Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Naghain ng panukala ang isang senador na nagtatakda ng parusa sa pag-abandona sa magulang na may edad o may sakit . Tama lang bang idaan sa batas 'yan at hanggang saan ang dapat obligasyon ng mga anak?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00J.P. Soriano
00:30163 anyo sa si Tess nang abutan namin sa kanilang bahay sa Quezon City.
00:34Taong 2019, nang ma-stroke siya mula noon, ang anak na si Chris na ang nag-aalaga sa kanya.
00:42Hanggang sa pagtanda niya po, nag-aalaga ako po siya.
00:45Babalik ko po sa kanya kung ano yung pag-aalaga niya sa akin dati.
00:49Ano pong gustong sabihin nyo kay Chris na nandito para sa inyo?
00:53Alam sa lahat mo.
00:56Alam niyo.
00:56Isa lang si Tess sa mga senior citizens sa bansa.
01:01Nakapiling pa rin ang kanilang mga anak at inaalagaan sila.
01:06Meron ding senior citizens na ipinaubaya na sa mga home for the agent.
01:11Meron ding mga tuluyan ang inabandona.
01:13Kaya inihain ni Sen. Ping Lakson ang Parents Welfare Act of 2025 na layon matiyak na hindi iiwan na mga anak ang kanilang maedad ng magulang sa kanilang oras ng pangangailangan.
01:27Sa panukala, ang magulang na nangangailangan ng suporta ay maaaring maghain ng petition for support sa korte.
01:35Ang mga anak na hindi makakasunod sa support order ng korte ay maaaring patawan ng levy.
01:41Kung sumaway ng tatlong sunod-sunod na buwan na walang dahilan, maaaring silang ikulong ng isa hanggang anim na buwan at multahan ng 100,000 pesos.
01:53Ang mga mag-aabandona naman sa magulang ay maaaring makulong ng anim hanggang sampung taon at magmulta ng hanggang 300,000 pesos.
02:03Paglilinaw ni Lakson, hindi kasama sa obligadong suportahan ng anak ang mga napatunayang ng abuso, nanakit at ng abandona ng anak.
02:14Pero kailangan niyang patunayan sa korte ayon sa Section 16 ng panukala para ibasura ng korte ang petisyon o pababain ang halaga ng tulong.
02:24Hindi rin daw pananagutin ang mga anak na walang kakayahang pinansyal para tumulong.
02:29Sa may pagdiin na shared responsibility ng mga anak at ng gobyerno ang pag-aalaga sa matatanda.
02:37Nakatakda rin ang niya sa batas na dapat may pasilidad para sa mga matatanda sa bawat bayan at highly urbanized city.
02:46Bahagi na po ng kulturang Pilipino ang alagaan ng mga anak ang ating mga magulang kapag sila'y nakaedad na.
02:51Pero ngayong amiminumungkahin ng isang mamabatas na gawin na itong isang batas kung saan pwedeng multahan at pwedeng makulong ang mga hindi susunod dito sa pag-aalaga sa kanilang mga magulang.
03:01Ano kaya ang boses dito ng mga kababayan nating Pilipino?
03:04Hindi po kasang-ayon doon.
03:06Gawain na po ng tao na aalagaan talaga po yung mga magulang nila.
03:11Kupaga hindi siya magiging obligasyon.
03:14Dapat lang po talaga na may pasayang batas sa ganyan.
03:17Yung magulang natin kahit tumanda yan, kahit ano na yan, dapat inaalagaan pa rin po natin yan.
03:23Ang senior citizen na si Merlinda, hindi raw niya inisip kailanman na obligasyon ito ng kanyang mga anak.
03:30Kung mga talagang nasa nakaangatang buhay, mayaman, and then linabaliwala ang magulang,
03:38yun, dapat sila dahil negligence na yun talaga.
03:42Ang National Commission of Senior Citizens o NCSC bukas sa anumang panukalang makakatulong
03:50at magbibigay proteksyon sa mga Pilipinong senior citizens.
03:53Pero dapat din daw mas pagtuunan ng pansin ang pagpapalakas sa mga holistic programs
03:59o mga komprehensibong programa para mapanatiling productive at aktibo at malusog ang mga nakatatanda.
04:06Na anything that is ordered sometimes really is not the way to go.
04:12Siguro meron tayong pwedeng pag-aralan para mapagpigin natin paano paghandaan yung mga nakatatanda.
04:20Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, nakatutok 24 oras.
04:26Pakinggan naman natin ang boses ng mga kapuso online.
04:34Marami ang nagsabing habang buhay dapat ang obligasyon ng anak sa kanilang mga magulang.
04:41Nakalulungkot naman para sa isang netizen ang panukalang batas.
04:44Dahil ibig sabihin daw nito ay maraming matatandang magulang ang inaabandona ng kanilang anak.
04:51Pero sabi ng isang magulang, ayaw niyang sabihin obligasyon siya ng mga anak niya.
04:57Pero sana ay dalawin naman siya ng mga ito pagtanda niya.
05:01Paniwala naman ang isang komenter,
05:03ang obligasyon ng anak ay nag-uugat dapat sa love, respect at compassion.
05:10Dapat daw alagaan at suportahan ng ating mga magulang,
05:14pero dapat ding bigyan ng kahalagahan ng sarili nating buhay at kinabukasan.
05:19Hindi naman na dapat itong isabatas pa ayon sa ilan.
05:23Dahil kung inaalagaan ka naman daw ng inyong mga magulang,
05:27ay dapat lang na ibalik ito sa kanila.
05:30Mga kapuso, pwede mo rin iparinig ang boses mo sa social media accounts ng 24 oras.

Recommended