- 7/17/2025
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Let's get started.
00:30Nagmistulang sapa ang ilang kalsada, ilang kotse naman ang lumutang.
00:36Nagpastaong baha naman ang naranasan sa ilang lugar sa Mandawis City.
00:40Ayon sa pag-asa, posibleng maranasan pa rin ang bagya hanggang sa malakas sa pag-ulan,
00:46sanihin ng baghindiin ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong krisin.
00:50Suspendido ang klase sa ilang lugar bukas, bunsod ng bagyong krisin at habagat.
01:01Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampublikot-pribadong paaralan sa Pasay, Las Piñas, Malabon, San Juan City, Marikina, Cainta, Rizal, Bataan, Catanuanes, Valderama Antique, Binalbaga Negros Occidental at San Vicente Palawan.
01:18Mula pre-school to senior high school naman ang walang pasok bukas sa Valenzuela City, Baguio City, Laguna, Talavera Nueva Ecija, pati sa Aborlan, Palawan.
01:28Kansilado naman ang face-to-face klase sa lahat ng antas sa Angono, Antipolo, Paras, Cardona, Murong, Rodriguez, San Mateo at Taytay, Sarizar.
01:38Gayun din sa Cavite, Calacabatangas at Talisay, Negros Occidental.
01:42Face-to-face klases naman mula pre-school to high school o senior high school ang sinuspinde sa Hamtik, Antike at Iloilo City.
01:52Pakipag-ugnayan sa inyong mga paralan kaugnay sa pagpapatupad ng online o modular distance learning.
01:58Sa apelitan ng pinalilikas, ang mga nakatira sa tabing dagat sa kagayaan bilang paghahanda sa Bagyong Krising.
02:07Pero bago pa maman ang inasaang pag-landfall doon ng bagyo, binahana ang isang bahagi o ilang bahagi ng Luzon dahil sa habagan.
02:14May report si James Agustin.
02:19Di pa matinutumbok ng Bagyong Krising ang Northern Luzon, nagmistulang ilog na ang Kanao Bridge sa Tabuk, Kalinga dahil sa bahakahapon.
02:26Ilang sasakyan ang di na sumugal kaya stranded sa tulay.
02:31Binahari ng ilang kalsada dahil sa pag-agos ang tubig mula sa bundok.
02:36Sa Legaspi Albay, malakas ang ulan kaya nagkansilan ng klase kanina.
02:40Malakas din ang ulan sa Katanduanes.
02:44Ipinagbawal muna ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng lahat ng uri at laki ng sasakyang pandaga.
02:49Nakataas na ang blue alerts sa lahat ng local DRMC sa Bicol Region.
02:53Pinagahandaan na rin ang posibleng pag-agos ng lahar sakaling bumuho sa malakas na ulan.
02:59Sa kagayan kung saan inaasa ang maglalanfall ng bagyo, itinaas na sa red alert status ang paghahanda ng mga otoridad.
03:05Ipatutupad ang force evacuation na sa apelitang paglikas.
03:08Sa mga nangatira sa tabing dagat, labing limang coastal municipalities ang binabantayan ng PDRMO.
03:14Huwag na po tayong magdidilidali na hindi sumama sa mga barangay officials kapag kayo po ay pinuntahan para sa kasigiguraduhan po nila at kaligtasan.
03:26Maaga palang naglagay na ng mga pabigat sa bubong ang mga residente.
03:29Natakot kami ba kala may pati yung mga bubong namin.
03:33Iginilid na rin ang mga bangkang ginagamit sa mga cave tour. Pinagbabaklas din ang ilang cottage.
03:41Sa Ilocos Norte, naghahanda ng lumikas sa mga nakatira malapit sa ilog.
03:45Tinitignan namin yung ilog kung tataas sir. Tapos yun, yung pakinang gamit, nagpataasang gamit.
03:51Ang ilang magsasaka, inagahan ang pag-aani ng mga pananip para hindi masira ng bagyo.
03:57Nakaalerto ng 21 munisipyo at 2 lungsod sa posibleng epekto ng bagyo.
04:02We already advise our counterparts from the different towns in the province to immediately conduct preemptive evacuation
04:10for those areas na prone to flooding and to other hazards.
04:18Sa Zambales, naka-white alert o naka-standby na mga emergency personnel.
04:23Nakaanda na rin ang mga rescue teams, rubber boats at relief goods.
04:28Sa dinalungan na aurora, may ilang nagtaas na ng kanilang mga bangka.
04:32Pero may ilang din sinamantalang pumalaot habang payapa pa ang daga.
04:36James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
04:39Bago ngayong gabi, nilabas ng PNP Forensic Group ang larawan ng mga buto ng mga tao na naiahon mula sa Taal Lake ngayong araw.
04:49Ayon sa Justice Department, nakakuha ng bahagi ng tadyang o ribs ng tao.
04:55May report si Ian Cruz.
04:56Matapos ang apat na araw na walang nakukuha ang kahinahinalang bagay,
05:04inihahon mula sa Taal Lake ang apat na sako ito kanina.
05:08Paglating sa Pampang, agad inilipat ang mga sako sa sasakyan ng soko.
05:12Apat na sako yun actually, dalawang sakong buhangin na pampabigat at dalawang sakong containing the remains.
05:19Yung ribs ng tao nakita.
05:21Ipinakita ang litrato ng labing limang piraso ng mga umanay skeletal remains na nakuha kanina.
05:27Nakuha ang mga ito sa lugar na itinuro ng mga source na kinumpirma ng whistleblower na si Julie Dondon Patidongan alias Totoy.
05:35The bankers identified it. The area. Dito ho tinatapon.
05:41So nung doon bumunta ang diver, doon may nahanap.
05:44Yung nahanap today sa quadrant na yun sa Taal Lake is a positive indication that he knew what he was talking about.
05:52Ayon sa PNP Forensic Group, 71 sample na ang kanilang nakukuha.
05:576 sa mga ito, hinihinalang mula sa tao.
06:00Talagang graveyard to eh. That's actually the graveyard within the lake eh.
06:05If you picture it in your mind, marami nakakalad dyan na remains sa lawa.
06:12Gamit ng underwater remotely operated vehicle, ipinakita ng Philippine Coast Guard kung gaano kaburak sa ilalim ng lawa.
06:20Kaya patuloy ang testing sa mga ROV para malaman ang tamang taas ng underwater drone mula sa lake bed para hindi nito mabulabog ang makapal na burak.
06:31Hindi lang ang kondisyon ng lawa ang hamon sa paghahanap, pati ang paminsan-minsang pag-alboroto ng bulkang Taal.
06:37Kanina, nagkaroon ng minor preatomagmatic eruption ang main crater ng bulkan na tumagal ng labindalawang minuto.
06:45Sabi ng FIVOLCS, ligtas naman sa buong lawa ng Taal.
06:50Ang ipinagbabawa lang ay ang pagpunta sa mismong volcano island.
06:54Kahapon, tatlong bangkayang hinupay mula sa public cemetery ng Laurel, Batangas.
06:59Ayon kay Justice Secretary Remulia, ang mga pinahukay ay makatawang lumutang umuno sa Taal Lake noong 2020.
07:06Base sa impormasyon nila, may tatlong nawala sa lipa.
07:09Noong 2020, kabina ang isang babae, isa raw sa mga nahukay ang nakitang pusibling babae.
07:16Sabi ng sepultorero nang galing sa Dakulo Funeral Services ang mga labing hinukay noon.
07:22Kwento ng manager ng punerarya, magkakaibang buwan pinakuha sa kanila ang mga katawan sa boundary ng Laurel, Calaca at Lemery.
07:30Matapos iulat ang mga ito sa pulisya.
07:32Yun nga po sir, mga tapod lang po. Tapos may mga tama ng barelo.
07:38Saan to?
07:40Laging ulo.
07:41Tapos nakatali ang mga pa?
07:43Yung iba po, bulok na, wala po talaga. Tapos lagi po silang lahat inakabriplang.
07:49Nang wala raw kaanak na nag-claim sa mga katawan, nagpaalam na raw sila sa pulisya na ipaliping ang mga ito.
07:56Tumaging magpa-interview ang hepe ng pulisya dahil wala raw siya at otoridad na magsalita.
08:00Ang record naman ng Office of the Civil Registry ng Bayan na sira sa Baha Bunsyon ng Bagyong Christine noong nakarang taon.
08:09Natunto namin ang sinasabing pinagkuhanan ng mga bangkay.
08:12Sabi ng isang residente, marami nang nakitang bangkay sa bangin.
08:16Mga tatlo-apat daw ang nakita niya noong 2021 hanggang 2022.
08:21Ito yung mga binabaril lang na parang nagbibintang mga adik.
08:26Tingin mo sabungero ba yun?
08:27Hindi pa.
08:28Tinawag namang kasinungalingan ni dating NCR Police Chief Jonel Estomo ang mga paratang sa kanya ni Pati Dongan.
08:35Nasangkot siya sa pagkawala ng mga sabungero.
08:38Dapat daw mag-public apology si Pati Dongan at bawiin daw dapat ito dahil kung hindi ay sasampahan niya ito ng reklamo.
08:46Magka-interview siya ulit tapos sila siya yung pangalan ko siya.
08:49Inilabas ni Estomo ang sertifikasyon mula sa Pitmaster Foundation na nagsasabing hindi siya trustee o opisyal ng korporasyon at wala siyang kaugnayan sa business activities o operasyon nito.
09:01Ang Pitmaster Foundation ay charitable organization ng gaming company na Lucky 8 Star Quest na pagmamayari ni Atong Ang.
09:10Sagot naman ni Pati Dongan bakit daw siya magpa-public apology gayong wala raw siyang kasalanan.
09:16Tanong pa niya sa ipinakitang sertifikasyon ni Estomo, bakit galing sa Pitmaster Foundation ang sertifikasyon?
09:23Dapat daw ay sa Lucky 8 ang gaming company na pagmamayari ni Ang.
09:28Hinihinga namin ang reaksyon dito si Ang.
09:30Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:33Nag-suspendin na rin ang pasok sa Kaloocan Bukas.
09:40Suspendido ang face-to-face klase sa lahat ng antas sa mga privado at pampublikong paaralan sa lungsod.
09:46Wala na rin pasok sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Batangas.
09:50Tila sanib-pwersa ang bagyong krising at habagat sa pagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
10:00Ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang nakaranas ng matinding baha at landslide.
10:05May report si Darlene Kai.
10:06Perwisyo ang idinulot ng malakas sa pagulan sa mga residente ng Barangay Minaa sa Ibahay Aklan matapos malubog sa baha ang kanilang mga bahay.
10:19Ayon kay Hughes Cooper Winnie Taiko, magdamag silang inulan kaya ilang sa kanila ang lumikas ng rumagasa ang tubig.
10:25Ilang gamit sa bahay ang inanod at nasira ng lampas taong baha na humupa rin kalaunan.
10:33Bumuhos din ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Negros Occidental.
10:37Sa Kabangcalan City, abot tuhod ang bahak.
10:41Inilipat ang kabaong na ito matapos bahain ang burol.
10:45Ilang residente sa barangay Kaliling Kawayan ang sinagip dahil sa pagtaas ng tubig.
10:50Sa barangay Manlokahok, Sipalay City, hindi madaanan ang kasadang ito dahil sa landslide.
10:57Stranded naman ang ilang residente sa Negros Occidental matapos umapaw ang ilang spillway doon.
11:02Sinira ng rumaragas ang bahang spillway sa barangay Manghulayon La Libertad.
11:06Ang ilang hayop kasama sa inilikas.
11:09Baha rin sa ilang kalsada sa Sebaste Antique.
11:15Nagmistulang ilog naman sa Tibiaw Antique.
11:17Hindi makadaan sa kalsada ang ilang sasakyan.
11:22Mabilis din ang ragasan ng tubig sa barangay Santo Rosario.
11:28Nilamon at sinira ng lupa ang ilang bahay doon.
11:31Walang nasaktan sa pagguho ng lupa.
11:33Naputol ang hanging bridge sa barangay Bitas, Patnongon kaya di makatawid ang mga residente.
11:42Mahigpit na minomonitor ng Antique PDRMO ang level ng tubig sa sampung ilog sa probinsya.
11:47Huwag na alumar ka na!
11:50Hagang tuhod ang pagbaha sa barangay Nuling sa Sultan Kudarat.
11:54Sa barangay Burarao II, inilagay sa isang batyang dalawang buwang gulang na sanggol na inirescue ng Philippine Coast Guard.
12:01Nirescue rin ang tatlong babaeng kapatid at kanyang ama.
12:04Sa tindi ng baha, inilikas na ang ilang residente.
12:09Nabagsak naman ang puno ng niyog ang sasakyang ito sa Maginanaw del Norte dahil sa malakas na hangin.
12:14Nabagsakan din ang puno ang bubong ng isang bahay sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.
12:22Dalawang barko naman ang sumadsad sa dalampasigan ng Zamboanga City dahil sa malakas na hangin at alon.
12:28Ayon sa pag-asa, epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong krising ang naranasang pagulan sa Mindanao.
12:35Olo deliketa, direkta maapektuhan, aning si Tropical Depression kasing
12:40ang iyahang dagan o ang iyahang kakusog sa mga musulod niya mga adlaw
12:48is birahon ng kaning habagat.
12:51Nga pwede nga ang kaning habagat mo abot na sa atua.
12:55Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:59Arestado ang isang babaeng nagbebenta o manoon ng abortion pills online.
13:07Natuntun siya ng NBI matapos ituro ng rider na pinag-deliver niya.
13:12Ayon sa NBI, mala DIY na paraan ng abortion ang pinopromote ng suspect.
13:17Inilalako niya sa ilang social media platforms ang pinaghaluhalong gamot o abortion kits
13:23sa halagang 5,000 hanggang 10,000 pesos.
13:27Sinusubukan pa namin makuha ang panig ng suspect na naharap sa patong-patong na reklamo.
13:34Imbis na mga pasalubong, mahigit isang daang kilo ng hinihinalang shabu
13:38ang laman ng ilang naharang na balikbayan box mula California.
13:42Ayon sa Bureau of Customs, nakalagay ang mga ito sa 4 sa 7 daang kahon
13:48sa shipments sa Manila International Container Port.
13:52Idineklara ang mga ito bilang personal effects.
13:55Mahigit 7 daang milyong piso ang halaga ng umanoy shabu
13:58na ito turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency.
14:02Sinusubukan ng GMA Integrated News makuhang panig ng
14:06deconsolidator pero wala pa silang sagot.
14:12Tinamaan ang airstrike ng Israel ang Syrian Military Headquarters sa Damascus.
14:32Naangyari yan habang live na nag-uulat ng reporto ng Al Jazeera sa Damascus, Syria.
14:38Bakikita ang sunod-sunod na pagsabog sa mga gusali na bahagi ng Syrian Defense Ministry
14:44hanggang mabalot ng usok ang paligid neto.
14:47Nabulabog rin ang live broadcast ng isang TV station kung saan nakita
14:51ang bahagyang pagyanig dahil sa lakas ng pagsabog.
14:55Tinarget din ang airstrike ang ilang o isang lugar malapit sa Presidential Palace.
15:01Sa pinakahuling ulat, di ba baba sa tatlo ang patay sa nangyari?
15:08Mula sa mga meme, viral moments at trends,
15:14aminado ang Sparkle Housemates na nagbago ang kanilang buhay sa outside world.
15:18Ang big winner at viral sensation na rin si Mika Salamanga
15:22na is maging inspiration for character development.
15:27Ang mga kaship ni Bianca Devera na sina Will Ashley at Dustin Yu
15:31na bigla sa dami ng Willka at Dustby supporters.
15:36Kaya kung payag na magkatrabaho sa isang project together,
15:40sagot nila,
15:41Interesting din na mag-work kami ulit with Bianca naman.
15:47Alam ko marami nag-aabang yan.
15:49Kasi ako, I've worked with Dustin na rin ng Bianca.
15:53And pareho silang friends ko.
15:54And masasabi ko talaga na very, very professional sila.
15:57So I'm looking forward talaga na makatrabaho sila.
15:59Ulit, si Shuvie Etrata nagkaroon daw ng maraming endorsements at guestings.
16:06Dumami rin daw ang opportunities na natanggap nila AZ Martinez,
16:10Charlie Fleming, Josh Ford, Vince Maristela, Michael Sager at Ashley Ortega.
16:17Harry Potter star Emma Watson.
16:20Off the wheels muna matapos sildihan ng korte ng 6 months driving ban
16:25dahil sa speeding last year.
16:28Pinagmumulta rin siya.
16:30Ilan sa fans niya ang nagsabing OA ang parusa kay Emma
16:34na nag-drive ng 60 kilometers per hour.
16:38Kinwestiyon ng ilan ang speed limit sa UK na 48 kilometers per hour.
16:43Biro ng ilan.
16:45Sana raw ay nag-wave da lang siya ng wand
16:47o sumakay sa broomstick.
16:50Aubrey Carampel, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:54Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
16:58Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Recommended
2:59:32
|
Up next
1:00:23
1:35:28
1:49:06
1:51:12
1:12:51