Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Taong 2028, target ng Administrasyong Marcos na pasinayaan ang Phase 1 ng Metro Manila Subway.
00:07Matapos sa matagal na pagkakatinga, nagagamit na sa linya ng MRT-3 ang ilan sa Dallian Trains na binili ng gobyerno noon pang 2014.
00:16Narito ang aking unang balita.
00:17Isa ang tren na ito sa 48 Dallian train na gawang China at binili ng Pilipinas sa kabuang halaga na 3.76 milyon pesos.
00:31Matapos matenggan ng ilan taon, ipinagmalaki ngayon ni Pakulong Bongbong Marcos,
00:36magagamit na ang tatlo sa mga tren na kaya raw magsakay na mahiging 1,000 pasahero kada isa.
00:41Tiniyak natin na kung ano ba ang kailangan gawin para magamit ang Dallian train na ito ay gawin na natin.
00:51Dati nang pinunan ng Commission on Audit ang pagkakatinga ng Dallian Trains na binili noong 2014 at na-deliver noong 2015 hanggang 2017.
01:00Ang target, may taas ang kapasidad ng MRT sa 800,000 pasahero para mabukasan ang siksikan.
01:06Pero lumutang kalaunan ang isyo ng compatibility sa mga Dallian train.
01:12Kabilang dito ang bigat na mga tren na hindi raw akma sarili sa MRT3.
01:16The reason why we don't like to operate those trains at this time,
01:22kasi posibleng maging mas mataas yung maintenance costs,
01:26yung maintaining also the rail line might be affected also.
01:35It can result to higher operating costs.
01:38Sabi ngayon ang Department of Transportation, binago na ng manufacturer na CCRC Dallian ang mga tren para maayos ang compatibility issues.
01:48Wala raw ginasos nito ang gobyerno ng Pilipinas.
01:51Inaudit din ito ng isang German firm at nagsagawa ng safety checks ang kasalukuyang maintenance provider ng MRT3 na Sumitomo Corporation.
01:59Sa tulongan nila ng Dallian trains, inaasahang mula sa apat na minuto ay magiging dalawat karahating minuto na lang ang pagitan ng dating ng mga tren.
02:08Ngayon pa lang, three trains na tatlong karuahe.
02:13So nine nitong cars na ito.
02:16Doon sa 48, tuloy-tuloy natin na titignan at gagawa ng paraan para naman magamit.
02:23In-inunsan ng Dallian trains kasabay na pagsisimula ng 50% discount para sa senior citizens at persons with disability sa MRT3, gayon din sa LRT1 at LRT2.
02:35Kaya si Noel Manzano na dating 16 pesos ang binabayaran mula sa tolan patungong boni, 8 pesos na lang ang pamasahe.
02:42Malaki pong bagay po yung senior po sa ID, malaki pong bagay po sa akin.
02:47Nauna nang inanunsyo ang 50% discount para sa mga estudyante simula nung nakaraang buwan.
02:52Yan ang mga grupong yan, mga estudyante, ang PWD, mga senior citizens ay talaga naman kailangan ng tulong natin dahil very limited ang kanilang income.
03:05The cost to government is not that much compared to the tremendous benefit for students, our PWDs, and our senior citizens.
03:16Ayon sa DOTR, pinag-aaralan ng pagbigay ng diskwento sa iba pang uri ng transportasyon sa buong bansa.
03:21Binisita rin ang Pangulo ang konstruksyon ng Metro Manila Subway na may paghuhukay na mula Ortigas hanggang Campa Ginaldo.
03:29Ang phase 1 nito mula Valenzuela hanggang Ortigas, pinapahabol ng Pangulo na mapasinayaan sa pagtatapos ng kanyang termino.
03:37Ngayon, pagka nabuo na ito, ang travel time mula sa Valenzuela hanggang sa airport ay sa kasalukuyan mga dalawang oras yan.
03:47Dalawang oras ka lahat eh. Kaya mababawasan yan hanggang mga 40 minutes na lang.
03:52Ito ang unang balita. Ivan Merina para sa GMA Integrated News.
03:58Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
04:02Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended