Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tumaas ang presyo ng ilang gulay sa Metro Manila kasunod ng masamang panahon.
00:04Price check tayo niyan at iba pang pangunahing bilihin sa unang balita live ni EJ Gomez. EJ?
00:16Susan, kasunod nga ng mga bagyo ang pagbabago sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
00:22Ngayong wala na sa bansa ang bagyong krising,
00:24sinek natin ang presyo ng ilang agri-goods dito sa Marikina City.
00:28Ang kada kilo ng maraming gulay, isda at manok, tumaas.
00:40Sa mga nagbabalak na magluto ng ulam na kailangan ng ilang gulay,
00:44maghanda ng dagdag na budget dahil karamihan ang ibinibentang gulay dito sa Marikina Public Market,
00:50tumaas.
00:51Ang kada kilo ng pechay, bagyo at repolyo, 100 pesos ngayon, na dating 80 pesos lang.
00:5650 pesos ang itinaas ng carrots na mabibili sa 170 pesos ang kada kilo.
01:02Tumaas din ang patatas na nasa 120 pesos.
01:05Ang sayote, 50 pesos ngayon.
01:08Ang talong, 140 pesos mula sa dating 120 pesos.
01:12Ang bagyo beans, 180 pesos na nooy 150 pesos.
01:17Nananatili namang mataas ang bawang at sibuyas na nasa 180 pesos kada kilo.
01:21At ang sili na nasa 400 pesos.
01:26Ayon sa mga nagtitinda, dahil daw sa naantalang mga biyahe,
01:29ang pagtaas ng kanilang mga paninda.
01:31May taas presyo rin sa manok.
01:45Tumaas po yung manok ngayon eh.
01:47Kapon, 212, ngayon 217.
01:50Tumaas dahil short sa manok.
01:51Nagukulang talaga sa supply.
01:53Ang choice cuts, gaya ng thigh at legs, 227 pesos ang kada kilo.
01:58Ang wings at drumsticks, 250 pesos.
02:01Ang breast fillet naman, 270 pesos.
02:04Tumaas naman ng 40 pesos ang bangus na ibinibenta ngayon sa 240 pesos kada kilo.
02:10Habang ang tilapia, nananatili sa 200 pesos.
02:13Sa delivery po kasi, medyo naantala siya.
02:17Dati po maaga siya dumadating, ngayon medyo tanghali na.
02:21Tapos, medyo tumaas po yung kuha namin sa kanya.
02:27Yung mga nakaraan mo, medyo matumal.
02:29Kasi, ano, nagbabagyo.
02:31Yung mga tao hindi masyadong lumalabas.
02:34Bumaba naman ng 10 pesos hanggang 30 pesos ang kada kilo ng baboy.
02:38Ang liyempo, ibinibenta sa 390 hanggang 400 pesos ngayon na dating 420 pesos.
02:4530 pesos naman ang ibinabas sa mga choice cuts,
02:48gaya ng kasim, pork chop at pige na nasa 350 hanggang 360 pesos.
02:54Ang buto-buto, 330 pesos ang kada kilo.
02:57At ang ribs, bumaba naman sa 350 pesos.
03:00Matumal, kasi siguro wala nang pera.
03:05Wala nang pera.
03:06Liyempo, kahit mahal.
03:10Liyempo pa rin.
03:11Kahit ano siya, 390, 400.
03:14Yun ang malakas.
03:15Wala naman daw gaanong pagbabago sa presyo ng bigas.
03:18Ang kada kilo ng ordinaryong local rice,
03:20mabibili sa 35 pesos hanggang 63 pesos.
03:23Habang ang premium,
03:25nasa 58 pesos hanggang 62 pesos ang kada kilo.
03:28Ang imported rice naman,
03:30ibinibenta ng 43 pesos hanggang 48 pesos kada kilo.
03:34Susan, may mga nakausap din tayong ilang mamimili.
03:42Sabi nila ay talagang todotipid sila ngayon
03:45sa kanilang pamamalengke
03:46o di kaya naman ay nag-a-adjust daw sila
03:48sa dami ng rekados na kanilang binibili
03:51at dinadaan na lang daw nila
03:52sa maraming sabaw yung kanilang mga ulam.
03:55Yung iba naman ay dumidiskarte.
03:58Ang ginagawa daw nila,
03:59hindi na sila namimili ng mga putahe.
04:01Ang gagawin nila, mamamalengke muna sila.
04:03At kung ano raw yung makita nilang
04:05murang karne o gulay,
04:08e yun daw yung kanilang bibili
04:09at sa kanila iisipan
04:11o gagawan na lang ng kung anong ulam.
04:14At yan, ang unang balita
04:16mula po dito sa Marikinas City.
04:19EJ Gomez,
04:20para sa GMA Integrated News.
04:33Pag.
04:34Pag.
04:35Pag.
04:35Pag.

Recommended