pag-asa
01:54para matulungan ang kanyang rehabilitasyon, particular sa edad 12 hanggang 15.
02:00Nasa batas din na sa kaso ng CICL mamamagitan ang mga social worker ng DSWD.
02:06Dapat i-turn over sa kanilang mga magulang, kaanak o guardian,
02:10at sasa ilalim sa community-based intervention program.
02:13Maliba na lang kung sa assessment ng social worker, kailangang dalhin ang bata sa isang youth care facility.
02:20Korte ang magdedesisyon sa ihahaing petisyon ng DSWD para sa involuntary commitment ng bata na hindi bababa sa isang taon.
02:27Paano pag hindi na naman nagbago, ibabalik po siya ulit sa korte.
02:33Sasabihin ng korte dito, after ng dalawang tsansa o mahigit pang tsansa ang binigay sa'yo,
02:38mukhang hindi ka talaga na-rehabilitate, dun po yung i-execute na po yung judgment ng korte.
02:44So kaili po na walang criminal liability, may proseso lang po pinagdadaan.
02:48Masyado raw simple yung pagtingin sa komplikadong problema ang pagbaba ng edad ng criminal liability.
02:55Hindi raw yan ang solusyon sa kalimitang ugat ng problema na matinding kahirapan at problema sa pamilya.
03:01We have to address poverty and underdevelopment. We have to support the family.
03:06Sa mga bata po na ito, dahil po hindi pa buuang isip nila, sila po ay biktima rin.
03:12Ang ilan sa mga nakausap namin, pabor sa panukala.
03:15May isip po ng mga ibang kabataan na hindi na sila gagawa na gano'n kasi nakasuha na nga at saka mali din talaga yung mga gawain gano'n.
03:26Matatakot na yung mga bata. Kasama magulang at saka yung bata, kakasuhan na rin.
03:33Sabi ng iba, sana may angkup lang na parusa dahil masyado pang murang edad na sampung taong gulang.
03:39Pwede po yung nanay din o yung magulang, pero may proper punishment din po na pwedeng maibigay sa bata para mas matutukan and makorek pa po sila at that young age po.
03:51Napapabayaan. Kaya kung minsan po ang bata maagang naliligaw, alamin po muna kung ano po yung pinagdadaanan ng bata.
04:01Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:05Tinanong din namin ng netizens kung pabor sila sa paano kalang ibaba sa sampung edad ng pwedeng papanagutin sa karumaldumal na krimen.
04:13Ito ang say nila.
04:15Ang sabi ni Desiree Panugaling ay walang problema, basta mapatunayang sangkot nga sila sa krimen.
04:20Hindi naman agree dyan. Si Johnny G, wala pa raw kasi silang kakayahan na gumawa ng sariling desisyon at hindi dapat sila ang sisihin sa nagawang krimen.
04:30Para naman kay Thomas Alagaw, ang batas ay batas at dapat managut sa krimen ang gumawa nito.
04:36Pabor din dyan si Brian Dayo pero dapat may iba silang parusa o kulungan.
04:42With counseling at tamang guidance din daw dapat.

Recommended