Skip to playerSkip to main content
Kahit hirap nang maglakad, nanatiling matayog ang pangarap ng isang mag-aaral na nakilala namin sa Samar. Bilang pakikiisa sa national disability prevention and rehabilitation week, handog ng GMA Kapuso Foundation sa kanya at iba pang PWD roon ang mga wheelchair o saklay.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kahit hirap ng maglakad, nanatiling matayog ang pangarap na isang mag-aaral na nakilala namin sa SAMAR.
00:12Bilang pakikiisa sa National Disability Prevention and Rehabilitation Week,
00:18handog ng GMA Capuso Foundation sa kanya at iba pang PWD doon, ang mga wheelchair at saklay.
00:25Sa bayan ng Basay sa SAMAR, may ilang kababaihang matatagpuan sa isang kuweba, ang Saob Cave.
00:37Pero hindi sila nakatira rito, kundi sila'y naghahabi.
00:43Gamit ang tiko grass, gumagawa sila ng mga bag, chinelas, laptop case at banig.
00:51Ang temperature dito ay malamig. Ang material kasi namin ay kailangan ang malamig na temperature, kaya dito kami gumagawa.
00:59Kasi pag nasa labas kami, lalo na ngayon na mainit, ang tindi na nagiging brittle siya.
01:04Si Lilia, siyam na taong gulang ng matutong maghabi ng banig.
01:10Ito na rin ang pangsuporta niya sa apong si Ken.
01:13San libot limang daan ang kita niya sa bawat banig na magagawa.
01:19Pero simulaan niya ng maaksidente ang apo sa motorsiklo na kailangan ding operahan.
01:26Kinukulang na ang kanyang kita.
01:29Yung mga buto niya nabasag, saka ito naalis.
01:36Apektado po, hindi po nakakapag-aral ngayon.
01:40Hirap ngayong maglakad si Ken at kailangan niya ng wheelchair para makapasok sa eskwelahan.
01:47Kasama si Ken sa 67 beneficiaries na nabigyan ang wheelchair o saklay ng GMA Kapuso Foundation
01:55sa mga bayan ng San Sebastian, Calviga at Masay sa Sama.
02:01Kung may mga pupuntahan din sila, gaya ng magsisimba, pupunta sa school,
02:06pwede po nilang magamit yung mga assistive device na binigay po sa kanila.
02:12Na mahagi rin tayo ng hygiene kits at pagkain.
02:15Malaki yung tulong ng wheelchair kasi makakapasok na ako.
02:19Salamat po sa GMA Kapuso Foundation sa binigay niyong wheelchair.
02:25At sa mga nais makiisa sa aming mga project,
02:28maaari po kayo magdeposito sa aming mga bank account
02:31o magpadala sa Cebuana Louvilliers.
02:34Pwede rin online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended